Showing posts with label emotions and feelings. Show all posts
Showing posts with label emotions and feelings. Show all posts

Wednesday, October 1, 2014

Wake Up! September has ended.

Wake Up! It's October.
Andaming dapat ipagpasalamat sa Kanya- unang una ay ang  dahil nagising ka pa.
at pangalawa, eto ay dahil sa humihinga ka!
I'm still waiting and hoping that October will be one of the best.
sana madaming raket na events at kung anu-ano pang gathering.

I received an email from the boss asking me to host an event,
Ang bilis ni God na ibigay ang prayers ko.
 I will be hosting Pinoy Big Brother All-in Big Four in Gensan.
They are Jane, Vickie, Maris and the PBB Big Winner Daniel Matsunaga!
Yes!Si Daniel Matsunaga-ang dating nakikita ko lang sa magazine at sa tv ay makikita ko na sa personal,bonus na if mayayakap ko pa.
Hayaaan mo, para-paraan lang yan. makakalusot din ako.
For details click here: http://kccmalls.com/




I really wanted to be healthy and fit,
At this point sleep is luxury for me and exhaustion is common because of stress and unhealthful habits na pilit ko namang tinatapos at agad ko na namang binabalikan.
sakitin na ang bida this time because of this runny nose and cough-

Me and my beshy(both of us are hopeless romantic) were discussing anything under the sun and dumating kami sa point that we wished to have someone on this coming christmas season.

Right now I'm dating this lean + dark + athletic guy who's a Psychology Major graduating student  from the university where I graduated.
Ramdam ko na may something ako sa kanya. pero di pa rin ako sure- di nako katulad ng dati na lahat ay instant- (instant noodles, instant coffee, instant jowa at instant break up)
Natauhan nako sa pabigla biglang pagsunod ko sa kagagahang nararamdaman.
Kaya nasa "dating" stage ako sa knaya ngayon. ang arte diba?! ahaha

What are the things na dapat alamin mo sa ka-date mo na siya na, na talagang gusto mo siya, or mag po-progress pa ba kayo!?

Here are some tips, makinig ka!
1. Can I have the bill?!- masarap na bagay yung makikipag date ka ng di ka pababayarin sa lahat ng ininum at kinain ninyo-at masarap ding bayaran lahat ng iyon kung ok naman ang resulta ng "date" niyo- naging tradisyun na kung sino ang nag imbita ay siya ang taya-pero iba pa rin if mag split ng bills-yung sana paghahatian natin ang gastos- dun ko nakikita yung mga qualities na understanding, respectful at responsible.

2.I like this, I like that! - kung ikaw na ang dineyt, huwag kang choosy sa place at huwag kang maarte sa food- di po piyesta ang pinuntahan niyo at magcoconcentrate ka lang sa pagkain.
Dating is knowing someone deeper, maguusap ho kayo ng madalas at aalamin ang mga bagay bagay na meron kayong dalawa- kung ano ang ipinagkaiba ninyo sa isa't isa at kung ano yung mga bagay na pareho kayong gusto.

3.Huwag kang abusado!- Huwag kang magtext sa isang tao na sabihin sa kanya na i-date ka niya. Ka-cheapan yun.Maghintay ka-kasi kung type ka niya eh gagawa siya ng paraan upang makausap ka in any means.
Kapag nasa bar kayo at libre nya ang alak- eh huwag ka ng magpalibre ng yosi! huwag mo na ding imbitahan ang buo mong basketball team, ka-dance group mo at member ng fraternity. di sila lahat kakayanin ng budget ng ka-date mo "marry me and friends"tactics ay nakaka turn off!!

4. Silent it please- If you are invited to a date, please turn your cellphone off or put it on a silent mode. Huwag kang text ng text at mag facebook habang magkausap kayo- mawawala kayo sa focus!
Set aside first ang pagiging peymus mo sa social media ilaan mo ang ilang minuto mo para sa kanya-

5.Delia Rason- if di mo gusto ang ka date mo. well you can leave naman agad.
Dapat maging tama ka sa mga rason mo para maintindihan ka niya ng maayos.Di yung sasabihin mong antok kana at kailangan mo nang umuwi, tapos makikita ka ng ka date mo sa ibang venue at iba na naman ang kasama. Huwag mong ipilit if wala tlaga. at Huwag paglaruan ang feelings ng iba.

Iba-iba nga talaga ang  ugali ng tao-pilit nilang iniisip ang mga bagay kung saan sila makakalamang at makaka abuso. Ginagamit ang charm upang makapang gago- heto naman tayo nagpaka tanga na nga- gagaguhin pa.. Iba sigurong alapaap ng kaligayahan ang nararamdaman nila habang they are fooling us- marupok kami, maganda (di mawawala yun) at mahina, huwag niyo naman sana kaming pagsamantalahan..hahahaa.

sa lahat ng mga nalokong katulad ko- You will be rewarded not maybe in love but in some other things, Trust me! God is watching us ( Music start playing) hahaha.

xoxo,

Cliff the star




Wednesday, September 17, 2014

BDO SM Gensan- and my bad banking experience

BDO SM GENSAN -These past few days became so dramatic for me, I was emotional and maybe tactless of telling what I want to say to the world.I want to be true to myself and people who really knew me will definitely understand it.

