Friday, March 30, 2012

guest speaker ako! bleeehhhh!

kapag ka graduation,inggit ako sa mga nag vavaledictoryspeech kasi time na nila na magpasikat,imagine, sa kadamidaming nakatoga,may isang tatayo at aakyat sa stage tapos magsasalita-magpapasalamat- pero paano naman ang mga bobitang katulad ko?kaya i told myself- aakyat din ako sa stage kapag graduationat magsasalita na nkaharap sa mga nakatogang puti-at presto! nangyari na nga ang nais kong mangyari but this time not as valedictorian but as a GUEST SPEAKER-sa tagalog PANAUHING PANDANGAL! kumbaga, ang lahat ng sasabihin mo sa araw na eto, BANAL!

at eto yung content ng pamatay kong inspirational message sa mga graduates, kaloka! at sana maloka din kayo!




Good morning everyone, to our dear beloved principal,guests,parents, ,a pleasant morning to all of you!

Di ko alam kung anung pasakalye ang gagamitin ko para umpisahan ang inspirational message na ito nor I don’t know if I am truly inspiring to all of you, basta I received a call from my math teacher slash long lost ninang,si maam virgie salarza who invited me to give a talk. eh nasa Bangkok, Thailand pa ako for a tour.pero iniisip ko, go ako jan basta free food ok lang..heheh..but seriously gagawin ko ito para sa mga kabataang susunod na maging pag asa ng ating bayan.to inspire you guys to do your  best. oo,tama ang dinig mo para sa iyo eto. ikaw yun at wala nang iba! Kaya making ka!

Naging estudyante din ako katulad ninyo- sumulat, nagbasa, kumanta, pinalinis ng c.r.,nagwalis sa H.E.,sumayaw sa mga school programs,nagbisbis ug bulak, gisugo sa maestra palit sud an, gi away ko sa akong classmates ug nang away ug mga dili classmates, nagbungkal sa backyard para taniman ng mga prutas at gulay na di naman kami yung naghaharvest, nagjamboree din ako noon sa  boyscout pero mas gusto ko pa yung mga activities ng girl scouts kasi madali lang-tahi tahi lang ng damit,pa cute cute ,magluluto ng pagkain at mag arrange arrange ng bulaklak-eh sa boy scout jusko-buhis buhay ang mga activities!.hahay! nagcutting classes, naghalf day, umabsent, ginawang hikaw, bracelet at necklace  ang mga bulaklak ng santan,nagreporting, Naging Contestant din ako ng school paper, naging honor student noong grade one pero hindi na ulit nangyari hanggang sa grumadwet ako ng grade six.opo! di po ako honor student- isa nga lang ang ribbon ko during graduation namin noon ehh—at proud ako nun,ang saya saya ko habang i-pin sa akin yun ng nanay ko- yun yung GRADUATE. Atles may ribbon ako.  Diba?! Iilan lamang ang mga karanasang iyan sa mga pinagdaanan ko dati during may elementary years-na alam kong naranasan mo din.


Noong bata pa ako pinangarap kong maging isang mahusay na teacher, cashier ng Jollibee,magcall center agent, cheer dancer at magbakasyon sa ibat ibang lugar- isa nga lang siguro ang di pa nangyayari sa lahat ng pinangarap ko at eto ang maging isang si DARNA!

 Ang mangarap ang naging takbuhan ko sa mga panahong nahihirapan ako sa buhay-kapag ka di ko na kinaya ang lahat- ang mangarap ang nagiging past time ko! Natupad ko na yung ilan at ngayon patungo nako sa daan kung saan tutuparin ko na ang  iba pang gusto kong gawin sa buhay! Dahil nagsumikap ako,naniwala sa sarili,nadapa, bumangon,nadapa ulit at hinayaang matuto ang aking sarili sa pagkadapa kong iyon.nabigo man ako sa pagawa ng ibang mga bagay-alam kong magtatagumpay din ako sa bandang huli kasi determinado ako- walang ibang gagawa nito para sa akin kundi ako lang!at wala ng iba! Kanino ako aasa? Sa teacher kong iiwan ko pagkatapos ng graduation na di ko pa nababayaran ang utang kong ice candy at petchi petchi sa knya? Sa mga classmates kong alam kong pagkatapos ng graduation ay dina magpapatuloy sa highschool kasi walang pang bayad para sa matrikula-aakyat nlang ng bukid at magatatanim ng palay-yung iba ay magaasawa ng maaga-at merong  iba pakalat kalat nlang-tambay bah para choi! walang iba akong aasahan sa buhay  kundi  ang sarili ko.AKO! Ako lang at wala ng iba.mabibigo ako dahil pinili kong mabigo at magtatagumpay ako dahil gagawin ko at dahil ito ang pangarap ko..


