Monday, December 31, 2012

Christmas Parties-Red Bloody 2012

before goin to caltex,for the xmas party exchange gift. nag papic muna ako sa malaking xmas tree sa SM GENSAN. with my pout lips.hahaha
alak of course, di mawawala sa party yan, im with pogac acharon,STAR,Jefrey baguio, meg pontino, jover sentista

thanks philip dolera for this cute stuff, mug collector kasi ako so panalo to! thanks ulet indai!

sa labas na ng caltex na kami ng exchange gift. natuwa nmn ako sa process on how to give the gift, ang kulet! haha. thanks tom nadera sa gift ko! mwahh. i love you tlaga!


the gensan fierces! philip dolera, mark dela cruz, lourd patrick alvarez, jover asentista, poncia acharon, tom nadera, STAR, yajie abangan, meg pontino and jefrey baguio

what a bloody xmas party everyone! thank u friends for making my 2o12 worth living for! i love you all!

KCC Christmas Party 2012-Glitz and Glam

2012 KCC Glitz and Glam ang peg ng Christmas party namin, wala akong maisip ng susotin kaya eto na siya! im with EPA people of KCC

With the junior buyers naman, glitz kung glitz and glam kung glam! kaloka!

KCC Gangnam Style ba kamo? oh eto ubusin niyo!

oh hala rampa! i'm praying na sana manalo kasi sayang yung cash price eh- pambayad utang! hahaa- kahit saan umandar tlaga ang pagkamukhang pera ko! in fairness tinablan ako ng hiya- di ko kc forte ang maging mowdel at rumampa nuh?! hosting kaya ko pa!


yung nka ka pink ang nanalo si david arapan, pinaghandaan niya nmn tlaga si give ko na! 1st runner up lang ako, peg ko si Janine Tugonon eh! bakit?

happy new year

Hi, my name is Clieford,I want u to know that I am a survivor of many unfortunate things in life this 2012 but God is always with me. I thank u all for always being part of my funny and lovely 2012-I'ts indeed unforgettable.

1.my travel abroad was awesome.i love my work!
2.being a daddy to my lil angels Chivaz, Cyril and cerge is unconditional.
family is love- Susana, Cirilo , Cerilo , Suzette,manong jay
3.attending death defying parties with friends,i will continue to do this.
4.to serve and reach out to others-i wont stop it.
5. I was heart broken by the person whom I fell in love deeply. I am where I am now because of you.Just continue cheating dude! 
God save us this 2013!
sana manlo ako sa lotto! just kidding

love lots,
cliff

Tuesday, November 20, 2012

Punchline

This coming November 24,2012. I will be hosting a Ms. Gay contest dito lang sa amin..
The candidates are busy posting and sending me messages what would be the best introduction for thier production number. Bigla kong nabasa eto sa fb- di galing sa akin to, napulot ko lang somewhere- kaya kudos to this author-kaloka ka! naaliw ako. Kaya Becky queens go! basa!

1) Baha dito, baha doon, baha lagi, BAHAMAS!

2) Bra mo, bra ko, bra nating lahat, BRAZIL!

3) Lubak dito, lubak doon, CZEKOSLOVAKIA!

4) Breakfast, snack, lunch, dinner, midnight snack, MS. GHANA!

5) Caloocan, Malabon, Navotas, VENEZUELA!

6) Paki mo, paki ko, PAKISTAN!

7) Iwas ka , iwas ka , baka tamaan ka ng … PANA…MA!

8) Ibulgar mo, ibubulgar ko, BULGARIA!

9) Boots mo, isusuot ko, BOTSWANA!

10) Ako susubo…. KOSOVO!

11) One way, two way, my way, there is no other way – NORWAY!

12) Matador, aguador, tinidor, ECUADOR!

13) 27, 28, 29, TURKEY!

14) Kampanerang.. CUBA!

15) Bato bato sa langit tama wag magalit, baka matamaan ka nang ESTONIA!

16) Ni hao ma, Ni-hao ma.. Ni-hao na manok.. Ni-hao na baboy- CHINA!

17) Puro taba ang kinain, ang plato puro GREECE!

18) Itlog na uuga-uga, UGANDA!

19) Aga Mulach, Vic Sotto, Sharon Cuneta, nagsilipatan, LAOS!

20) Sandali lang, huwag niyo akong iwan, KUWAIT!

21) Hindi ka naman kinakausap, sumasabat ka. Huwag ka nga masayadong….NEPAL!