I would like to share my story about My BDO nightmare.

It was afternoon Sept 13, 2014 when I went to BDO SM Gensan hoping to open a new account in BDO with passbook and ATM Card.
Only I have are my 2 ID's( Company ID and photocopy only of my passport) and 2 pcs of 2x2 pictures and cash.

I approached this lady with full make-up wearing yellow inner, black coat and she tied her hair like she will be doing her laundry who happened doing paperworks, so I understand why she never greeted me which I believe that's every company's standard operating procedure but still I opened my mouth and I said "Excuse me Maam, mag oopen account po ako"

Then she told me that they need 2 ID's and I said if it's ok lang po ba maam na photocopy po ang isa? i have one original ID nman po and it's company ID, but this lady maybe in a hurry to finish our transaction never let me finish what I would like to say - di man lang niya ako pinatapos while kinukuha ko yung mga papers sa pouch ko to let her see all of those.

With my disappointments of these lacking of requirements needed to open an account. I went home to get ID's. unfortunately there are lots of misfortune happened to me which I posted on my fb accounts.

I successfully opened an account in BDO Santiago and  not in BDO SM Gensan after that banking mishap- I should thank
that lady who never offered me a seat, and never greeted and smile to me and for not allowing me to finish my statement to insist the bank's protocol which I respected most.

after posting this message in facebook- Here's someone from somewhere acting like a lawyer or what,trying to be clever to inform me about banko sentral ng pilipinas mandated something which i never understand and he's telling me that this post is "inappropriate"- I hope it's clear to him that I was a disappointed client and I have right to post on my fb what I really wanted to post.- eh di sana gumawa din siya ng post niya, di ko naman yun pakiki alaman eh.and to that guy?! I know where you from and I know what are the "inappropriate" things you've done and please do not challenge me to say something against you. Know your fight darling.

There are lots of concern citizens and ex-clients of BDO SM Gensan who were posting also their sentiments and their bad experiences to that branch under my post. I received a lot of likes. I should say that I am not posting jokes here but there are people also who were disappointed with their services.

At around late night I received a message from one of their teller and telling me somethings which I find worthless.
1. She told me that I should have texted her and not to post it in public-

this is business and i should not ask a friend to do it for me because i could do it on my own.
2. That lady who I was pertaining is their Officer and not a basta basta teller lang- 

Well, It makes me more disappointed. Officer pala siya?! basic smile and greet di niya magawa?! anyareh teh?! 
3. Most of the people of the banks are CPA's-

It's clear that i never demean anybody or teller's work. and please embody the values of humility, di dapat lang nirerespeto ang tao based on their achievements and title- dapat sa ugali din yan at yan ang wala sa officer nyo na CPA yata.

4. She told me to understand if that teller went through bad day-

Ahh so you want me to understand every teller and to come back next time if she's ok?Come on.
5. I should have think daw what if that's your mom or your sister, what would be my feelings.

I rest my case. defending your mother or sister on a situation within their respective work is a no-no on business.

What I said is a bit harsh but I have a right of freedom of expression and that's my fb account. Inappropriate or what, that's my fb account.My post, my rule!

The bottomline: I am a disappointed client of BDO SM Gensan and that branch should review or reformat their Customer Service Program. Or better to identify and to know better the company's tagline "We find ways" because di nila nagawa yun. #epicfail
 

xoxo,

Cliff the star
I am not in the habit of posting my grievances on social media, but today I have to make an exception

Read more at: http://www.pep.ph/news/44866/dondon-monteverde-reacts-to-pami-statement-on-erik-matti-lovi-poe-issue/1/2#focus
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook


Tuesday, September 9, 2014

Happy Birthday to me!

Hindi talaga ako mapasabog sabirthday! walang malaking handaan, walang pa-lechon at pa-disco.
But I used to have surprises on this very special day of life-the last day of August.

eto yung time na masaya na ang lahat ng mga tao kasi papatapos na ang buwan ng Agosto,
 BER months na - so ang ibig sabihin malapit na ang Pasko. Imagine the happiness that people wanted to end the month of August, pero ako ayaw ko pang matapos ang buwan na eto.Kaloka!!- birthday ko pa nuh?hayaan nyo naman akong i-feel ang moment na eto, once in a year lang nmn eh- Give nyo nah!

First event- Party kasama ng mea katrabaho ko-mga junior buyers. Masaya kasi ibang surprise na naman ang ginawa nila sa akin this year. I love my job and i even love it more because of them. Thank you at HUKAD Veranza Mall.
Junior Buyers of KCC Mall of Gensan. I love you guys. You make me so special and shine bright like a star.
Salamat sa regalo niyong lalaki sa akin, di ko eto matatanggihan. ahaha. I mean sa cake pala. pero winner na sana si kuya waiter.

