Showing posts with label work. Show all posts
Showing posts with label work. Show all posts

Sunday, August 9, 2015

China and my Maserati Boy

It's happiness to get back in China.
There's a lot of unusual things that i experience here. 
The vibe of the place, busy streets and colorful lights.

Kaloka ang mga utaw! nagmamadali, may hinahabol at busy sa mga anu anung ganap! 
kahit ako- parang it's super work when i'm in china! parang baliw lang ako na hinahanap si crispin at basilio! hahah

kaya instead na mabored at tengga sa condo- eh mabuti nalang naghanap ng mga pwedeng rampahan! 

My friends Hedy,Helen and Jackie were invited for a dinner in a Japanese Restaurant! Pagkababa namin sa building eh, nagulat kami sa magarang caru na nakaparada lang !! late ko na nalaman na Maserati pala eto! 

Never I  imagined that i can ride, touch and smell this Maserati car! kaloka tlaga! front seat agad ako nuh?! 

si Derek-yung driver/owner pala! ang gwapo! at nag umpisa akong mangarap.
Pangarap na magkaroon ng jowang may sasakyan, good looking at mabait!! sige na nga mayaman! hahaha 

He toured me around the city, chika kami ng chika kaya lang yung iba, sign language nalang- di na kami magkaintidihan eh, buti nalang cute si chinito! kaya okay lang.  kahit ganun ang nangyari masaya naman ako! isang pangarap na natupad sa loob ng 3 oras lang - Maserati, Masaya at Anlakas Makababae! hahahha








hanggang sa muli derek! 
pasabog ka!

xoxo

cliff the star

Monday, January 5, 2015

Sarimanok Pep Squad Reunion

We dance for laughters, for hopes, for love. We're dancers and we create dreams.

I'm a proud member of Sarimanok Pep Squad of Notre Dame of Dadiangas University in General Santos City under with the International Head Coach Mark Dela Cruz.

I've experienced sleepless nights with the team, doing our make up on our own, fixing/sewing our costumes in last minutes and finalizing our routine with our dead tired bodies.- but It's okay, because of these unforgettable experiences, It made me who I am now. Fierce, Brave and Dancer.

I maybe not so active now in dancing- aside from going to bars and parties- but still it's in my heart. and I'm happy that i got an invitation from friends and Sarimanok Officers for a Party wearing my Cheerleading Team Outfit.

Nagflashback ang lahat!- ang tawanan at kulitan, iyakan at drama! isang napaka importanteng yugto ng buhay ko ang Sarimanok Pep Squad. Dito nakabuo ako ng pamilya na mahal ako at tanggap ako kung anu at sino ako- di naging hadlang ang preference ko upang matuto bagkus naging bukas ako sa iba upang mas lalong maniwala sa sarili na kaya ko!- dahil sa grupong ito, pantay-pantay kaming bumubuo ng isang sayaw para sa pangarap! sa bawat kumpetisyon na aming napagdaanan,alam kong di lang tibay ng loob ang naging puhunan namin kundi ang tiwala ko sa sarili ko na mahalaga ako! at ang tiwala ko sa iba na kapag nahulog o nadapa man ako, may isang tao sa likod na handang sumalo at tutulungan akong bumangon ulit.
( ang drama nuh?!)

Bongga at brainy ang pagkagawa ng Event na toh!.Theme kung theme! Na impress ako sa mga pakulo at iba pang kyeme upang talagang mas memorable ang party!

 Alumni vs Newbies!

Dahil sa mas magagaling kaming mga Alumni (I claimed it) hahaa ehh always naming natatalo sila.

Kidding aside, I really admire the new members of the squad.They are now scholars, the school is providing their tuition fees for them to study but they should maintain good grades.ang taray diba?!

Binubuo ng mga batang baguhang Manok ( we call ourselves Manok) sa pamamagitan ng pagsasayaw ang bawat pangarap nilang makapagtapos ng pag aaral at makapag trabaho upang matulungan ang pamilya. I salute you guys. Keep the fire burning!



Di pa nmn masikip yung costumes sa kanila- with Sarimanok Pep Squad Girls Jana, Tatat,Chiqui,Meg and Ma-e


One of the pamatay at lakas-maka-babae stunt ng newbie of Sarimanok Pep Squad
Kahit magka ibang batch forever friends pa din kami nuh?! with Pogak, Chiqui, Meg, Tatat, Ma-e and Star!

Monday, December 29, 2014

KATHNIEL in Marbel

This is my pinaka pasabog na event this year- ang Kathniel sa Koronadal City!

sikat na sikat na ngayon ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo at Teen King Daniel Padilla -na may bagong palabas sa sususnod na taon. Ang remake ng sikat na Asian Teleserye- "Pangako sa yo"

 I was given a chance na makapaghost at makasama sila sa onstage! sobrang saya na halos di ko na alam kung anung gagawin.

Siyempre, the crowd went wild and talagang di ko na marinig ang sarili ko- sa sobrang lakas ng sigaw, halos magiba ang Gym! hahaha kaloka.






selfie kasama ang Kathniel Fans sa Marbel - an old name of Koronadal City

Unang nagperform si Kathryn- magiliw siya at sobrang saya niya na first time niya pala sa Koronadal City

Teen King! Ang gwapo at ang kisig- siya di na daw niya first time.