Sa buhay nating ito, marami tayong pasasalamatan at marami tayong pinag kakautangan ng loob-

1.una na jan ang ating mga magulang- na talagang sumoporta sa atin, nagmahal at tumanggap kung ano man tayo- there’s no exact words to say how much we love our parents.-saludo po kami sa hirap at tiyaga na inalay niyo sa amin.alam kong nagka utang utang napo kayo para lang may ipanghanda mamamya sa bahay para sa graduation party , at bumili pa ng  bagong outfit pra sa  anak na gagraduate.kayo talaga ang tunay na darna at batman ng mga batang eto!

2.ang ating mga mahal na guro- sina maam at sir, na jusko halos anim na taon din talagang nagsakripisyo at tinanggap ang pagmumukha ninyo sa classroom- sila ang nagturo sa inyo ng Edukasyon at wastong pag uugali na sana di ninyo makalimutan sa pagdaan ng panahon at hindi ninyo  ibabaon sa limot ang lahat.gawin ninyo itong sandata sa mapanghamong mundo. May tips din ako sa inyo:kapag ka nasalubong ninyo ang mga teachers ninyo dati, huwag niyo naming deadmahin o pandilatan ng mata,bsi blockingan niyo pa ehh..bagkus batiin niyo sila at kumustahin. Dahil magiging Masaya sila sa bawat tagumpay na nakamit mo-para sa kanila isa kang buhay na tropeo  na bunga ng walang  sawa nilang pagmamahal sa propesyong kanilang napili- ang pagtuturo.


3. sa mga taong naging malaking bahagi sa bawat tagumpay mo - ang iyong mga kapatid, classmates, bestfriends, barkada,kapitbahay, alagang aso o pusa,nanay ng classmate mo, pinsan, tiya, tiyo, barangay tanod, purok chairman, sponsor mong kano sa abroad, kamag anak sa amerika,Saudi,dubai,venus, jupiter o saan pang bahagi ng solar system,- silang lahat ang nagsilbi mong inspirasyon para mapagtagumpayan mo ang bawat hamon patungo sa pagkamit ng iyong pangarap- di ibig sabihin na kapag di ka nakapag aral o nakagraduate ng college ay nabigo ka na,magtagumpay ka sa iyong angking talento at galing, pagsikapan mong maging isang magaling,maaring sa pag awit, pagsasayaw,  pag arte, pagbalanse sa lubid, kumain ng apoy it ibuga ito sa pagmumukha ng iba, joke!.hehe,.maaring may plano ang panginoon para sa iyo upang maging kapaki pakinabang ka sa lipunang iyong kinagagalawan at maging isang halimbawa ka sa iba.


jo alver inyong,sherwin sayas,cohlyn mae antonio,mary ann vidor,geraldine cadiente,aimee ponteres,ivy abinon,STAR,mia riena cosares,april love valuenzela,kristofer bacala,lester cadavos and eddie salvador=sila ang mga naging bahagi ng makulay kong buhay elementary.
Para sa mga graduates ng 2012- taos puso po ang aking pasasalamat sa pagbigay niyo sa akin ng pagkakataong maibahagi ang aking sarili at ang aking mga karanasan at sana na inspire kayo kahit papaano, magtagumpay sana kayong lahat sa pipiliin ninyong landas o propesyon  sa buhay.
Sa muli, maraming maraming salamat po.

10 comments:

  1. wow.....nakakaloka cliff ang imong speech nevertheless it was also so inspiring...Ikaw na gid!!!

    ReplyDelete
  2. ang galing naman! keep inspiring others cliff!

    ReplyDelete
  3. Pwede po bang makopya ibang parts ng speech mo po? I find it entertaining at the same time inspiring:)

    ReplyDelete
  4. Maam can I copy the some parts po ng speech niyo? Thank you po.��

    ReplyDelete
  5. Mam maari ko bang kopyahin ang ibang part ng speech nyo? Ty po.Godbless

    ReplyDelete
  6. Pakopya ng konti sa speech mo. Thank you. Speaker kasi ako sa graduation this March.

    ReplyDelete
  7. Hello po ma'am, pwede po ba macopy ang ibang part ng speech nyo po? Ang ganda kasi eh! Salamat po!

    ReplyDelete
  8. Mam pacopy ng iba linya๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป

    ReplyDelete
  9. pacopypaste po ng ibang lines, Salamats God Bless

    ReplyDelete