My beshy Gai Acharon with Sherwin Dy- di nmn nagpahuli si gaigai. She's my confidante, my friend and enemy- madami kaming clashes niyan pero we manage to put one thing in common. FOCUS- Thank you at Chika-an, Veranza Mall.



another cake! bongga. ready ang lahat. ibo-blow ko na nga! this is the time when blowing is a best job! so blow job na! bwahahaha

kahit na simple pero pasok sa banga ang surprises na eto nina Sherwin Dy at Marlon Maramara, boylet ko sa office-ahaha este mga kasama at super friends kong boys sa office. KFC, KCC Malls.

Ang kumumpleto ng lahat ng bday greetings, at ang pumatay sa lahat ng mga surprises.Eto! nakuha ko na ang total score na 100 sa happiness because of this message. Ang chakang part is sa panget kong picture pa siya nag comment-eh may mga nice pictures naman akong pinost. Epic Fail ka Jones! pero ok lang, basta ang importante nag effort ka! Salamat. Mwahhh #meronuletkaminijones

Pa-surprise ng mga superfriends ko sa akin. Sweet to at masaya. with the bandas, beers, stand comedians, balloons, cakes, cupcakes, basta Sobrang Saya.Salamt beckies and Veranza Mall

Di din nagpahuli sa surprise ang sister ko na si Suzette Corsit all the way from Denmark, nagpadala ng pambili n cupcakes. Salamat din Thomas Marlowe Nadera for these cute pictures on top! Thanks also Sis Avenue Cakes of Veranza Mall

White and tattered party ang theme ng pa-andar at pasabog kong bday party na eto!. Thanks for letting me shine and for making me so happy on this particular day!.


To all who greeted me and extended their wishes, Thank you so Much!

I maybe so strong but i fell weak sometimes, but you guys are always there to strengthen me. , Thanks for fueling me up! Thank you for always believing in me mostly during those times na wala na akong tiwala sa sarili ko! I know na madrama na ko( keber ko nuh?birthday ko!!) pero talaga honestly, thanks for letting me fell important.

Happy bday,

Cliff the Star!

Friday, June 27, 2014

I feel so sad!

Everytime when I'm sad, I will take alook into myself in the mirror- pero mas lalo na namn akong masa-sad eh! hahay epic fail ang salamin.

I don't know what's the reason I just woke up and i felt  sad- kaartehan blues ko nga lang siguro ito!
Nararamdaman ko lang yung lungkot bigla, yung sakit, yung stress-na wala naman tlagang rason.
Di ko alam ang tawag nito sa psychology eh,pero ang lam ko ehh-lokalokahan moments toh!
I was in a state of trying to figure out what's lacking and what I really wanted to do in my life today,
 then I started praying-

Praying is the most powerful tool for my day-in a week- and a month! It's hard to juggle a lot of things (eskwela-raket-work-trip-ipon-bills-at nakakaloka nah!) God please guide me.


 When all else fails, keep finding something else to try.I have 2 rules
1.Don't give up.
2.Don't ever give up.

I know that i should be happy because I'm with  my family and friends na tlagang pianapasaya ako!

I always say these; Laban lang sa buhay- keep fighting and stand out!
 
Mens Outfit- Top Bangkok, Bottom: Hi-lo Jeans, Shoes: Converse
 Keep shining,

Cliff the star

Tuesday, June 24, 2014

It's Jones' Blue Bday Party

so eto na ng pinaka baliw moment ko!
to celebrate Jones birthday without his idea na wer are celebrating his birthday. bongga diba?!
sa mga di pa nakakakilala sa knaya-ipapakilala kita!

Jones is someone that could brighten up my day, every time i feel so weak.
He's there to put smile on my face.He's My 6-month crush.
But di niya dapat malaman eto- di niya dapat knows na ini stalk ko siya sa instagram, mall tour kami sa workplace niya para makitang siyang malapitan at palihim na gagawan ng FLAMES ang pangalan naming dalawa.haha. baka kasi kapag malaman niya? eh mawawala ang magic na nararamdaman ko everytime na makita ko siya!ahh basta madrama ang storya!

This is the day! Birthday na niya na ahah actually nung Friday pa.
I was thinking of what's the best idea for his birthday,
ang weird, kasi we will be celebrating his bday na di niya naman alam talaga.
pero cge lang, go ko na! papanindigan ko nlang talga ang kabaliwan moments na toh!

Gaigai's place ang venue, at magluluto daw siya ng sisig- pasabog si ateng!
while Mama V prepared a siomai for us, ang saya supportive silang lahat.
 and the party started! may drinks, food and balloons pa.
Ang saya ko, masayang masaya.

"Never question your happiness"
they told me that I'm insane and yes, I am!

Happy birthday at sana masaya ka sa jowa mo! sh*t panay lamon ko ng hopya these days!


Blue party with Kitty Girls of Bula!@ Thank you guys from Jones and me. ahahahah, pretending!

laleng na! thank you ej alonzo sa picture, nagtrending worldwide. ahahaha


xoxo,

Cliff the star

Tuesday, April 29, 2014

To Tourism Officer

It was never in my idea to join Gaigai to Mahin Festival in Gumasa, Glan, Sarangani Province.
But since she was still heartbroken(actually, as always) and into the process of healing and moving on na daw so i joined the group then we created  The Team Mahin.