Kathniel and the star!- dream come true mga ateng!

DJ!!pa bonus ko na sa inyo to ha! pang christmas ko na to! huwag ng humingi pa ng kahit anu..
I'm a Kathniel forever fan!
yung kilig, yung karisma pakkk!! sila na!

raketera,

Star

Wednesday, November 26, 2014

#Trending Sweets Dessert Bar

The wedding month is fast approaching- the December.
For sure, there's one member of your group that will walk down the aisle or simply part of the entourage at ginugulo kayong tanungin if anu ba ang ireregalo nila sa friend nilang newly wed.

Here's my Star Tips:
1. Yourself- oo! ikaw, haha huwag mo namang ibalot ang sarili mo. I mean, volunteer yourself for preparing the event. Tumulong ka sa seat plan, mag wrap ng mga give aways, maging photographer,itxt at tumawag ng mga guests na sure ng dadalo at kahit anu pa, basta makatulong lang. Huwag ka naman pang-gulo dahil iibahin mo ang wedding plans, hindi ikaw ang ikakasal, ok?!

2. Couple thing ( shirt, mugs, slippers, or undies)- winner to teh, magiging kaaliw aliw ang ireregalo mong ito. kahit di masyadong mahal pero pinag isipan. haha. Tyak akong magiging favorite ito ng mag asawa.

3. Personalized materials- pwedeng painting, photo frame o ginansilyo mong table cover- mas magiging espesyal ito sa kanila ,kasi ito'y pinaghirapan mo at pinagtuonan mo ng pansin at oras. Huwag na puro baso o gamit sa kusina ang i-givesung mo nuh, aside sa common na ang mga ito, eh di namn sila magpapatayo ng karenderya!

Pero ang pinaka bet ko sa lahat ay pag suggest ng isang dessert bar during the event.
Last Sunday, I hosted at Greenleaf Hotel Basil hall the launching of online shop dito sa Gensan owned by my dear friends Liza Jane Calsis and Princess Pia- eto ang #TrendingSweetsDessertBar

Madaming choices ng desserts and cookies,oh my Happiness and Heaven in one! may truffles, butter cookies, cakes, cupcakes, mini cupcakes and candy corner pa sila. This #trendingsweetsdessertbar is for all occasions.. They can personalized all their desserts upon the request and demand of the clients. So talagang winner!

So sweet and it's trending now!

The owners- Liza Jane Calsis and Princess Pia busy answering questions from GMA Gensan.nag imaita pa ng Media!

#Trending SweetsDessertBar

Poncia Glaiza Acharon- the winner for most LIKES in facebook with fansign "#Trending Sweets I like" Ikaw na amg Mother Peymus!
For any queries you may contact Liza Jane Calsi @ 09332399456

Enjoy your TrendingSweets Experience !!!

Cliff the Star



Saturday, November 22, 2014

Star City with Cliff the Star

I am in charge of how I feel and today I choose HAPPINESS.

There are lot of reasons in this world that we need to be thankful with and be happy.
Unang-una na diyan ang pamilya, sa trabaho at sa mga masasayang taong nakikilala mo araw araw.
Alam kong ayaw mo ng nega, kahit ako naman din siguro nuh?! -No to bad vibes ako.

Lately kasi, parang allergy ako sa mga problema at mga dramang yan.
A psychology student from NDDU skype me,
Imagine, nasa Uhaw lang ang bahay nila at ako nasa Bula, pero dinaig pa namin ang nasa abroad kung makipag usap gamit ang skype.hahah
Nung una masaya pa siya, siya lahat ng kwento, so parang ang dating is, ako nlang yung taga absorb ng lahat ng mga storya niya. medyo boring na ang topic, kasi ba naman, siguro lahat ng problema niya sa buhay ay na ishare na niya,( kung paano makahanap ng pera pang tuition fee, paano magkakaroon ng work ang kapatid niya, problema niya sa ex niya na di pa yata siya maka move-on, problema niya sa volleyball team niya, problema dahil sa kalandian niya at ang problema sa pagfile niya ng kaso laban sa dati niyang friend)
complicated nuh?! oo, ako din, medyo naguluhan at talagang na off sa lahat ng sinabi niya- na stress ako at nanghina. See? kahit na ako naloka bigla sa isang problema ng 19 years old. hahay. Di yata jowa ang kailangan ng batang ito, kundi Superhero-tagapagligtas niya! hahaha

kasi iniisip ko, bakit kaya may mahilig magshare ng problema at bad vibes sa ibang tao?! hindi ba pwedeng happiness lang ang ishare at makahanap ng solusyon sa problema ng di ka nandadamay ng kapwa mo?!

It's glad to be with people na addict sa kaligayahan, yung kunting bagay lang ay napapatawa mo na at na fe-feel nila yung excitement at happiness araw araw.
Sila ang mga tunay na kaibigan. When visiting Manila last week, naisipan naming mag Star City! pangarap ko yun!

Star City is Love! Kaloka ang mga rides. di ko malilimutan ang walang humpay na kasiyahan.

TSUBIBO with Jayzel Poncardas and Quenit Florida

Cliff the Star!

The Bula Kitty Girls- Si Donna, Ej Alonzo and Madam Ex. Ej left na papuntang Japan, I'm missing him badly na.

