Saturday, February 15, 2014

#Jones - 2

JOOOONNNEESSSS!!

"ang di ko alam kung baket akoy baliw na sa iyo.
sa bawat letra ng pangalan mo ay di ko halos mautal.
di kita masyadong kilala pero gusto kita.
wala ng hihigit pa sa nararamdaman ko para sa iyo."

the weird thing of being in love is that I became a poet.
totoo ngang nag iiba ang anyo ng nagmamahal.
iniiba ang bawat kilos at galaw ko
at si Jones ang may dahilan.

Maaring kay hirap tanggapin at unawain kung bakit ang isang taong di nmn masyadong pamilyar ang siyang tunay na magiiba ng buhay mo.
There are lot of stupid things in love na kapag ka iisa isahin koy mauubos ang oras ko.

sa wakas natapos na din ang kalbaryo ng mga single- ang Feb 14.

at paano ko napagtagumpayan etong masalimoot ng araw na eto para sa mga singles?
1. niyaya ko ang mga college friends ko na sina Liza Jane, Liza Jane at Gai gai para mag lunch.(GROUP DATE #1)
50% off ang pncake House Veranza simula Janu- March. Ina avail na nami. at sawing sawi sa mga love songs.. hahay buhay.

2. sinubsub ang sarili sa trabaho at pilit na nagpapaka bulag sa mga nakikitang bouquet of flowers na natatnggap ng mga ka officemates.- bawal ang mgaing bitter

3. niyaya ko na nmn na mag merienda ang aking mga ka -Junor Buyers (GROUP DATE # 2)
Bongga ang Razon's KCC Mall of Gensan well accomodated din kami ni Maam Grace ang Owner.

4. Dinner sa Yellow Cab and Teriyaki Boy with super friends (GROUP DATE #3)

5 PARTY! (GROUP DATE #4)

natapos din ang araw na iyon!

pero ang pinaka surpresa ay ang makita ang aking JONES.(pagmamay-ari ko na haha)
my friend told me he's in the same party club where we're in, and umandar ang gaga moments ko!
hinanap ko siya-di ko halos makita and when i saw him in the far corner of a room,
 he's shining brightly in the middle of d busy crowd.
di ako nkapagsalita- natulala at naging masaya.

nakuntento nlang ako na nakamasid sa kanya sa malayo.
di ko halos malapitan. di ko gusto kausapin.
ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kami.
 it ended up nothing. nganga. naduwag ako.
baliw na nga siguro ako.


baliw,

cliff the star

Tuesday, January 28, 2014

#JONES

nakahubad na si jones dito- ready na! hahaa. sa swimming! panget nya dito pero cutie to in person. give niyo na! push ko to huh!
eto na,

habang ang buong showbislandia ang gulong gulo na of who is telling the truth between Vhong Navarro and Deniece Cornejo and Cedric Lee, ehh eto ako ngayon in love..

kay Jones!

it was just a simple smile lang namn,kinilig na lang ako bigla at sumaya.
naging bisyo ko na halos balik balikan siya dun sa workstation niya- in other words lumalandi- pero sana naman di niya mahalata.
I know this post is so non sense pero hayaan niyo na blog ko nmn to ehh. personal blog ko to nuh.

nakapag praktis na nga ako ng mga lines para sa kanya- out of my gaga moments.

" ang akala kong isang bagay na tapos na ay unti-unting na palang bumabalik- at eto, ang magmahal,
sa bawat pagakakataong iniisip ko kung gaano ka kahalaga dun ko nararamdamang mahal kita,
di ko alam kung san ako magsisimula o kung paano nalang mawala bigla.

sa bawat pagkikita natin, iba ang nadarama-di ako makapagsalita-nililipad ako ng hangin."

ang landi nuh?!hahaha
but by the way, hanggang end of this month ko nalang eto feel. sana i'll be ok if i learn to unlike him.
ehh ganun talaga eh, may gusto kang di ka gusto!
sad moment ko na.

laban lang!

keep shining,

star

Wednesday, January 8, 2014

New Year, New Me!

My life last year was full of surprises, joy and defeats, but still i managed to overcome and ready to face wholeheartedly the 2014.

madaming bagay ang nais kong gawin ngayong taon.sana ma achieve ko sila ng bonggang bongga! kung hindi man, nganga nlang!

