Wednesday, October 16, 2013

#PrayforVisayas

It was early in the morning of Oct. 15, 2013 when my mom prepared breakfast for us since they don't have classes because of it was Special Holiday.( ang English! ang arte arte ahah!)

So best in chika kami ni mader about buhay buhay, ng bigla akong nahilo-susme lumilindol pala!
withount any idea na sa kabilang kapuluan pala ng bansa specifically Bohol na 7.2 Magnitude na lindol pala ang suffering nila. di ko kaya!- alog pati utak ko nun! Nakakatakot.

ang resulta= mga bahay na nagiba, mga gusaling halos humalik na sa lupa sa pagkabagsak at ang mas masaklap, may mga buhay ang nawala. Totoo ngang wala tayong kawala sa kunting hagupit ng kalikasan.
Nakakapangilabot na makita sa telebisyon ang mga nagyari sa Bohol at Cebu.
photo by: Raymond Racaza shared to ABS-CBN.

Sa mga pagkakataong eto, aminado akong di ko rin alam kung anung gagawin. ngunit magsisilbing aral din eto sa lahat upang matoto at maging handa sa ganitong kalamidad.

1. Siguraduhing alam mo ang palabas ng building at establishments at gawin ang natutunan sa mga Earthquake Drill.-Huwag maging mangmang. Maaring ikakapahamak mo pa ang eto.

2.Huwag magtutumili-nakakadagdag stress ka sa iba kapag ka ganun. Grace under pressure ika nga.Huwag kang magpakita ng takot at kaba, but feeling ko obvious na yan sa mukha ko if ever andun ako. kunting deformities lang sa itsurako halata nang takot ako.!

3. Agad na ipagbigay alam sa pamilya at kamag anak ang iyong kalagayan. Magtext,Line, viber or wechat ka o tumawag sa kanila to inform them that your safe or your stuck somewhere. Malaking bagay na iyon para mapanatag sila.

Alam kong matibay tayong lahat na harapin ang hamon ng buhay, ngunit mas di tayo patatalo at babangon pa rin tayo upang suungin ang bagong bukas, tiwala lang sa Maykapal.

 Psalms 23 "Even though I walk through the darkest valley, I fear no evil for You are with me"

Before: Nakunan ko pala ang Loboc Church when I visited the Bohol. I admit na amaze talaga ako sa ganda niya, parang feeling ko everyday Linggo ng Wika dito bcoz of this old historical church.
May tsismis pa nga si kuya driver sa amin na kaya pala may unfinished bridge jan sa harap nang simbahan kc may yamashita chuchu treasures sa ilalim ng simbahan na ibinaon ng mga pari, so lalagayan ng tulay para may mas rason na gibain yung church! brilliant idea ni Marcos daw. chismis nga nuh!?




Ang Loboc Church pagkatapos ng Lindol. Nakakapanghinyang na di na makikita nila Chivaz (pamangkin ko) ang ganda ng simbahan na to. Oh see, tingnan nyo yung mga taong nagkukumpulan, curious din yan sila sa Treasure. Baka nabuwal ang lupa sa loob atd lumabas ang gintong statwa.Peace!


at Baclayon Church with Manila and Gensan Oracle Team, BIYAHENG bohol as get together namin. Ang saya tlaga!Ang ganda ng lighting namin dito, natural ang ganda.
Emotera! eto yung harap na part ng Baclayon Church na nasira,sayang!


 Tumulong sana tayo to share something to people who are suffering with these calamities. Maging inspirasyon sana tayo to help everyone.Let's pray for Visayas. God Bless Philippines!


Take care and Pray,

Cliff the star

0 comments:

Post a Comment