Junior buyers- power team with Jayzel Poncardas, Quenit Florida and Ian Bert Rafal.
 Sa lahat ng mga tanong nyo sa presyo at kung anu ano pang keme sa Star City, o heto!!

Admission Fee Php 65.00
Entrance inside Star City only. EXCEPT Mid-way games, coin operated machines, rides, attractions, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue and Walk on Water.
3 Cheers Ticket Php 360.00
Three rides of your choice (Ride restrictions apply), EXCEPT mid-way games, coin operated machines, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue and Walk on Water. Entrance fee included. (Ride restrictions apply)
Ride-All-You-Can (RAYC) Php 420.00
Unlimited access to
KIDDIE RIDES: Quack-Quack, Kiddie Wheel, Little Tykes, Tea Cup, Kiddie Bumper Car, Rodeo, and Ball Pool.
FAMILY RIDES: Grand Carousel, Happy Swing, Magic Forest Ride, Red Baron, Super TeleCombat, Dragon Express, Wacky Worm and Giant Star Wheel.
OLDER KID, TEEN AND ADULT RIDES: Bumper boat, Bumper Cars 1 and 2, Jumping Star, Tornado and Blizzard
EXTREME RIDES: Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Star Flyer and Viking Ship
ATTRACTIONS: Toy Chest (Coming Soon), Peter Pan, Time Tunnel, Pirate Adventure, Dungeon and Gabi ng Lagim
(Ride restrictions apply). EXCEPT Mid-way games, coin operated machines, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue, and Walk on Water. Entrance fee included.
Snow World Php 150.00
Unlimited same day entrance. (Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Lazer Blaster Php 100.00
Good for 1 (one) game only. (Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Scream Avenue Php 120.00
Good for 1 (one) film showing only.(Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Senior Citizens are given 20% Discount on RAYC
Please bring any VALID identification Card
PROMO PACKAGES
RIDE-ALL-YOU-CAN VALUE COMBO
A. plus Snow World Add P100.00
B. plus Lazer Blaster Add P60.00
C. plus Scream Avenue Add P60.00
Tickets and Ride All You Can Pop Tags are non-refundable. Ride All You Can Pop Tags are non-transferable and void if altered.
*Rates may be changed without prior notice*

For more details visit their website http://www.starcity.com.ph/

Have fun guys!

Love lots,

Cliff the star

Wednesday, October 1, 2014

Wake Up! September has ended.

Wake Up! It's October.
Andaming dapat ipagpasalamat sa Kanya- unang una ay ang  dahil nagising ka pa.
at pangalawa, eto ay dahil sa humihinga ka!
I'm still waiting and hoping that October will be one of the best.
sana madaming raket na events at kung anu-ano pang gathering.

I received an email from the boss asking me to host an event,
Ang bilis ni God na ibigay ang prayers ko.
 I will be hosting Pinoy Big Brother All-in Big Four in Gensan.
They are Jane, Vickie, Maris and the PBB Big Winner Daniel Matsunaga!
Yes!Si Daniel Matsunaga-ang dating nakikita ko lang sa magazine at sa tv ay makikita ko na sa personal,bonus na if mayayakap ko pa.
Hayaaan mo, para-paraan lang yan. makakalusot din ako.
For details click here: http://kccmalls.com/




I really wanted to be healthy and fit,
At this point sleep is luxury for me and exhaustion is common because of stress and unhealthful habits na pilit ko namang tinatapos at agad ko na namang binabalikan.
sakitin na ang bida this time because of this runny nose and cough-

Me and my beshy(both of us are hopeless romantic) were discussing anything under the sun and dumating kami sa point that we wished to have someone on this coming christmas season.

Right now I'm dating this lean + dark + athletic guy who's a Psychology Major graduating student  from the university where I graduated.
Ramdam ko na may something ako sa kanya. pero di pa rin ako sure- di nako katulad ng dati na lahat ay instant- (instant noodles, instant coffee, instant jowa at instant break up)
Natauhan nako sa pabigla biglang pagsunod ko sa kagagahang nararamdaman.
Kaya nasa "dating" stage ako sa knaya ngayon. ang arte diba?! ahaha

What are the things na dapat alamin mo sa ka-date mo na siya na, na talagang gusto mo siya, or mag po-progress pa ba kayo!?

Here are some tips, makinig ka!
1. Can I have the bill?!- masarap na bagay yung makikipag date ka ng di ka pababayarin sa lahat ng ininum at kinain ninyo-at masarap ding bayaran lahat ng iyon kung ok naman ang resulta ng "date" niyo- naging tradisyun na kung sino ang nag imbita ay siya ang taya-pero iba pa rin if mag split ng bills-yung sana paghahatian natin ang gastos- dun ko nakikita yung mga qualities na understanding, respectful at responsible.

2.I like this, I like that! - kung ikaw na ang dineyt, huwag kang choosy sa place at huwag kang maarte sa food- di po piyesta ang pinuntahan niyo at magcoconcentrate ka lang sa pagkain.
Dating is knowing someone deeper, maguusap ho kayo ng madalas at aalamin ang mga bagay bagay na meron kayong dalawa- kung ano ang ipinagkaiba ninyo sa isa't isa at kung ano yung mga bagay na pareho kayong gusto.

