Friday, March 30, 2012

guest speaker ako! bleeehhhh!

kapag ka graduation,inggit ako sa mga nag vavaledictoryspeech kasi time na nila na magpasikat,imagine, sa kadamidaming nakatoga,may isang tatayo at aakyat sa stage tapos magsasalita-magpapasalamat- pero paano naman ang mga bobitang katulad ko?kaya i told myself- aakyat din ako sa stage kapag graduationat magsasalita na nkaharap sa mga nakatogang puti-at presto! nangyari na nga ang nais kong mangyari but this time not as valedictorian but as a GUEST SPEAKER-sa tagalog PANAUHING PANDANGAL! kumbaga, ang lahat ng sasabihin mo sa araw na eto, BANAL!

at eto yung content ng pamatay kong inspirational message sa mga graduates, kaloka! at sana maloka din kayo!




Good morning everyone, to our dear beloved principal,guests,parents, ,a pleasant morning to all of you!

Di ko alam kung anung pasakalye ang gagamitin ko para umpisahan ang inspirational message na ito nor I don’t know if I am truly inspiring to all of you, basta I received a call from my math teacher slash long lost ninang,si maam virgie salarza who invited me to give a talk. eh nasa Bangkok, Thailand pa ako for a tour.pero iniisip ko, go ako jan basta free food ok lang..heheh..but seriously gagawin ko ito para sa mga kabataang susunod na maging pag asa ng ating bayan.to inspire you guys to do your  best. oo,tama ang dinig mo para sa iyo eto. ikaw yun at wala nang iba! Kaya making ka!

Naging estudyante din ako katulad ninyo- sumulat, nagbasa, kumanta, pinalinis ng c.r.,nagwalis sa H.E.,sumayaw sa mga school programs,nagbisbis ug bulak, gisugo sa maestra palit sud an, gi away ko sa akong classmates ug nang away ug mga dili classmates, nagbungkal sa backyard para taniman ng mga prutas at gulay na di naman kami yung naghaharvest, nagjamboree din ako noon sa  boyscout pero mas gusto ko pa yung mga activities ng girl scouts kasi madali lang-tahi tahi lang ng damit,pa cute cute ,magluluto ng pagkain at mag arrange arrange ng bulaklak-eh sa boy scout jusko-buhis buhay ang mga activities!.hahay! nagcutting classes, naghalf day, umabsent, ginawang hikaw, bracelet at necklace  ang mga bulaklak ng santan,nagreporting, Naging Contestant din ako ng school paper, naging honor student noong grade one pero hindi na ulit nangyari hanggang sa grumadwet ako ng grade six.opo! di po ako honor student- isa nga lang ang ribbon ko during graduation namin noon ehh—at proud ako nun,ang saya saya ko habang i-pin sa akin yun ng nanay ko- yun yung GRADUATE. Atles may ribbon ako.  Diba?! Iilan lamang ang mga karanasang iyan sa mga pinagdaanan ko dati during may elementary years-na alam kong naranasan mo din.


Noong bata pa ako pinangarap kong maging isang mahusay na teacher, cashier ng Jollibee,magcall center agent, cheer dancer at magbakasyon sa ibat ibang lugar- isa nga lang siguro ang di pa nangyayari sa lahat ng pinangarap ko at eto ang maging isang si DARNA!

 Ang mangarap ang naging takbuhan ko sa mga panahong nahihirapan ako sa buhay-kapag ka di ko na kinaya ang lahat- ang mangarap ang nagiging past time ko! Natupad ko na yung ilan at ngayon patungo nako sa daan kung saan tutuparin ko na ang  iba pang gusto kong gawin sa buhay! Dahil nagsumikap ako,naniwala sa sarili,nadapa, bumangon,nadapa ulit at hinayaang matuto ang aking sarili sa pagkadapa kong iyon.nabigo man ako sa pagawa ng ibang mga bagay-alam kong magtatagumpay din ako sa bandang huli kasi determinado ako- walang ibang gagawa nito para sa akin kundi ako lang!at wala ng iba! Kanino ako aasa? Sa teacher kong iiwan ko pagkatapos ng graduation na di ko pa nababayaran ang utang kong ice candy at petchi petchi sa knya? Sa mga classmates kong alam kong pagkatapos ng graduation ay dina magpapatuloy sa highschool kasi walang pang bayad para sa matrikula-aakyat nlang ng bukid at magatatanim ng palay-yung iba ay magaasawa ng maaga-at merong  iba pakalat kalat nlang-tambay bah para choi! walang iba akong aasahan sa buhay  kundi  ang sarili ko.AKO! Ako lang at wala ng iba.mabibigo ako dahil pinili kong mabigo at magtatagumpay ako dahil gagawin ko at dahil ito ang pangarap ko..