According to my research that Mahin is a  Blaan word for "beach" signifying the tranquility, calmness and the mysteries of water while they incorporate also this term to pay respect and tribute to the first tribal groups of Glan.Oh,Thank you Google for saving my life again!

We were so very happy na nakarating kami ng Glan na safe, ang ganda ng concrete roads and the scenery going there is superb.
we went to beach agad for the  compulsory "groupie" shot- we posted immediately the pics on IG, twitter and FB using the #mahin so that we could invite people from nearby to visit the beautfil beach of Glan.Feeling ko effective nmn kasi nagdatingan pa yung iba from Gensan.that's the power of media!fruk.



The Big event that night was the Mahin Bodies- its a pageant of both men and women in different summer wear. The host DJ Justine B of MOR was very witty to open the program. There are fanatastic dancers from creative artistic group of Glan and the firedancers who are very brave and very good with their skills na sana nakapag ensayo ng maigi at nailagay sila sa tamang consepto ng programa,Then the show became dragging, the contestants are showing their bodies(bikini open nga db?), strike thier post as if there's no tomorrow, I saw the last year's Mahin Bodies and the pose of the ladies are different- nag iiba, parang nagiibang anyo at katauhan na sila. This is really a competition and gumagawa sila ng mga gestures and pose na annoying na tlaga, and slutty ang dating- Men are more composed on stage.

It's almost midnight when they FINALLY  announced the winners, I love the results since yung mga bet namin eh pasok naman sa banga. Nashock kami sa low budgeted na sash- parang ribbon lang at nilagyan ng elmer's glue at binudburan ng silver dust. it could be better if nag pa print sila ng tarpaulin at ginupit nila yun at presto! ang no-hagu-sash!
 The big bands with complete musical instruments are the highlights, they perform enthusiastically on stage, but mas mabuti sana if early nagstart ang performance nila kasi you could see the interactions of the crowd and the people happily dancing to the reggae tune.

When I went home, i saw Sir Avel's photo about the Mahin Bodies, and i posted my comments in the comments box saying " the show is dragging, at parang di pinaghandaan ang sash, at ang gwapo ng katabi mong judge"

then I received these messages:




To the shows organizer and tourism staff of Mahin Festival:

It was just an observation of mine as an avid fan of Mahin Festival- congratulations for the job well done.
and to the member of tourism office- please be kind also to PM me such word of inquiries. My comment to Sir Avel's picture about the Mahin is not to demean you guys and the program but it's a constructive criticism- that i hope and wish you to accept.
Di po kailangan na well renowned choreographer or director ako para magbigay ng komento sa mga nakita ko about the event. and to that officer who PM me- I'm not coming from hell . you could have para-phrase your statement base on your educational attainment and status as a tourism officer of Glan. That's how you treat tourists?  if you heard some sort of comments regarding your place or an event, take every word as a challenge to evaluate the tourism program and not to question someone's credibility and achievements.
Either verbal, in paper,in FB comment box still these are all comments that should be well taken.
eh kung ayaw niyo naman pala ng comments, eh di na sana po di nlang kayo ng invite ng crowd.

I have a big respect to the event organizers and the officers of Glan, kasi alam ko ang hirap at pagod na pinagdadaanan ng lahat-kasi I myself is from events too, I used to host celebrities during their concerts and mall shows in Gensan and Marbel, I'm a creative and production staff of Mark D Spot that specializes in handling events and  pageants such as Miss Silka South Central Mindanao and Ginoo at Binibining Heneral Santos 2014, I'm not bragging these achievements but I want you to know that, we, in our team accepted every comments either good or bad, because that will serve as a teacher for us to change and grow.English po yan para intense!

HUMILITY.



Di ko na pinatulan yung PM niya kasi LOVE LOVE LOVE na.

Nawalan ng wallet yung kasamahan naming si Arthur Fermo kung sino man po ang nakakita ng wallet niya-huwag nyo po ibalik ang pera( for sure) yung mga I.D's nlang po.
see!? nawalan kami pero wala kaming sinisi na mga security and police, kasi katangahan nga naman ng kasama ko yun at di maiiwasan yun sa dami ng tao- pero nagalit ba kami?nambintang? nagbash ?wala! di nmn ahh.. pero bakit si tourism officer kung maka PM sa akin ganun,, anyareh?! first-time?!