3.Huwag kang abusado!- Huwag kang magtext sa isang tao na sabihin sa kanya na i-date ka niya. Ka-cheapan yun.Maghintay ka-kasi kung type ka niya eh gagawa siya ng paraan upang makausap ka in any means.
Kapag nasa bar kayo at libre nya ang alak- eh huwag ka ng magpalibre ng yosi! huwag mo na ding imbitahan ang buo mong basketball team, ka-dance group mo at member ng fraternity. di sila lahat kakayanin ng budget ng ka-date mo "marry me and friends"tactics ay nakaka turn off!!

4. Silent it please- If you are invited to a date, please turn your cellphone off or put it on a silent mode. Huwag kang text ng text at mag facebook habang magkausap kayo- mawawala kayo sa focus!
Set aside first ang pagiging peymus mo sa social media ilaan mo ang ilang minuto mo para sa kanya-

5.Delia Rason- if di mo gusto ang ka date mo. well you can leave naman agad.
Dapat maging tama ka sa mga rason mo para maintindihan ka niya ng maayos.Di yung sasabihin mong antok kana at kailangan mo nang umuwi, tapos makikita ka ng ka date mo sa ibang venue at iba na naman ang kasama. Huwag mong ipilit if wala tlaga. at Huwag paglaruan ang feelings ng iba.

Iba-iba nga talaga ang  ugali ng tao-pilit nilang iniisip ang mga bagay kung saan sila makakalamang at makaka abuso. Ginagamit ang charm upang makapang gago- heto naman tayo nagpaka tanga na nga- gagaguhin pa.. Iba sigurong alapaap ng kaligayahan ang nararamdaman nila habang they are fooling us- marupok kami, maganda (di mawawala yun) at mahina, huwag niyo naman sana kaming pagsamantalahan..hahahaa.

sa lahat ng mga nalokong katulad ko- You will be rewarded not maybe in love but in some other things, Trust me! God is watching us ( Music start playing) hahaha.

xoxo,

Cliff the star




Wednesday, September 17, 2014

BDO SM Gensan- and my bad banking experience

BDO SM GENSAN -These past few days became so dramatic for me, I was emotional and maybe tactless of telling what I want to say to the world.I want to be true to myself and people who really knew me will definitely understand it.

I would like to share my story about My BDO nightmare.

It was afternoon Sept 13, 2014 when I went to BDO SM Gensan hoping to open a new account in BDO with passbook and ATM Card.
Only I have are my 2 ID's( Company ID and photocopy only of my passport) and 2 pcs of 2x2 pictures and cash.

I approached this lady with full make-up wearing yellow inner, black coat and she tied her hair like she will be doing her laundry who happened doing paperworks, so I understand why she never greeted me which I believe that's every company's standard operating procedure but still I opened my mouth and I said "Excuse me Maam, mag oopen account po ako"

Then she told me that they need 2 ID's and I said if it's ok lang po ba maam na photocopy po ang isa? i have one original ID nman po and it's company ID, but this lady maybe in a hurry to finish our transaction never let me finish what I would like to say - di man lang niya ako pinatapos while kinukuha ko yung mga papers sa pouch ko to let her see all of those.

With my disappointments of these lacking of requirements needed to open an account. I went home to get ID's. unfortunately there are lots of misfortune happened to me which I posted on my fb accounts.

I successfully opened an account in BDO Santiago and  not in BDO SM Gensan after that banking mishap- I should thank
that lady who never offered me a seat, and never greeted and smile to me and for not allowing me to finish my statement to insist the bank's protocol which I respected most.

after posting this message in facebook- Here's someone from somewhere acting like a lawyer or what,trying to be clever to inform me about banko sentral ng pilipinas mandated something which i never understand and he's telling me that this post is "inappropriate"- I hope it's clear to him that I was a disappointed client and I have right to post on my fb what I really wanted to post.- eh di sana gumawa din siya ng post niya, di ko naman yun pakiki alaman eh.and to that guy?! I know where you from and I know what are the "inappropriate" things you've done and please do not challenge me to say something against you. Know your fight darling.

There are lots of concern citizens and ex-clients of BDO SM Gensan who were posting also their sentiments and their bad experiences to that branch under my post. I received a lot of likes. I should say that I am not posting jokes here but there are people also who were disappointed with their services.

At around late night I received a message from one of their teller and telling me somethings which I find worthless.
1. She told me that I should have texted her and not to post it in public-

this is business and i should not ask a friend to do it for me because i could do it on my own.
2. That lady who I was pertaining is their Officer and not a basta basta teller lang- 

Well, It makes me more disappointed. Officer pala siya?! basic smile and greet di niya magawa?! anyareh teh?! 
3. Most of the people of the banks are CPA's-

It's clear that i never demean anybody or teller's work. and please embody the values of humility, di dapat lang nirerespeto ang tao based on their achievements and title- dapat sa ugali din yan at yan ang wala sa officer nyo na CPA yata.

4. She told me to understand if that teller went through bad day-

Ahh so you want me to understand every teller and to come back next time if she's ok?Come on.
5. I should have think daw what if that's your mom or your sister, what would be my feelings.

I rest my case. defending your mother or sister on a situation within their respective work is a no-no on business.

What I said is a bit harsh but I have a right of freedom of expression and that's my fb account. Inappropriate or what, that's my fb account.My post, my rule!