Sa buhay nating ito, marami tayong pasasalamatan at marami tayong pinag kakautangan ng loob-

1.una na jan ang ating mga magulang- na talagang sumoporta sa atin, nagmahal at tumanggap kung ano man tayo- there’s no exact words to say how much we love our parents.-saludo po kami sa hirap at tiyaga na inalay niyo sa amin.alam kong nagka utang utang napo kayo para lang may ipanghanda mamamya sa bahay para sa graduation party , at bumili pa ng  bagong outfit pra sa  anak na gagraduate.kayo talaga ang tunay na darna at batman ng mga batang eto!

2.ang ating mga mahal na guro- sina maam at sir, na jusko halos anim na taon din talagang nagsakripisyo at tinanggap ang pagmumukha ninyo sa classroom- sila ang nagturo sa inyo ng Edukasyon at wastong pag uugali na sana di ninyo makalimutan sa pagdaan ng panahon at hindi ninyo  ibabaon sa limot ang lahat.gawin ninyo itong sandata sa mapanghamong mundo. May tips din ako sa inyo:kapag ka nasalubong ninyo ang mga teachers ninyo dati, huwag niyo naming deadmahin o pandilatan ng mata,bsi blockingan niyo pa ehh..bagkus batiin niyo sila at kumustahin. Dahil magiging Masaya sila sa bawat tagumpay na nakamit mo-para sa kanila isa kang buhay na tropeo  na bunga ng walang  sawa nilang pagmamahal sa propesyong kanilang napili- ang pagtuturo.


3. sa mga taong naging malaking bahagi sa bawat tagumpay mo - ang iyong mga kapatid, classmates, bestfriends, barkada,kapitbahay, alagang aso o pusa,nanay ng classmate mo, pinsan, tiya, tiyo, barangay tanod, purok chairman, sponsor mong kano sa abroad, kamag anak sa amerika,Saudi,dubai,venus, jupiter o saan pang bahagi ng solar system,- silang lahat ang nagsilbi mong inspirasyon para mapagtagumpayan mo ang bawat hamon patungo sa pagkamit ng iyong pangarap- di ibig sabihin na kapag di ka nakapag aral o nakagraduate ng college ay nabigo ka na,magtagumpay ka sa iyong angking talento at galing, pagsikapan mong maging isang magaling,maaring sa pag awit, pagsasayaw,  pag arte, pagbalanse sa lubid, kumain ng apoy it ibuga ito sa pagmumukha ng iba, joke!.hehe,.maaring may plano ang panginoon para sa iyo upang maging kapaki pakinabang ka sa lipunang iyong kinagagalawan at maging isang halimbawa ka sa iba.


jo alver inyong,sherwin sayas,cohlyn mae antonio,mary ann vidor,geraldine cadiente,aimee ponteres,ivy abinon,STAR,mia riena cosares,april love valuenzela,kristofer bacala,lester cadavos and eddie salvador=sila ang mga naging bahagi ng makulay kong buhay elementary.
Para sa mga graduates ng 2012- taos puso po ang aking pasasalamat sa pagbigay niyo sa akin ng pagkakataong maibahagi ang aking sarili at ang aking mga karanasan at sana na inspire kayo kahit papaano, magtagumpay sana kayong lahat sa pipiliin ninyong landas o propesyon  sa buhay.
Sa muli, maraming maraming salamat po.