I asked my friend why i received these messages,
Gaigai: because you're Cliff Corsit. the STAR! ahaha di ko masyado maintindihan eh kung may content ba yung sinabi niya, lasing din nmn kasi kami nun. ahahha


Love lots

Cliff




Mahin is a festival unique to the town of Glan which, รข€ล“brings back traditional beach activities the townsfolk have been fond of doing since then like horse racing at the shoreline.รข€ - See more at: http://r12.pia.gov.ph/index.php?article=1671334802821#sthash.9p93eL3Z.dpuf
Mahin is a festival unique to the town of Glan which, รข€ล“brings back traditional beach activities the townsfolk have been fond of doing since then like horse racing at the shoreline.รข€ - See more at: http://r12.pia.gov.ph/index.php?article=1671334802821#sthash.9p93eL3Z.dpuf
Mahin is a festival unique to the town of Glan which, รข€ล“brings back traditional beach activities the townsfolk have been fond of doing since then like horse racing at the shoreline.รข€ - See more at: http://r12.pia.gov.ph/index.php?article=1671334802821#sthash.9p93eL3Z.dpuf

Tuesday, January 28, 2014

#JONES

nakahubad na si jones dito- ready na! hahaa. sa swimming! panget nya dito pero cutie to in person. give niyo na! push ko to huh!
eto na,

habang ang buong showbislandia ang gulong gulo na of who is telling the truth between Vhong Navarro and Deniece Cornejo and Cedric Lee, ehh eto ako ngayon in love..

kay Jones!

it was just a simple smile lang namn,kinilig na lang ako bigla at sumaya.
naging bisyo ko na halos balik balikan siya dun sa workstation niya- in other words lumalandi- pero sana naman di niya mahalata.
I know this post is so non sense pero hayaan niyo na blog ko nmn to ehh. personal blog ko to nuh.

nakapag praktis na nga ako ng mga lines para sa kanya- out of my gaga moments.

" ang akala kong isang bagay na tapos na ay unti-unting na palang bumabalik- at eto, ang magmahal,
sa bawat pagakakataong iniisip ko kung gaano ka kahalaga dun ko nararamdamang mahal kita,
di ko alam kung san ako magsisimula o kung paano nalang mawala bigla.

sa bawat pagkikita natin, iba ang nadarama-di ako makapagsalita-nililipad ako ng hangin."

ang landi nuh?!hahaha
but by the way, hanggang end of this month ko nalang eto feel. sana i'll be ok if i learn to unlike him.
ehh ganun talaga eh, may gusto kang di ka gusto!
sad moment ko na.

laban lang!

keep shining,

star

Wednesday, January 8, 2014

New Year, New Me!

My life last year was full of surprises, joy and defeats, but still i managed to overcome and ready to face wholeheartedly the 2014.

madaming bagay ang nais kong gawin ngayong taon.sana ma achieve ko sila ng bonggang bongga! kung hindi man, nganga nlang!

1. To strengthen my faith to our Dear Lord God- simba simba din full time.
2. To study hard for my graduate school studies-kelangan ko natoh, dagdag talino.
3. Have more quality time with family- dinner, breakfast, chika at laughing ng wagas.
4. Be a better person by sharing what i have learned and what i have to needy- ang lalim nuh?!
5. Productive- dapat every month may bongga akong pasabog na gagawin- akin na ang dinamita!haha
6. Do more on my job- FOCUS! para more travel this year! Baguio, tagaytay, Ilocos, Singapore, Pluto at Mars.haha
7. More hosting na ganap- dapat this time, big time na nuh, huwag nyo naman po akong tipirin o tawaran- ang hirap kayang magsalita at nakatayo ng ilang oras.naka hashtag alipin ng salapi!
8. Be more in social relevance- be active more in social networking site and spread good vibes always. Inspire others by humor kung meron man.
9. Good health- hinay hinay sa mga bagay bagay.(alak, sugal, babae haha joke lang)
10. Share happiness at all times- eto na siguro ang di ko mamimiss this year.

2014 Be good to me and God please guide me.

Shine bright,

Cliff the star!


Friday, December 27, 2013

Reunion na naman!

Pagka ganetong tapos na ang pasko, lahat ay parang bored na at di alam ang gagawin. yung iba nagkukulong nalang sa kwarto at inuubos ang atay nila sa kaka alak! kaya may matalinong naka isip na mag REUNION- eto yung magkita kita ult ang isang grupo ng kamag aral, kaibigan, kapamilya, ka tribu at ka-mukha na nagkahiwalay ng mahabang panahon.Pagkakataon na din eto upang magkamustahan chever at maka usap yung dati mo ng naging kaibigan, ka crush at ka inggitan. It's best time also to stay in touch with the person who was part of your life.

sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.

eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.

1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin  ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.

2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-

3. Huwag kang paranoid!-  dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.

To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.!
Reminders:
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.


that's all.


Keep shining,

Cliff the star!

at amadeo's pool lagao with the junior buyers

at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all.




Tuesday, December 17, 2013

Typhoon Yolanda Stories

Matapos ang mga nangyari sa bansa natin dahil sa Typhoon Yolanda- The greatest disaster on Earth this year(nagka record pa ang kumag)- eto ang Pilipinas ngayon, bumabangon!

Watching news about the typhoon really broke my heart, that's why i decided to help. Thanks to my friends for picking up all my packed clothes and deliver it to ABS-CBN Gensan. but there are  lot of stories that really amazed me and inspired me to be a better person.