The bottomline: I am a disappointed client of BDO SM Gensan and that branch should review or reformat their Customer Service Program. Or better to identify and to know better the company's tagline "We find ways" because di nila nagawa yun. #epicfail
 

xoxo,

Cliff the star
I am not in the habit of posting my grievances on social media, but today I have to make an exception

Read more at: http://www.pep.ph/news/44866/dondon-monteverde-reacts-to-pami-statement-on-erik-matti-lovi-poe-issue/1/2#focus
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook


Wednesday, August 27, 2014

The Voice Kids of the Philippines in Gensan

I'm a believer of a #dreamsdocometrue and these kids from a talent search The Voice of the Philippines Kids Edition are the living example.
The Voice of the Philippines Kids in KCC Mall

Fanney nako ng mga chikiting na eto sa sobrang galing nilang kumanta, i was moved also by their life stories.
napa ka strong ng mga personalities nilang apat lalong lalo na si Darlene,
Lyca was still rehearsing at the backstage with her ever supportive nanay.
 As usual malikot ang mga boys na sina Juan Karlos and Darren.

I was asked by a friend na si EJ Alonzo to let Darren greet him on camera, unfortunately, bawal daw sabi ng star magic, pabulong lang chinika sa akin ni Darren, napa strikto nga nman ng Star Magic Team, kasi priced talents nila ang kasama nila.Naiintindihan ko naman agad yun.

Naunang magperform si Darlene-ang girl on fire, birit kung birit si bagets.
Sumunod si Juan Karlos, na halos di ko na marinig ang performance sa sobrang ingay ng KCC Convention Center-nagtitiliang mga fans ang sumakop ng event center.
What a great performance ang ipinakita ni Darren, ang galing niya naka nganga lang ako all the time while he was singing.

Ang gwapo ng Bisaya Boy na si Juan Karlos-I'm with Princess as your hosts for this Big Night.
with Darren Espanto praying bago sumalang sa stage.
and lastly si Lyca, ang itinanghal na the Voice Kids of the Philippines Ultimate Champion.na halos di din nagpa blags ang little bagets sa death defying performance niya. Siya ang batang Lungs! Ang galing.

Ang di ko inaasahan ang ay ang pagpunta ni Mommy D sa stage, i was interviewing Lyca to promote her shows sa TV and other concerts, when Mommy Dionisia Pacquioa arrived, 

nagsigawan ang mga tao, madami nga tlagang fans si Mommy D kahit dito sa Gensan.
Maalalang ginaya ni Lyca si Mommy D nung nag guest eto sa show ni Vice Ganda, kinanta nito ang Wrecking Ball by Mommy D version.

Nagface-off ang dalawa, kinantahan ng bibong bibong si Lyca ang kanyang espesyal na panauhin ng Wrecking Ball, I was there at the back shouting and cheering for this memorable event in showbiz, (akala mo naman kung anu talaga ang face off na eto). ahaha

Ibinigay ko kaagad kay Mommy D ang microphone ko upang makapagsalita na siya, pinuri niya agad at binati si Lyca, at nangaral ang lola mo sa mga andun sa event na yun, na dapat daw ay suportahan ng mga magulang ang kanilang mga junakis sa mga talents nila, upang maging successful, ayyy ikaw na Mommy D.!
even before naman tlaga ay fanney mo na ako ehh.She has charisma and charm.

Isa eto sa pinakamasayang hosting gig na napuntahan ko. It made me a star! kahit 7.5 seconds lang sa National TV. Na TV patrol na din ako sa wakas.Bongga kasi yung headline eh, di ako nanakawan o ni-rape, o binastos ng mga tambay sa kanto.. hahaha Sikat,kasi nasa Star Patrol! kaloka!anlakas maka artista! kahit na wala sa akin yung spotlight ayy ok na din yun, Exposure is still an exposure! ibang levels na. ahahha sana dumami raket ko nito pagkatapos. hahaha

Nag trending ang pagkikita nina Mommy D at Lyca sa social media- eh umeksena din ako dun, so salamat sa nagpost neto,salamat sa mga friends who texted me at naniwala hahaha. Artista nako sa 7.5 seconds na yun! ahahahha
The Voice of the Philippines Kids on their Finale Song. Thank you KCC Mall of Gensan!
Love lots

 Cliff the star!








Friday, August 15, 2014

Holy Trinity College- Speaker on Marketing

I received an invitation from a friend to be part of their Marketing Week in Holy Trinity College not as guest but as a Speaker, an I said what?! Me? as a speaker on Marketing?!
Di ako makapaniawala- I'm not a marketing graduate nor in any Business related courses, but the I've realized I am exposed into the world of Marketing.

Yes, I market myself to get a very good yet profitable events, such as hosting big stars shows, emceeing birthdays, wedding and other corporate events and being a speaker to some schools like public schools and some of colleges in Gensan.
I used Social Network- INSTAGRAM and FACEBOOK in selling myself to people, Yes I am a commodity!
I could offer to people my services and my talent in public speaking.

As I started the talk to students,It's very unusual for me because it's not the same topics that i have always discussed, it's another thing.so dapat handa ako!

As usual, tawanan, kinakabahan sila at talagang naniwala naman sila sa akin.haha

here are some topics I presented to them.