22) Purefoods, Kings, Youngtown, 555, ARGENTINA!

23) Bagal bagal, parang pagong, BELIZE!!

24) 50, 60, 70, HAITI!

25) Singa 1, singa 2, singa 3.. SINGAPORE!

26) Libag dito ,libag doon, Lebanon

27) Cana ka ng Cana ...Canada!

28) Enchanted Kingdom, Toy Kingdom, UNITED KINGDOM!

29) Hot and Spicy......CHILE!!!

30) Ang tagal ng sopas, ang tagal ng adobo, ang tagal ng softdrinks... PORTUGAL!!!

31) malay mo, malay ko, malay nating lahat, MALAYSIA

32) kangkong dito, kangkong doon....HOngKong

33) ngunit, datapwat, subalit....PERU

34) Gutom ako, Gutom kayo, Gutom tayong lahat. Miss Hungary!


bwahahah- nawala antok ko, see you everyone sa contest, and be simply amazing to win the crown as Ms. Gay 2012.

Wednesday, October 3, 2012

Travel Time:Bangkok's Food

Bangkok is the place where you can find the best street foods. Makailang beses nako dito di pa rin talaga ako nagsasawa of eating these delicious food, hayaan niyo kong ipakilala silang lahat sa inyo.
si ate! echus, di siya yung food, she's busy preparing my "patatin" its a cuisine made of pork- di ako food blogger ehh so hayaan nyo na yung mga chika ko dito, patatin= 40 baht,plus egg=10 baht.nilalagyan niya ng dahon yan, veggies pala. buti nlang libre ang kangkong niyang nilagay.

bitay ang katapat ng malalanding turkey- hehee.masarap din daw to.di nako nagrequest eh baka kasi eto din ang gawin sa kin, malandi din daw kasi ako sabi ng ex ko,xet!

patatin for lunch-perfect! talo ang combo meals.

seashells,shrimps and other sea creature, its up with ur request kung anung style ang gusto mong luto dito-huwag lang daw gangnam style-bwahahah

yung mga sauce nila- may hot and super chili, may fish sauce, soy sauce and kung anu anu pang dip- ocean deep lang ang wala! bwhaah,ang kulett!

bbq nila-ang taray, kc di umuusok na sugbahanan ang ginagamit.light lang yung apoy pero makaluto man, no effort na si ate sa pagpaypay ug kusog.

lets go to fruits, kumpleto din parang canteen ko noong elementary pako- may pakwan, saging,mangga, melon and papaya-blender nlang ang kulang!

tomyum- noong ayaw na ayaw ko to,pero ngaun unti unti ko na siyang nagugustuhan-parang crush lang bwahahahah it's made of sabaw,as u can see.hehe,shrimps,fish,squids,mushroom and other leafy vegetables. tomyum=120 baht

deep fried shrimps with garlic=130 baht


kahit saan naman ang food masarap eh.as long as you enjoy it with some people you love to be with.
Di ibig sabihin panget yung itsura at amoy ng kakainin mo-di na siya masarap-minsan tikman mo muna.
andameng arte ng foods ehhehe..bahala na.

I'll post again soon.

Keep shining,

Cliff the star

Tuesday, October 2, 2012

travel Time:Bangkok Thailand 1st Day Post

Check your passport, plane ticket, I.D, Embarkation Slip,Mabuhay Miles Card(sayang pa ang points eh) of cors mke it sure na ikaw ang nagpack ng bagahe mo at walang may nagpadala sa iyo-baka kasi lagyan ng anik anik ehh..problema na nga yun. Please be good as well sa mga immigration staff-dont be rude! smile.

in choosing ur room nmn sa hotel na pupunthan mo-1. dapat malinis 2. free internet access 3. may kama bwahhaa huwag sa sahig matulog, sayang ang byad 4. dapat free breakfast-kahit di kana kumain ng tanghalian at hapunan, carry na!
. 5. free shuttle bus pahatid sa airport kasi bka magkaubusan na ng pera atles avail ka sa free ride.

FOUR SEASONS HOTEL ROOM AT BANGKOK, THAILAND


Shower ng room, o diba?hubot hubad ang peg! cute nga eh.request ko nga sa receptionist sa sala nila ilagay eto-para kita habang naliligo si pogi.bwahahah..