1. Love Aรฑover- Reporter ng GMA News- isang media personality na nasaksihan ang tunay na pangyayari doon sa Palo-Leyte habang nagcocover- madaming namatay, madami ang nasugatan pero si Love buong tapang na inihatid ang balita upang makatulong. Bilang ganti din niya sa mga taong tumulong sa kanya-binalikan niya ang mga eto at pinasalamatan ng personal-ang driver ng van, driver ng single motorcylce, ang mag asawang nagpa inum sa kanya ng tubig na kahit na halos ginto ang katumbas neto nung panahon na iyon at ang dalawang magkapatid na inalalayan siya.Mangiyakngiyak si Love habang nagpapasalamat sa mga eto- ako din umiiyak habang pinapanood ang programang Kapuso mo Jessica Soho.

2. Bianca Gonzales- Ginamit ang kanyang pagiging sikat sa Social Media upang maghatid ng tulong at mang engganyo ng iba upang tumulong na rin. Na touch din ako dat she featured a lot of Yolanda stories too in Instagram and twitter. like students creating greeting card to inpire other victims, the two old lovers na di nagpatinag sa sitwasyon bagkos mas lalo silang nagmahalan sa kabila ng katandaan.Sinulatan din ni Bianca ang bawat lata ng sardinas ng mga salitang magpapatibay sa mga nasalanta ng bagyo. She is really a Super Bianca!

Divine Lee- She is beautiful in and out. She is really a Queen to help others. She used her connections to be able to give to the victims the reliefs and needs. No make-up , No high heels but still i find her beautiful and stunning on her effort to volunteer. mabuhay ka Mother!

3. Anderson Cooper- di nmn dadagsa ang tulong sa bansa kung wala ang International Media that really magnified the situation of Philippines to the world. Pinakita niya ang sitwasyon at humingi na rin ng tulong sa iba para sa mga Pilipino.

4. Volunteers- mga Foriegner na iniwan ang trabaho at pamilya upang tumuolong, kahit ang iba sa kanila nabiktima ng bagyo at  pa ng mga pagnanakaw katulad nung cellphone na nagselfie pa ang salarin. Sila ang tunay na bayani na di na kailangan pang gawan ng istatwa at ilagay sa pedestal, isang I.D lang nakasabit sa leeg na may katagang VOLUNTEER- dama kong irespeto at mahalin kita. Salamat.

madami pang mga storyang naganap at nabuo sa Typhoong Yolanda, marami ang sad stories ngunit kinakailangan nating basahin at pahalagahan ang masasayang storya na nagmula sa isang masaklap na trahedya-habang buhay kung ikekuwento at di ako mapapagod na ikwento eto sa bawat taong magtatanongsa akin neto. Mga kwentong kapupulutan ng aral at leksyon and to inspire each of us to do good. Be a good karma will come closer to these people.


keep shining,

cliff



Wednesday, November 6, 2013

Custome/Halloween and Apple McBurney's Bday 2013

Cliff the star as  A Sea Princess, ahaha este Ship Captain pala, Thanks to my Bro for dressing me up and even suggesting best accessories for this look. I won as the Best Costume! yeheeyyy!

Meg Gonzales as Bunny Playmate/Pornstar XXX, Janna Punzalan as Supergirl-she also won as Female Best Costume, and Poncia Glaiza Acharon as Thumbelina for the first outfit.

Philip Dolera as Army Bitch and Pinky Doyle as Sea Ferrer

Thomas Marlowe Nadera as Rockstar, Poncia Glaiza Acharon on her second outfit as Lucifer's Princess and the birthday celebrant Apple Joy McBurney as Lady Pirate

Jefrey Baguio as Rover Scout, Joze Mc cotap Abangan as Budoy and Aivonne as Flight Attendant.

 We spent our long vacation in Greenleaf Hotel, General Santos City, thanks to Apple who foolishly booked the two rooms because it's her birthday.ahhaa
Theme party is fun. It will let you think and brainstorm for the best dress or look you want to be.It was the  funniest costume party I attended ever.
I love to see a lot of  friends wearing different outfit and they are so experimental yet gorgeous.
It doesn't mean that it's Halloween you will stain your body with red liquids to appear as blood and be so ugly to become a manananggal or diablo. It's your time to be beautiful as well and to shine to this kind of theme party!
I promise to organize an event like this next year, of course I will invite a lot of people to come with us and to get to know more of party goer like me.Sana madaming sponsors!

See you next year Everyone.