1. SOCIAL MEDIA- the powerful tool of marketer to present their services and products to people. It's easy access.no sweat and very efficient. Maximize the potentials of the Social Media and believe that it's not a fad but it's forever!

2. TRADITIONAL MARKETING- still radio and paper materials are the best for marketing. Never underestimate the capacity and magnitude of these stuffs.

3. PHONES AND GADGETS-Yes they are also the best tool to reach people and provide them of what they want. It's a device that could change the marketing strategy 360 degrees. There's an application in some Android phone and smart phone that will help you promote your items and services. Be a savvy and techy in marketing. 

Madami nmn yatang natutunan ang mga batang iyon sa mga pinagsasabi ko, kasi when the Q&A time na eh walang tumaas ng kamay para magtanong. Napagbantaan ko siguro o medyo natakot lang na ipapahiya ko. pero feeling ko, gets na nila yun. It's their generation eh!

Masaya ako to share what I have laerned while working in different aspects.I have lots to share di man masyadong maganda pero too, aktwal. Minulat ko naman sila kung gaano ka ka challenging ang buhay kapag nagtrabho na.at kung paano panatilihing matuto at ipalabas ang tunay na potensyal upang umangat.

Till next time Holy Trinity College!


Cliff the star
Maam Linobo who's giving me the certificate and honorarium- Ang saya ko!
Another Certificate! kapag ka sinanla ko eto magkano yata to sa pawnshop?!

with all the gestures! ahahha. talagang naniwala silang lahat! Thanks Marketing students of Holy Trinity College of General Santos City


Anggwapo ng naka blue! umeksena lang si girl agad ehh. ahaha Thank you Faculty ang staffs ng HTC

Wednesday, July 23, 2014

STI Gensan Basic Leadership Seminar

I was on the plane going to Bangkok when I received a call from Maam Jessabelle Liansing, Guidance Counselor of STI Gensan inviting me to be their speaker.

Well, unang dinig ko pa lang eh medyo hesitant ako to accept the offer, but still i grabbed the opportunity to hone my skills in communication and to share to all the student leaders the feeling of being a leader and the responsibility behind every position.

Sila ang susunod na lider ng bayan, makakatulong akong hulmahin ang kaisipan nila. Magiging parte ako ng kanilang proseso kung paano tanggapin at pahalagahan ang isang bagay na para sa kapwa mag aaral nila at para sa mamamayan.

Push ko na toh nuh!! since my talent fee daw at libreng pakain sina maam para sa akin.
I'm planning to have my vacation in Singapore at the end of this month so ang laking tulong ng matatanggap ko dito.
hashtag raketera nga, medyo alam ko na din to,so sana magiging madali para sa akin.

I was a student leader way back in Elementary , nung highschool at pati na rin sa College.

Nung nasa Elementary ako
1. Leader ako ng Boyscout-kahit gusto ko jumoin sa Girl Scout . Eh wala na akong nagawa, mapanghusga na ang lipunan kahit noon pa man. haha
2. I was part of Student Body Organization: PIO ako, na hanggang ngayon di ko pa din talaga alam kung anung ibig sabihin at kung anung role nito sa grupo. basta chumika lang ako ng chumika at feeling ko nagampanan ko nmn ng maayos yun.

Highschool

1. I was a Vice President sa SSC(Student Supreme Council) Lumevel up. Nauto ko nga siguro ang mga schoolmates ko na magaling ako, pero di ko naman sila na- fail sa gusto nilang change sa studentry.
2. I was part of Teen Support Group. di ko na maalala yung posisyon ko pero nahalata nga siguro nila na nagpapaka Mahatma Gandhi at Nelson Mandela ako in one hahaha- nag aacting-actingan lang siguro akong leader nun.

College
1. Vice President na naman ako sa Graduating Class year 2008- always na nga siguro akong Vice-pero hayaan nyo na. eh kapag ka natigok naman o nangurakot yung President eh magiging akin din naman ang korona este posisyon pala.
2. at naging officer ako sa different clubs and organization sa school. Sa Science Club, Biology Circle, Cheerdance Varsity at pinatulan ko na pati ang Catechism Org.na ang mga kasama ko bilang officers ay mga banal.


naka blindfold ang mga leaders para hanapin ang nawawala nilang mga members. Masayang activity to.

break muna from discussion for a groupie shot

tower building contest- andaming paandar ng mga students.Very Participative

parang nanalong beauty queen ako sa  pose na ito with the very active Ms. Belle and Ms. Marl from STI Gensan

Thank you so much Student Leaders of STI Gensan and to your Guidance Councilors Ms. Belle and Ms. Marl for trusting me  this event. Thank you for letting me share and inspire these leaders.


Wednesday, June 4, 2014

Here comes the June este Bride pala!


June is the famous month to get married. It's the best time because it's post summer so its warm and perfect for garden or outdoor wedding. The flowers starting to fully bloom and the garden is so green, in short ang daming arte! idadamay mo pa ang mga halaman at bulaklak sa kagustuhan mong gumanda ang wedding mo. di nga din naman kita masisi eh kung bakit you really wanted it to be perfect, yung gusto mo lahat parang fairy tale.yung parang pang happily ever after- namulat nga naman talaga tayo sa mga prinsesa sa alamat at kwento, kaya ganun ang ideal na kasal ng iilan.