1. To strengthen my faith to our Dear Lord God- simba simba din full time.
2. To study hard for my graduate school studies-kelangan ko natoh, dagdag talino.
3. Have more quality time with family- dinner, breakfast, chika at laughing ng wagas.
4. Be a better person by sharing what i have learned and what i have to needy- ang lalim nuh?!
5. Productive- dapat every month may bongga akong pasabog na gagawin- akin na ang dinamita!haha
6. Do more on my job- FOCUS! para more travel this year! Baguio, tagaytay, Ilocos, Singapore, Pluto at Mars.haha
7. More hosting na ganap- dapat this time, big time na nuh, huwag nyo naman po akong tipirin o tawaran- ang hirap kayang magsalita at nakatayo ng ilang oras.naka hashtag alipin ng salapi!
8. Be more in social relevance- be active more in social networking site and spread good vibes always. Inspire others by humor kung meron man.
9. Good health- hinay hinay sa mga bagay bagay.(alak, sugal, babae haha joke lang)
10. Share happiness at all times- eto na siguro ang di ko mamimiss this year.

2014 Be good to me and God please guide me.

Shine bright,

Cliff the star!


Friday, December 27, 2013

Reunion na naman!

Pagka ganetong tapos na ang pasko, lahat ay parang bored na at di alam ang gagawin. yung iba nagkukulong nalang sa kwarto at inuubos ang atay nila sa kaka alak! kaya may matalinong naka isip na mag REUNION- eto yung magkita kita ult ang isang grupo ng kamag aral, kaibigan, kapamilya, ka tribu at ka-mukha na nagkahiwalay ng mahabang panahon.Pagkakataon na din eto upang magkamustahan chever at maka usap yung dati mo ng naging kaibigan, ka crush at ka inggitan. It's best time also to stay in touch with the person who was part of your life.

sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.

eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.

1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin  ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.

2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-

3. Huwag kang paranoid!-  dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.

To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.!
Reminders:
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.


that's all.


Keep shining,

Cliff the star!

at amadeo's pool lagao with the junior buyers

at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all.




Tuesday, December 17, 2013

Typhoon Yolanda Stories

Matapos ang mga nangyari sa bansa natin dahil sa Typhoon Yolanda- The greatest disaster on Earth this year(nagka record pa ang kumag)- eto ang Pilipinas ngayon, bumabangon!

Watching news about the typhoon really broke my heart, that's why i decided to help. Thanks to my friends for picking up all my packed clothes and deliver it to ABS-CBN Gensan. but there are  lot of stories that really amazed me and inspired me to be a better person.

1. Love Añover- Reporter ng GMA News- isang media personality na nasaksihan ang tunay na pangyayari doon sa Palo-Leyte habang nagcocover- madaming namatay, madami ang nasugatan pero si Love buong tapang na inihatid ang balita upang makatulong. Bilang ganti din niya sa mga taong tumulong sa kanya-binalikan niya ang mga eto at pinasalamatan ng personal-ang driver ng van, driver ng single motorcylce, ang mag asawang nagpa inum sa kanya ng tubig na kahit na halos ginto ang katumbas neto nung panahon na iyon at ang dalawang magkapatid na inalalayan siya.Mangiyakngiyak si Love habang nagpapasalamat sa mga eto- ako din umiiyak habang pinapanood ang programang Kapuso mo Jessica Soho.

2. Bianca Gonzales- Ginamit ang kanyang pagiging sikat sa Social Media upang maghatid ng tulong at mang engganyo ng iba upang tumulong na rin. Na touch din ako dat she featured a lot of Yolanda stories too in Instagram and twitter. like students creating greeting card to inpire other victims, the two old lovers na di nagpatinag sa sitwasyon bagkos mas lalo silang nagmahalan sa kabila ng katandaan.Sinulatan din ni Bianca ang bawat lata ng sardinas ng mga salitang magpapatibay sa mga nasalanta ng bagyo. She is really a Super Bianca!

Divine Lee- She is beautiful in and out. She is really a Queen to help others. She used her connections to be able to give to the victims the reliefs and needs. No make-up , No high heels but still i find her beautiful and stunning on her effort to volunteer. mabuhay ka Mother!

3. Anderson Cooper- di nmn dadagsa ang tulong sa bansa kung wala ang International Media that really magnified the situation of Philippines to the world. Pinakita niya ang sitwasyon at humingi na rin ng tulong sa iba para sa mga Pilipino.

