Sunday, October 4, 2015

My Paandar Birthday Party

Fun filled day because it was my birthday! Rumaket pako pandagdag sa paparty na eto. I love every moment when they surprised me on my perfect day. I chose red for it will be a goodluck na sana sa taon na ito magkakajowa nako! oo nuh?! hiningi ko na tlaga sya! at feeling ko yung mga galaxy at stars ay papanig sa akin this time,pagbigyan na sana ako nga feng shui at mga manghuhula sa mundo! na mahahanap ko na si Mr.Right! 

I really wanted to say thank you to Veranrandas for allowing us to post anything and personalized my party area!  and to all my Kitty Girlfriends for throwing this Paandar Party for me! 


xoxo,

star


Sunday, August 9, 2015

China and my Maserati Boy

It's happiness to get back in China.
There's a lot of unusual things that i experience here. 
The vibe of the place, busy streets and colorful lights.

Kaloka ang mga utaw! nagmamadali, may hinahabol at busy sa mga anu anung ganap! 
kahit ako- parang it's super work when i'm in china! parang baliw lang ako na hinahanap si crispin at basilio! hahah

kaya instead na mabored at tengga sa condo- eh mabuti nalang naghanap ng mga pwedeng rampahan! 

My friends Hedy,Helen and Jackie were invited for a dinner in a Japanese Restaurant! Pagkababa namin sa building eh, nagulat kami sa magarang caru na nakaparada lang !! late ko na nalaman na Maserati pala eto! 

Never I  imagined that i can ride, touch and smell this Maserati car! kaloka tlaga! front seat agad ako nuh?! 

si Derek-yung driver/owner pala! ang gwapo! at nag umpisa akong mangarap.
Pangarap na magkaroon ng jowang may sasakyan, good looking at mabait!! sige na nga mayaman! hahaha 

He toured me around the city, chika kami ng chika kaya lang yung iba, sign language nalang- di na kami magkaintidihan eh, buti nalang cute si chinito! kaya okay lang.  kahit ganun ang nangyari masaya naman ako! isang pangarap na natupad sa loob ng 3 oras lang - Maserati, Masaya at Anlakas Makababae! hahahha








hanggang sa muli derek! 
pasabog ka!

xoxo

cliff the star

Thursday, July 16, 2015

what make's me happy?

after my long travel to thailand and manila for bookings and orders, it's time to give myself a treat and happiness. I love to do things that makes me glad, reading a lot and eating ice cream like this one! ansarap talaga at anlakas maka sosyal,isabaw ko kaya sa kanin to-! haha 



carla, C2, Cerge and Chivaz -my happiness and love!- anlaki na din ang nalustay na pera para sa kanila hahaha ok lang mga pamangkin ko namn ehh. lumalaban!  

Friends- No-brainer reason for happiness! haha 

xoxo,

Cliff the star! 

Sunday, June 28, 2015

Trust Yourself

If you're tired to please other people just to make them happy, well stop it. Do whatever you want to do and don't ever question your happiness.

Chill lang nuh?! tuloy lang laban sa modelling. para sa ekonomiya- Maria Sofia Love! 

iba ang ganap ng bading na to-palong palo at sobra kung man encourage ng mga bakulaw(bakla) sa Pilipinas to stay positive and be an inspiration. I love watching her videos and ganaps in life. 

For sure, you have all the good vibes in the world and utilize it fully to inspire and encourage others to dream and believe to that dream! 


love lots 


cliff


#mensstyle #mensfashion 

Thursday, June 25, 2015

I want to be, basta I want!

When I was young, i was full of dreams and aspirations. I guess, I started dreaming first before I learned how to talk. I want to dream of many dreams. 

Pinangarap kong maging isang mahusay na guro, maging isang doktor, Engineer, Nars, Dancer, kahera sa food chain at tiga-hatid ng sulat sa bawat bahay. Mga mumunting pangarap na pinaniwala akong magiging matagumpay ako sa aking paglaki. 

My parents are my living inspirations. Their attainments are my bar of standards and peg to imitate. But as i work so hard for my own. I learned to discover new things that i don't need to follow thier path but to create my own road to success. 


I'm a proud father's son and Teacher's son! ang taas man ng mga  expectations nila at ng mga tao sa akin, keri ko pa din, patuloy lang ako sa laban. Di namn nila ako pini-pressure to achieve something eh basta lang daw lumaki akong masaya at maganda! choz lang!! hahha 

I'm a teacher by profession and now on my road to finish my masters. I'm working right now as a Mens Fashion Purchaser and I'm having fun! kahit papa ano eh natupad ko din ang gusto nila Mamang at Papang sa akin, ang maging masaya! 


xoxo, 

Cliff the star











Wednesday, June 17, 2015

Japan Dream

I love to shop, or i should say to window shop. 

I find this store in KCC Mall of Gensan that offers great items with reasonable prices from 88 pesos to 99 pesos only- Japan Homes. They have the best items for home, school and office.It is  located at 4th floor near parking lot. 