Keep Shining,
Cliff the star

Smile Magazine October 2013 Issue

My Flight Attendant Friend ,Eunice Grace Sanchez of Cebu Pacific- Very proud of my pic on the mag. ahaha. thanks nice! mwahhh

mabuti nlang may flight ako nun pa gensan and i was so very happy na tingnan ang actual mag with my pic on it. ang saya! ang lakas maka artista! ahaha I represented Gensan pa talaga..Ako na ang bida!
Ever since kapag ka sumasakay ako ng plane, lageng Cebu Pacific yan. haha dahil sa it's a budget airline at nagtitipid ang kumpanya namin subok namn talaga ang serbisyo nila sa tao para dalhin ka in all destinations.
Minsan may mga bad record nga lang sila tulad ng

1. delayed flights- kelangan lang abesuhan ang mga pasahero para iwas gulo, di mo nmn din kasi mapigilan ang iba sa galit nila. OA nman kung minsan. Basta ako I received a text from them saying na madedelayed ang flight or cancel flights kc nagpaparlor ang pilot! ahaha

2.Nagkaproblema sila sa paglapag nila sa Davao City- ahhay sana di na maulit.yun. perwisyo yun. pati Gensan Airport, nagkagulo. dito kasi lahat ng pasahero pumunta.

3.Walang free food. ahhaa- dahil nga sa budget airline sya-naka cost cut din ang food sa knila-pero pwede ka namn omorder eh, yun nga lang ang mahal! ganun talaga. eh walang sari-sari store sa langit eh, eh kung meron lang sana dun nako bumili ng tubig at chippy, hahaha

Ako ang bida ng Gensan noong October Issue ng Smile Mag. I'm super proud. Salamat sa lahat ng nagpapicture kasama ang mukha ko sa mag. You're a fan!. charrrooot..

Shine bright,

Cliff the star



Wednesday, October 16, 2013

#PrayforVisayas

It was early in the morning of Oct. 15, 2013 when my mom prepared breakfast for us since they don't have classes because of it was Special Holiday.( ang English! ang arte arte ahah!)

So best in chika kami ni mader about buhay buhay, ng bigla akong nahilo-susme lumilindol pala!
withount any idea na sa kabilang kapuluan pala ng bansa specifically Bohol na 7.2 Magnitude na lindol pala ang suffering nila. di ko kaya!- alog pati utak ko nun! Nakakatakot.

ang resulta= mga bahay na nagiba, mga gusaling halos humalik na sa lupa sa pagkabagsak at ang mas masaklap, may mga buhay ang nawala. Totoo ngang wala tayong kawala sa kunting hagupit ng kalikasan.
Nakakapangilabot na makita sa telebisyon ang mga nagyari sa Bohol at Cebu.
photo by: Raymond Racaza shared to ABS-CBN.

Sa mga pagkakataong eto, aminado akong di ko rin alam kung anung gagawin. ngunit magsisilbing aral din eto sa lahat upang matoto at maging handa sa ganitong kalamidad.

1. Siguraduhing alam mo ang palabas ng building at establishments at gawin ang natutunan sa mga Earthquake Drill.-Huwag maging mangmang. Maaring ikakapahamak mo pa ang eto.

2.Huwag magtutumili-nakakadagdag stress ka sa iba kapag ka ganun. Grace under pressure ika nga.Huwag kang magpakita ng takot at kaba, but feeling ko obvious na yan sa mukha ko if ever andun ako. kunting deformities lang sa itsurako halata nang takot ako.!

3. Agad na ipagbigay alam sa pamilya at kamag anak ang iyong kalagayan. Magtext,Line, viber or wechat ka o tumawag sa kanila to inform them that your safe or your stuck somewhere. Malaking bagay na iyon para mapanatag sila.

Alam kong matibay tayong lahat na harapin ang hamon ng buhay, ngunit mas di tayo patatalo at babangon pa rin tayo upang suungin ang bagong bukas, tiwala lang sa Maykapal.

 Psalms 23 "Even though I walk through the darkest valley, I fear no evil for You are with me"

Before: Nakunan ko pala ang Loboc Church when I visited the Bohol. I admit na amaze talaga ako sa ganda niya, parang feeling ko everyday Linggo ng Wika dito bcoz of this old historical church.
May tsismis pa nga si kuya driver sa amin na kaya pala may unfinished bridge jan sa harap nang simbahan kc may yamashita chuchu treasures sa ilalim ng simbahan na ibinaon ng mga pari, so lalagayan ng tulay para may mas rason na gibain yung church! brilliant idea ni Marcos daw. chismis nga nuh!?




Ang Loboc Church pagkatapos ng Lindol. Nakakapanghinyang na di na makikita nila Chivaz (pamangkin ko) ang ganda ng simbahan na to. Oh see, tingnan nyo yung mga taong nagkukumpulan, curious din yan sila sa Treasure. Baka nabuwal ang lupa sa loob atd lumabas ang gintong statwa.Peace!


at Baclayon Church with Manila and Gensan Oracle Team, BIYAHENG bohol as get together namin. Ang saya tlaga!Ang ganda ng lighting namin dito, natural ang ganda.
Emotera! eto yung harap na part ng Baclayon Church na nasira,sayang!


 Tumulong sana tayo to share something to people who are suffering with these calamities. Maging inspirasyon sana tayo to help everyone.Let's pray for Visayas. God Bless Philippines!