As a host, most of the time i got emotional when i saw everyone smiling and sometimes crying  during wedding day,especially the bride and groom. Kumaka-crayola din ako nuh- ewan ko nga ba kung bakit?! di ko madescribe yung feeling na sobrang saya ko para sa bagong mag asawa.daig ko pa ang ninang at ninong nila.hahaha

Here's my tips para sa mga wedding attendees: sila ang mga bisita, part ng entourage at mga kamag anak ng mga bagong ikinasal.

1.Be the early bird- the early bird catches the lechon! ahahha. kaloka!- Dapat maging maaga kayo sa simbahan or sa event's place- Huwag niyong paghintayin ang Pari at  huwag mong bigyan ng stress ang mga matatandang staffs ng simbahan- Lalo na't part ka ng entourage, hay naku, huwag mong sirain ang show- parang awa mo na. And please occupy the first row ng upuan, huwag kang matakot sa pastor o pari na sesermonan ka about Pre-marital sex, pakapalan na ng mukha yan.

2.The many-ier not the better- di ibig sabihin kapag invited ka eh invited na din ang buong angkan mo sa kasal- naka head count po ang pagkain sa reception at naka budget ang souveniers- huwag mong dalhin ang mga barkada mo at family members mo kapag ka di naman talaga sila invited-di po ito clan o batch reunion.

3.Brides MAID ka! MAID! as in KA-TU-LONG! huwag kang umupo lang at minu-minuto ay nag reretouch na parang isa ka sa mga bisita- You received that role on wedding kaya dapat gampanan mo ng maayos- you should lead the guest to their seats, mamigay ng corsage at flowers sa godparents, encourage the crowd to participate and attend the needs of visitors, - huwag kang maarte! maganda ka lang at huwag mong ipagsabay ang dalawang yan.ok?! Tips para sa mga Bride- you should inform your bride's maids on what to do and please make it sure na kilala ka nila at close talaga kayo! Sila ang mga dahilan kung bakit successful o palpak ang show.

4. Eat and Run- May mga tao talagang ganito- kapag tapos na silang kumain ay aalis na bitbit ang supot ng take out!- ang kakapal! You committed your time para sa wedding ,dapat mainitindihan mong part ka ng kasalang ito, from the start until the end of the program.. Di po ito Jollibee na kapag ka tapos kana sa lafang eh maglalaho ka nlang bigla. Kabastusan po yan para sa aming part ng organizing team at lalo na rin sa newly wed couple.

5.Calling all the Single Ladies- eto yung pinaka madugong part ng wedding reception- ang "Throwing of Bouquet"-Push and Pull to! pipilitin mo pa ang mga babaeng single na tumayo sa gitna at saluhin lang naman ang bulaklak ng bride- Bisita ka, kaya magparticipate ka! yung iba, tinatawag na nga ang pangalan- eh, di pa tatayo! cause ka ng delay ate! di kanaman masyado kagandahan pero pinapa init mo ang ulo ng Bride at ng Organizers. Tapos kapag ka tinapon na ang maganda at mahal na bouquet- eh walang sasalo! nasa sahig nalang ang kumpol ng bulaklak na lamog! kung di pa naman kayo tanga! ang linaw ng instruction na mag uunahan lang naman kayong saluhin yan.Sinasabotahe niyo ang ganda ng flow ng program.Nakakainis na!

Galit na ako huh! hahaha kidding.
Irespeto naman sana ang oras at kagustuhan ng newly wed couple-
huwag mong balahurain ang palabas.
This is their winning and priceless moment and let them shine. Don't be a scene stealer!
Kasal nila ito at di mo wedding! maghintay ka! gaga!
Mr. and Mr.s Talaid and the KCC Family
Lumalaban na talaga kami! puro kasal na. Mr. and Mrs. Insular and the KCC Family

Sherry Paderna-the beautiful Bride from Koronadal City - Garden wedding ang peg! lovely and bongga-



Keep shining,

Cliff the star!

Friday, May 23, 2014

Travel: China with Love

Naka schedule na ang China Booking Trip for this year sa buwan ng May.
Part na ng trabaho ko ang maglakwatsa at rumampa sa iba't ibang lugar, and I'm happy doing it. Ang lakas maka artista!haha
This time sa China with Love na naman ang lipad ko!

Death defying ang flight! Mula Manila, expect na namin na sa Canton Airport ng Guangzhou kami bababa,
eh dahil sa malakas na ulan at may malakas na hangin pa, halos dalawang oras din kami sa himpapawid, afraid ang ate nyo! ng biglang magsalita na ang piloto ng China Southern Airlines
Syempre Chinese muna ang salita bago na translate sa english.
ang sabi magla-land daw muna kami sa Shenchen Airport. Di ko naman alam kung san yun!pero when i saw it sa map, eh parang gensan-davao lang ang layo.
We stayed there almost 3 hours, dun sa part na naman ng lugar na iyon umulan ng malakas so ang resulta-di na tuloy kami makalipad-stress na ang mga intsik na kasama ko, at ako, pilit ko nilalakasan ang loob sa pamamagitan ng pag sa-sight seeing sa mga cute na nakasakay din sa eroplano!
pero may halong kaba at kaduwagan pa din akong naramdaman, hahay kapag ka minamalas ka nga naman- sobra sobra talaga.
Happily nakaland ang plane namin sa Canton at safe kaming lahat. kawawa lang iyong may mga connecting flights.