Feeling nasa Japan ako when i can't read the Japanese Characters/letters na nakasulat sa mga lalagyan ng baso at plato. kahit anung pilit kong mag Abakada eh di tlaga kaya ng utak ko! Konbanwa at ohayo lang yata ang mga reservabg salita ang panlaban ko. Japan is my dream country and i know, makakapunta din ako sa Land of the Rising Sun! Trust me! hahah 

I'm enjoying wearing my denim long sleeves button down, black pants and cool sunnies.  They are not branded and expensive but it doesn't matter, as long as I feel better wearing it.

#menswear #mensstyle #mensfashion

xoxo,

cliff the star


Sunday, June 14, 2015

Umuulan,Umiiyak

It's always a sunny day in our country, kaya kapag ka umulan ay katumbas ito ng himala.

it's been so long na di na ako nakakaligo ng ulan, naalala ko ang aking masayang kabataan, hindi kumplikado at hindi rin magulo.
 Ang ulan ang sumisimbolo para sa akin ng kalayaan. Kalayaang gawin lahat ng nais ko, ang maligo, tumalon at  minsan ay umiyak.
 it's a perfect timing that no one will hear you screaming in pain, because ang naririnig lang nila ay ang lagaslas ng tubig mula sa langit at pumapatak patungong yero na gumagawa ng ingay upang matakpan ang aking kunting hikbi at pag iyak. 

I'm wearing this jacket from Tank SM at Jeans from Bangkok 




Thursday, June 11, 2015

broken hearted na naman

most of the time i was asked by random people if i'm taken, may lover naba ako? ehh nakaka bwesit mang sabihin-WALA!!

di ako masaya habang sinasagot ko sila. parang may kulang at parating may kirot akong nararamdaman. kasi di naman ako pangit eh, mapagmahal at mapagbigay naman ako na minsay naabuso ng mga taong gaan ng buhay ang hanap. 


nakakatawa minsan na kahit sa text, nagiging artista kami. haha hugot kung hugot! damdamin ang puhunan at talas ng isip at salita ang kelangan. 

minsan kasi kelangang mailabas ang nararamdaman at maipabasa sa lahat ng mga tao kung anu ang tunay nating saloobin.  

ikakasal na si toni gonzaga, baliktad na ang kulay sa watawat ng Pilipinas at may aswang ng gumagala sa Cotabato- lahat ng eto ay pinag uusapan. at yung mga taong sinasaktan tayo ay tahimik lang, ohh eto para sa inyo ang mga salitang mga BS kayo! tingnan nyo ako-ang ganda ko! 







Friday, January 30, 2015

Mesa Moderne Filipino- Ayala Cebu




After Sinulog Festival, it's time to roam around the Queen City of South and my feet landed me here in the heart of the City- Ayala!!

I have this "tamad" thing to look for a restaurant to dine, and i was so hungry.
But this Filipino restaurant caught my eyes, I love it's laid back atmosphere. It was like I'm in the ancestral house in the farm. Bongga din ang mga music na pinapatugtog, very Original Pilipino Music.Mapapsing along ka tlaga.The set-up was nice and the materials that they used for the interior are very Filipino.

We ordered "kare-kare", "binagoongang baboy ni Kaka" and Nilagang baboy- it's all worth it. It's not the usual higher price because the price was just right for a very delicious meals. I really enjoyed their Buko Shake! and the service was awesome-The staffs are nice and very accommodating.

I'm so very proud to introduce to people that we have this kind of restaurant serving Filipino meals with Filipino High Standard of Service. 4 stars out of 5.
My Sinulog travel buddies- Thom and Yajie-
Iwas muna ang diet- kakain muna ang bida! I love how they present their food, ang ganda ng plating and the smell is so good.


relax na relax ako. massage nalang ang kulang, meron pa-unan at kulambo para makatulog na ako dito

I f you will visit Cebu, don't hesitate to enter the Mesa Moderne Restaurant to experience the home away from home with their meals and comfort, contact them at phone number (032) 505-6282 in Ayala Cebu.
   
love,

Cliff the star

Cebu- Elektromundo Sinulog Music Party 2015




 Elektromundo in Cebu in collaboration with the country's biggest and newest superclub Valkyrie and Cebu's Liv Superclub, we experienced the unique and exciting party that i will never forget last January 17, 9pm at City Time Square Open Grounds in Mandaue City, Cebu.
Partying with Direk Joey Reyes,!

my Idol, Mike Carandang!

the party mammals Zoe amd Yajie

I love clubbing and partying a lot, that's why it's a heaven for me. Anadming afam and boys and girls so site-seeing din ako!

I've heard a lot about the country's hottest DJs and on how they do spinning just like Martin Pulgar, Marc Naval, DJ Arra, Deuce Manila, Mars Miranda, and DJ Nina.Ang gagaling at talagang mapapasayaw ka! The stage, the people, the confetti- talagang PARTY!


This event is presented by Tattoo powered by Globe and Smirnoff: exclusively for everybody.