Friday, March 23, 2012

bangkok,thailand-cliff the star adventure

Truly Bangkok is the heart of Thailand, with its longest and wide roads and  offers great accommodation, never ending shopping, dining and entertainment choices  all in one place..  amidst a commercial scene, there you  could see a place for their beliefs and religion. 
The place is offering everything from the latest items of some Designer stores to street foods  , shops with bargain priced T shirts , dress for ladies and Souvenirs for tourists.

First time ko sa Bangkok, so avail ako sa amenities and service ng hotel na tinutuluyan ko.  Andaming afams, pero partner partner sila- so mag isa na naman ako .



Di ko kinaya ang pagkain- ang anghang! Super- duper -graveh -sobrang -o.a na anghang ang sinerve for lunch. Di ko feel pero to experience thai foods, sip sip lang ako sa sabaw, masarap daw siya- cge na nga!masarap na kung masarap.pero di ko talaga ma- take.

tomyam yan sabi nila-pero sabi ko chili sabaw yan-ang anghang!
Long live the King
Di ako nakapag tour sa mga temple-pero nagpa pic nlang ako sa mga parang altars ng four faces nila-
Sa bawat shops nga na pinupuntahan naming may mga nakasabit at nakalagay na kung anung mga rebolto ng four face to give respect to their beliefs and religion.
with the hello kitty girls

Kaloka ang mga gurls-ang gaganda nila- kjompleto yung get –up,make-up, contact lens, accessories- halatang they gave time to prepare just to look beautiful to everyone. Everyday is a fashion show day!

Kabogera!Talo kung naka jeans ka lang- dapat dres kung dress,hairdress kung hairdress , killer heels kung killer heels ang mga bilat! jusko eh sa atin kapag ka ayos na ayos ka ehh- birthday mo.

In fair sa mga guys dun- ang cu cute! Well groomed-kanya kanya ng peg sa kagwapohan. may simple , may may rock pero may iba talagang kabowgera din, parang everyday is a fashion show day din sila.

Si pai ang tinderang malanding bading- ang ganda niya- di ko nga halos na-amoy ang loka sa sobrang ganda at sexy niya. This is a good indication that the country has a wide arms to welcome the gay and lesbian community to create a normal and better place to live- no discrimination- no unjust treatment. Sulong tomboy and bading!patayin si Ka Tasyo!jowkz.





i saw britney spears, avail ako sa picturan
kulang sila ng vocalist ehh, so nagvolunteer ako "Only You" ang piece- carry!


the famous tuk tuk

i hope my part two ang bangkok experience!

Friday, March 2, 2012

ryan balolot meets ryan balolot

minsan tlaga nkakahanap tayo ng paraan upang tumawa nlang at mamangha sa mga bagay bagay,
maaring ang mga pangyayari ay itinakda o tlagang nagkataon lang ang lahat,

one day, super busy ako working and i saw an old friend walking towards me with someone, 
itago nlang siya natin sa pangalang Ryan Balolot!
 i was amazed when he introduced the other guy as Ryan Balolot! what?!
 tama ba ang narinig ko? iisang pangalan pero dalawang katauhan, kaloka!
animo'y isang tele serye lamang aking natunghayan, 
naramdaman ko ang saya, ang babaw ko talaga.
ng cute ng pangyayari.
may instant friend agad ako!

Ryan Balolot, my friend is a graduating student from NDDU, and the other Ryan Balolot is a Student from MSU Marawi, nag meet ang dalawa through the social networking site na FACEBOOK.
see?! may maganda talagang iahahatid ang internet sa iilan.reunion ang drama ng dalawa!

maaring simple lamang ang pangyayaring eto sa iilan,pero iba ang kasiyahan ang naramdaman ng dalawang Ryan Balolot.
nahiya pa sina ryan at ryan na magkodakan kaya i offer nalang na kunan sila ng litrato.
game naman na nagpost ang dalawa.

lesson learned: be grateful to know someone na kapareho mo ng pangalan. maaring gawin etong inspirasyon upang maging mabuting tao upang di madungisan ang pangalan di lamang ikaw ang may dala, marami kayo!, so kapag ka nakapatay o nagnakaw ka, kawawa nman yung katokayo mo! hehe..