Take care and Pray,

Cliff the star

Wednesday, February 20, 2013

how i survived the valentines day

ang dami kong hearts sa damit ko haha para sabihin nilang in love.
top: surly from bangkok
pants by hilo from bangkok
shoes by native


valentines day is the hardest time of the year- this is the time that you will think and feel it to the bones that you are alone.no lovelife-no partner!masakit man pero tanggap ko!huwag mo namang ipamukha pa sa akin.

while everyone was busy holding hands with their lovers and kissing until there will  be no saliva left,- ako?, nag ngangangawa magisa-i dont know what's the reason why we should really emphasize this day-bakit may mga flowers, cakes and chocolates silang dala!?-pwede nman wala . 

araw araw nman pwede mong ipadama yung feelings mo sa minamahal mo!pero bakit kelangan may araw na valentines day talaga!? 

sino ba ang may gawa nito at isusumpa ko!hahaha (evil laugh)



kidding aside, eto ang mga ginawa ko upang malampasan at kunyaring di ko maalala ang araw ng mga puso.


una- kunyari nagpakaworkaholic ako-andami kong ginawa sa office, lahat na nga siguro 

na pwede kong gawin natapos ko na. at lahat ng tapos ko na, ginawa ko nmn ulit-napagod nga ako pero 
cge lang.laban lang.

pangalawa-nagtxt brigade ako sa mga friends na single din. di din pla sila lumalabas ng bahay kasi 

affected din sila sa araw na eto-para bang malulusaw sila na parang kandila kapag ka may nakitang masyang lover sa harap nila-hahay!

pangatlo-nilaro ko nlang ang mga pamangkin ko-sila 

kunyari ang dates ko-nakita ko din ang advantage ng ingay at harot nila sa kin-thanks at anjan sila-

bitter na kung bitter!

sana nextym huwag nmn 
masyadong i sensationalize 
ang valentines day-kawawa 
nmn kaming walang jowa.kaloka!

my mama and papa for thier walts haha.pina inggit ako ng dalawa. sweet nman tlaga ang tatay ko, ganyan niya kamahal si mamang, di siya nahihiya to show his love to her..i love you both!



thanks ralph aresgado for this cute blue rose. sinorpresa mo nmn kami-lalo na ako.
o cge nextym dapat meron na ko.cge na nga Belated Happy Valentines Everyone, sorry late post!

Monday, January 14, 2013

ideal vision kcc mall

Free eye check-up at ideal vision kcc mall of gensan 2nd floor.
bongga diba?! tapos eto pa naka clearance sale sila, up to 10 to 40% and discount of some items.
san kapa libre na yung check-up may discounts pa. ipamigay niyo nlang kaya?!

well, una may mga series of eye testing-
una nilagay ako sa parang machine na tinitingnan ang mga eyeballs ko-may muta yata! haha

sunod, pinapabasa ako ng letra, yung pang grade one tlaga-
then, colors naman- kulang nlang itanong ni ate kung anung kulay ang bet ko sa contact lens na ipapagawa ko.hahaha

next pinatayo niya nako-habang suot suot yung testing lens-
" nakakakita na ako! salamat po sa iyo!" haha-trip lang-

so ayun ang resulta- near sighted ang dyosa! kaya pala di ko makita yung mga cute-dapat pla closer!
lefet -20 yung right eye ko nman -50 so mas malandi si right kasi siya etong may mas malaking negative-

naghanap nako ng frame na bagay sakin at yung lens na prepare na dun,
after one hour! presto! may new reading eye glasses nako!


Monday, December 31, 2012

Christmas Parties-Red Bloody 2012

before goin to caltex,for the xmas party exchange gift. nag papic muna ako sa malaking xmas tree sa SM GENSAN. with my pout lips.hahaha
alak of course, di mawawala sa party yan, im with pogac acharon,STAR,Jefrey baguio, meg pontino, jover sentista

thanks philip dolera for this cute stuff, mug collector kasi ako so panalo to! thanks ulet indai!

sa labas na ng caltex na kami ng exchange gift. natuwa nmn ako sa process on how to give the gift, ang kulet! haha. thanks tom nadera sa gift ko! mwahh. i love you tlaga!


the gensan fierces! philip dolera, mark dela cruz, lourd patrick alvarez, jover asentista, poncia acharon, tom nadera, STAR, yajie abangan, meg pontino and jefrey baguio

what a bloody xmas party everyone! thank u friends for making my 2o12 worth living for! i love you all!

KCC Christmas Party 2012-Glitz and Glam

2012 KCC Glitz and Glam ang peg ng Christmas party namin, wala akong maisip ng susotin kaya eto na siya! im with EPA people of KCC

With the junior buyers naman, glitz kung glitz and glam kung glam! kaloka!

KCC Gangnam Style ba kamo? oh eto ubusin niyo!

oh hala rampa! i'm praying na sana manalo kasi sayang yung cash price eh- pambayad utang! hahaa- kahit saan umandar tlaga ang pagkamukhang pera ko! in fairness tinablan ako ng hiya- di ko kc forte ang maging mowdel at rumampa nuh?! hosting kaya ko pa!


yung nka ka pink ang nanalo si david arapan, pinaghandaan niya nmn tlaga si give ko na! 1st runner up lang ako, peg ko si Janine Tugonon eh! bakit?