Cebu- Sinulog Party 2015

I admit that it's my dream to travel in many places  here in Philippines, and I'm wishing to do it with friends and family.
Yung magbabakasyon lang kami ng walang iniisip na kahit na anu. Kain, tulog, lakwatsa at party as well.

Last Jan. 17, 2015 (alam kong late na tong blogpost kong eto)  Yajie, Thom and I decided to book a ticket to Cebu to meet our friends Pogak and Kath.Halos magkatabi lang kami ng seat sa eroplano ni Mommy Dionisia Pacquiao- may meeting daw siya regarding with her endorsement na Palawan Pawnshop- "walang kuskos balungos" ahahhaa

Ang daming ganap sa Cebu, di magkamayaw ang mga utaw sa kakaraampa at di ko naman alam kung saan papunta, fiestang -fiesta ang konsepto mga ateng mga makukulay na banderitas, banda,malakas na musika at kulang nlang ang mga handang pagkain na ilalatag sa daan. Cebuanos are warm and showed a welcoming aura, parang silang lahat ay miyembro ng tourism council ng Cebu.hahaha

Since naka booked ng hotel sa NS Royal Pension House sa may Juana Osmena sina Gaigai, eh dun din naman pala ang sentro ng party- eh di na kami lumayo pa.

The party in Cebu is incomparable,medyo nagwawala na nga yung iba pero ganun tlaga ang party eh!. Viva Pit Senyor Cebu. I'd like to come back again next year and i will invite friends to come with us!

Yajie, Thom and Star- di kami na-orient na hubaran at padungisan pla ang party dito! buti nlang i'm with the creative team. ahahha

DK- nyetah, nagpatatoo pako ng pangalan niya- lumandi din pala sa iba. sa ibang blogpost ko nlang ikekwento kung bakit.

with Jett Donguines- a nurse from Gensan,. nakiparty din siya dito! Nice seeing you Jett sa Sinulog! more than 5 years naya daw tlaga ginagawa at dinadayo ang party dito! hanep ka jett!

Bday ni Mamang Divine Lee- magbigay pugay! Happy Bday Divs close na tayo kahit ayaw mo pa. keber! thanks for inspiring me!
selfie sinulog!


More memories friends at sasaya ang buhay,

xoxo,

Cliff the star

Monday, January 5, 2015

Sarimanok Pep Squad Reunion

We dance for laughters, for hopes, for love. We're dancers and we create dreams.

I'm a proud member of Sarimanok Pep Squad of Notre Dame of Dadiangas University in General Santos City under with the International Head Coach Mark Dela Cruz.

I've experienced sleepless nights with the team, doing our make up on our own, fixing/sewing our costumes in last minutes and finalizing our routine with our dead tired bodies.- but It's okay, because of these unforgettable experiences, It made me who I am now. Fierce, Brave and Dancer.

I maybe not so active now in dancing- aside from going to bars and parties- but still it's in my heart. and I'm happy that i got an invitation from friends and Sarimanok Officers for a Party wearing my Cheerleading Team Outfit.

Nagflashback ang lahat!- ang tawanan at kulitan, iyakan at drama! isang napaka importanteng yugto ng buhay ko ang Sarimanok Pep Squad. Dito nakabuo ako ng pamilya na mahal ako at tanggap ako kung anu at sino ako- di naging hadlang ang preference ko upang matuto bagkus naging bukas ako sa iba upang mas lalong maniwala sa sarili na kaya ko!- dahil sa grupong ito, pantay-pantay kaming bumubuo ng isang sayaw para sa pangarap! sa bawat kumpetisyon na aming napagdaanan,alam kong di lang tibay ng loob ang naging puhunan namin kundi ang tiwala ko sa sarili ko na mahalaga ako! at ang tiwala ko sa iba na kapag nahulog o nadapa man ako, may isang tao sa likod na handang sumalo at tutulungan akong bumangon ulit.
( ang drama nuh?!)

Bongga at brainy ang pagkagawa ng Event na toh!.Theme kung theme! Na impress ako sa mga pakulo at iba pang kyeme upang talagang mas memorable ang party!

 Alumni vs Newbies!

Dahil sa mas magagaling kaming mga Alumni (I claimed it) hahaa ehh always naming natatalo sila.

Kidding aside, I really admire the new members of the squad.They are now scholars, the school is providing their tuition fees for them to study but they should maintain good grades.ang taray diba?!

Binubuo ng mga batang baguhang Manok ( we call ourselves Manok) sa pamamagitan ng pagsasayaw ang bawat pangarap nilang makapagtapos ng pag aaral at makapag trabaho upang matulungan ang pamilya. I salute you guys. Keep the fire burning!



Di pa nmn masikip yung costumes sa kanila- with Sarimanok Pep Squad Girls Jana, Tatat,Chiqui,Meg and Ma-e


One of the pamatay at lakas-maka-babae stunt ng newbie of Sarimanok Pep Squad
Kahit magka ibang batch forever friends pa din kami nuh?! with Pogak, Chiqui, Meg, Tatat, Ma-e and Star!