4. Volunteers- mga Foriegner na iniwan ang trabaho at pamilya upang tumuolong, kahit ang iba sa kanila nabiktima ng bagyo at  pa ng mga pagnanakaw katulad nung cellphone na nagselfie pa ang salarin. Sila ang tunay na bayani na di na kailangan pang gawan ng istatwa at ilagay sa pedestal, isang I.D lang nakasabit sa leeg na may katagang VOLUNTEER- dama kong irespeto at mahalin kita. Salamat.

madami pang mga storyang naganap at nabuo sa Typhoong Yolanda, marami ang sad stories ngunit kinakailangan nating basahin at pahalagahan ang masasayang storya na nagmula sa isang masaklap na trahedya-habang buhay kung ikekuwento at di ako mapapagod na ikwento eto sa bawat taong magtatanongsa akin neto. Mga kwentong kapupulutan ng aral at leksyon and to inspire each of us to do good. Be a good karma will come closer to these people.


keep shining,

cliff



Wednesday, November 6, 2013

Custome/Halloween and Apple McBurney's Bday 2013

Cliff the star as  A Sea Princess, ahaha este Ship Captain pala, Thanks to my Bro for dressing me up and even suggesting best accessories for this look. I won as the Best Costume! yeheeyyy!

Meg Gonzales as Bunny Playmate/Pornstar XXX, Janna Punzalan as Supergirl-she also won as Female Best Costume, and Poncia Glaiza Acharon as Thumbelina for the first outfit.

Philip Dolera as Army Bitch and Pinky Doyle as Sea Ferrer

Thomas Marlowe Nadera as Rockstar, Poncia Glaiza Acharon on her second outfit as Lucifer's Princess and the birthday celebrant Apple Joy McBurney as Lady Pirate

Jefrey Baguio as Rover Scout, Joze Mc cotap Abangan as Budoy and Aivonne as Flight Attendant.

 We spent our long vacation in Greenleaf Hotel, General Santos City, thanks to Apple who foolishly booked the two rooms because it's her birthday.ahhaa
Theme party is fun. It will let you think and brainstorm for the best dress or look you want to be.It was the  funniest costume party I attended ever.
I love to see a lot of  friends wearing different outfit and they are so experimental yet gorgeous.
It doesn't mean that it's Halloween you will stain your body with red liquids to appear as blood and be so ugly to become a manananggal or diablo. It's your time to be beautiful as well and to shine to this kind of theme party!
I promise to organize an event like this next year, of course I will invite a lot of people to come with us and to get to know more of party goer like me.Sana madaming sponsors!

See you next year Everyone.

Keep Shining,
Cliff the star

Smile Magazine October 2013 Issue

My Flight Attendant Friend ,Eunice Grace Sanchez of Cebu Pacific- Very proud of my pic on the mag. ahaha. thanks nice! mwahhh

mabuti nlang may flight ako nun pa gensan and i was so very happy na tingnan ang actual mag with my pic on it. ang saya! ang lakas maka artista! ahaha I represented Gensan pa talaga..Ako na ang bida!
Ever since kapag ka sumasakay ako ng plane, lageng Cebu Pacific yan. haha dahil sa it's a budget airline at nagtitipid ang kumpanya namin subok namn talaga ang serbisyo nila sa tao para dalhin ka in all destinations.
Minsan may mga bad record nga lang sila tulad ng

1. delayed flights- kelangan lang abesuhan ang mga pasahero para iwas gulo, di mo nmn din kasi mapigilan ang iba sa galit nila. OA nman kung minsan. Basta ako I received a text from them saying na madedelayed ang flight or cancel flights kc nagpaparlor ang pilot! ahaha

2.Nagkaproblema sila sa paglapag nila sa Davao City- ahhay sana di na maulit.yun. perwisyo yun. pati Gensan Airport, nagkagulo. dito kasi lahat ng pasahero pumunta.

3.Walang free food. ahhaa- dahil nga sa budget airline sya-naka cost cut din ang food sa knila-pero pwede ka namn omorder eh, yun nga lang ang mahal! ganun talaga. eh walang sari-sari store sa langit eh, eh kung meron lang sana dun nako bumili ng tubig at chippy, hahaha

Ako ang bida ng Gensan noong October Issue ng Smile Mag. I'm super proud. Salamat sa lahat ng nagpapicture kasama ang mukha ko sa mag. You're a fan!. charrrooot..

Shine bright,

Cliff the star