Kahit noong first time ko dito, namangnha ako tlaga., China is a lovely place, ang ganda ng roads and highways, may mga bulaklak kahit saan, isang parang malaking garden ang China. haha

Ang makasaysayang Beijing Road.

what i love most in travelling is Shopping, kahit walang anda/pera go window shopping lang ang emote!

at last, natapos din, here i am with may UNIQLO paper bag. ahaha para atles alam niyong may nabili naman ako dun. kaya lang SALE na siya pero ok na din.

hahah makulet na waitress ng isang restaurant- eh parang Unite Nation ang ganap! may pa-peace sign pa kaming dalawa!
Alam kong work  ang pinunta ko sa China, pero dahil sa kalandian at kagagahan ko talaga eh di niyo na maiaalis sa akin ang mga ganitong pasabog-

"sa likod ng bawat saya at ganda ng isang larawan- di nakikita ang nakatagong hirap at sakit na nararamdaman"

love lots,

cliff the star

Wednesday, January 8, 2014

New Year, New Me!

My life last year was full of surprises, joy and defeats, but still i managed to overcome and ready to face wholeheartedly the 2014.

madaming bagay ang nais kong gawin ngayong taon.sana ma achieve ko sila ng bonggang bongga! kung hindi man, nganga nlang!

1. To strengthen my faith to our Dear Lord God- simba simba din full time.
2. To study hard for my graduate school studies-kelangan ko natoh, dagdag talino.
3. Have more quality time with family- dinner, breakfast, chika at laughing ng wagas.
4. Be a better person by sharing what i have learned and what i have to needy- ang lalim nuh?!
5. Productive- dapat every month may bongga akong pasabog na gagawin- akin na ang dinamita!haha
6. Do more on my job- FOCUS! para more travel this year! Baguio, tagaytay, Ilocos, Singapore, Pluto at Mars.haha
7. More hosting na ganap- dapat this time, big time na nuh, huwag nyo naman po akong tipirin o tawaran- ang hirap kayang magsalita at nakatayo ng ilang oras.naka hashtag alipin ng salapi!
8. Be more in social relevance- be active more in social networking site and spread good vibes always. Inspire others by humor kung meron man.
9. Good health- hinay hinay sa mga bagay bagay.(alak, sugal, babae haha joke lang)
10. Share happiness at all times- eto na siguro ang di ko mamimiss this year.

2014 Be good to me and God please guide me.

Shine bright,

Cliff the star!


Friday, December 27, 2013

Reunion na naman!

Pagka ganetong tapos na ang pasko, lahat ay parang bored na at di alam ang gagawin. yung iba nagkukulong nalang sa kwarto at inuubos ang atay nila sa kaka alak! kaya may matalinong naka isip na mag REUNION- eto yung magkita kita ult ang isang grupo ng kamag aral, kaibigan, kapamilya, ka tribu at ka-mukha na nagkahiwalay ng mahabang panahon.Pagkakataon na din eto upang magkamustahan chever at maka usap yung dati mo ng naging kaibigan, ka crush at ka inggitan. It's best time also to stay in touch with the person who was part of your life.

sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.

eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.

1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin  ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.

2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-

3. Huwag kang paranoid!-  dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.

To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.!
Reminders:
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.


that's all.


Keep shining,

Cliff the star!

at amadeo's pool lagao with the junior buyers

at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all.




Wednesday, November 6, 2013

Smile Magazine October 2013 Issue

My Flight Attendant Friend ,Eunice Grace Sanchez of Cebu Pacific- Very proud of my pic on the mag. ahaha. thanks nice! mwahhh

mabuti nlang may flight ako nun pa gensan and i was so very happy na tingnan ang actual mag with my pic on it. ang saya! ang lakas maka artista! ahaha I represented Gensan pa talaga..Ako na ang bida!
Ever since kapag ka sumasakay ako ng plane, lageng Cebu Pacific yan. haha dahil sa it's a budget airline at nagtitipid ang kumpanya namin subok namn talaga ang serbisyo nila sa tao para dalhin ka in all destinations.
Minsan may mga bad record nga lang sila tulad ng

1. delayed flights- kelangan lang abesuhan ang mga pasahero para iwas gulo, di mo nmn din kasi mapigilan ang iba sa galit nila. OA nman kung minsan. Basta ako I received a text from them saying na madedelayed ang flight or cancel flights kc nagpaparlor ang pilot! ahaha

2.Nagkaproblema sila sa paglapag nila sa Davao City- ahhay sana di na maulit.yun. perwisyo yun. pati Gensan Airport, nagkagulo. dito kasi lahat ng pasahero pumunta.

3.Walang free food. ahhaa- dahil nga sa budget airline sya-naka cost cut din ang food sa knila-pero pwede ka namn omorder eh, yun nga lang ang mahal! ganun talaga. eh walang sari-sari store sa langit eh, eh kung meron lang sana dun nako bumili ng tubig at chippy, hahaha

Ako ang bida ng Gensan noong October Issue ng Smile Mag. I'm super proud. Salamat sa lahat ng nagpapicture kasama ang mukha ko sa mag. You're a fan!. charrrooot..

Shine bright,

Cliff the star