nakailang relasyon nako in my 24 years of existence, may fling, may pang overnight lang, may umabot ng isang taon at may sa text lang, ewan ko ba kung baket ang lahat ng eto ay di umabot sa pangmatagalan, panghabang buhay ba.
hahay,may mga ibang lalake nga naman talaga, walang konsiderasyon, manhid at puro sarili lamang ang iniintindi. basta ang importante sila ang dapat mong atupagin at wala ng iba.mga pakenshet tlaga.
di ako BITTER, ang gusto ko lang yung matinong relasyon at hindi huwad, yung totoo ba. kasi kahit ganito ako kakengkoy, I deserve to be loved by someone,yung rerespetuhin at mamahalin naman ako,yung ako lang at wala ng number two.di po ako stuff toy na kung kelangan mo ng ka-hug anjan na, di din ako stand up commedianne para pasayahin ka sa mga oras na malungkot ka dahil binalewala ka ng iilan at higit sa lahat di po ako taga PCSO dat if you need a help or assitance in some of your life problems/crises anjan agad ready to serve you! wala na nga tlagang matinong lalake sa mundo.
eto ang mga iilang di matinong lalake na alam ko siguro lover mo.
1. si mr.problematic- siya yung lahat na ng problema sa mundo pasan niya- away sa pamilya,pano gumawa ng resume,walang pangbayad sa traysikel, palpak sa trabaho, nwalang gamit ng kapitbahay at di maubos ubos na buto ng aso, and worst sinabi niya lang yung problema sa iyo na wala man lang update na aksyon on how to solve d problem.ikaw naman,sensitive ka to help him, lahat gagawin mo hanggang sa ikaw na ang dakilang jowang lukaret dahil sa problema niya.
2. si mr. katrina halili- ang lalakeng di makuntento sa isa, gusto pakyawan.yung lahat ng barkada mo jinowa na niya, at may jowa din siyang iba.plus kapag dinapuan na ng kati- ayan na parang higad na kakantot sa iba.hahay.magkasakit sana ang mga katulad niya!
3. si mr. controller- siya dapat ang masusunod sa lahat ng bagay, sa anung kakainin, saan pupunta pag nagdate, ang susuotin mo, ang movie na panonoorin na ikaw naman ang nagbayad ng movie ticket, ikaw na lover ay parang aso na susunod nalang sa knya, para wala ng gulo.
4.si mr. wala - mabuti pang wala ka nlang jowa kasi parang wla lang din,boyfriend mo siya kapag ka anjan siya pero kapag wala nman wala lang din. kayo kapag nagkikita kayo-no text, no call, no talk, no pressure! as in wala. wala tlaga!hehe
5. and lastly si mr. scheduler-he has all the right to maneuver the relationship-yung hawak niya lahat ng oras, kung kekelan uuwi after the date at kung kelan ulet magkikita, wais na siya sa alibis and reasons na sasabihin niya sa iyo,kesyo may work siya, family gathering and batch reunion, in the end, di mo na namalayan na kaya pla siya schedule ng schedule kasi para alam niya kung kelan at saan ipapasok si number two, three, four,sixteen-ang mga kabet ng poohtah!
ewan ko ba kung baket di ako swerte sa relasyon, bilang siguro nga di pa siya handa para makilala ako. di ako mapapagod to go out and get to know more someone and mag imagine na baka siya na ang nakalaan para sa akin. try lang try! dibah?madedepress lang din ako kapagka nasaktan na.bangon ulet, meet someone ulet tapos imagine ulet!hehehe,,paulet ulet!.
photos: di tlaga sila yan, representation lang yan..hehehe,ayaw'g kakulba. |