  TIPS
 1.may hot and cold ang shower pwede kang mamili-huwag hayaang malapnos ang kutis dahil sa hot ang pinili mo at tiniis mo lang kasi di mo knows na may choices.
2.kung ayaw mo ng sabo ng hotel na puro bioderm parang may galis lang-magdala ka ng sarili mong body wash and shampoo.
3. kapag ka kunti lang yung undies mong dala-go gurl labadami labango!

maldita kaayo ug couch! bloody red kung bloody red! You want war?I'll give you war, I'll be der with my red couch,bwahaha hala pas ana dai!

di po microphone yang nasa likod ko- ilaw po yan kapag ka gusto mong mag laptop o mag basa ng books-oh db.gusto ko to sa kwarto ko!
i'll update you soon with the prices and how to book at madami pang ka echusan.

always shining,

cliff the star

Sunday, September 16, 2012

jodi sta.maria and papa chen in Gensan

na starstruck ako wen i met her last night at the backstage-ang ganda.napacharming.na hook na din ako sa character ni maya sa Be careful with my heart-ang lakas makahawa ng postive vibes sa buhay-kaya go lang! ready siya sa picturan, kasama nya pa ang anak nyang si thirdy at ang nanay nyang ever beautiful din.

si Papa Chen, parang shadow nya lang ako dahil sa kaputian niya- ang cute-handsome tlaga. basta ang gwapo!nakakakilig- nagpaparactise pa nga siya ng kakantahin niya backstage tapos kinakakabahan daw siya-hehehe-kahit anu pa nmn ang kantahin nito pakkk parin!

To KCC MALL thank u, di man ako ang hosts ng gabing iyon-e ako ang mag V.O (Voice over) makapasok lang sa event.heheh, i miss working with the EVENTS.

late post nung bday ko!!walang kokontra bday ko!

bday ko na! hahay di talaga nauubusan ng pasabog ang mg friends ko, so ginawa namin etong beach and glam party bwhaha,para pasok lang sa banga nga party! ang cute ng surprise nila sa akin-tarpaulin.bwahah kc its my first tym na nakita ko ang sarli ko sa billboard.char lang..hehe but still thanks mga beshes.

so dahil beach party- see our ugly features. masyado naming na enjoy ang lemlunay, maasim saranggani province yan i'm with mark dula, poncia acharon,ralph miral, jover asentista,STAR,philip dolera and meg pontino

white and blue yung theme ng party, yun lang din ang available- strcit compliance huh kay maulawan ang dili- poncia acharon,ralph miral melai cantiveros' bestfriend, STAR, meg pontino

with meg ang nag mugna sa billboard, char lang!

maka pose wagas.bwhaha! ralph miral,jover asentista, tom nadera,STAR,mark dula,philip dolera,joze abangan

. To Louie of Lemlunay, thank you so much for accomodating us. ur such a genius. we hope to se you soon and makapasyal ulet jan sa lemlunay!

Friday, August 31, 2012

aryana (ella cruz and paul salas) in gensan

nasa gensan kcc mall si aryana- si ms. ella cruz, napaka cute-ang ganda niya sa asymetrical outfit niya-hehe

the stars and the hosts,(princess, aryana ella cruz,cliff the star,paul salas)

cute mo girl! akin nlang yung sirena tail mo go go go kasi may sisisirin lang ako bwhahahaah

cute din nito ni paul-hehe nakita ko siya sa manila airport-deadma ako pero nung nakita ko na xa.cool ang gwapo.cute din yung tatay!heheheh
thank you kcc mall of gensan for my outfit and michael gallo for my make up.
salamat din jonathan sa pictures.
salamat sa lahat-sa mga fans ni aryana.

vhong navarro and jhong hilario in gensan

super game na nag papicture si vhong ng navarro- ang gwapo at ang bait pa- cool lang xa- ang kinis ng skin-hehe-kaya cguro baliw na baliw lahat ng bilat sa kaniya-

unang lumabas c jong-sumayaw siya ng bongga-pamatay yun-bilib nako sa knya-ang galing! pasok sa banga si sampol king!

oh ha! may picture din kami kasama ang plato, bwhaha kaloka! may special participation ang plate, gusto din yata sumikat!

igiling mo pa vhong- he is indeed the mr.swaveh- total performer! mabait ang gensan sa kanya because beliver din kasi siya ng talento at galing ng mga generals.go magandang gensan!

hahay kung ganito ba nmn ka talented ang manliligaw sa kin- ewan ko nlang- MWF si Vhong, TTH nman si Jhong-Sunday?restday ko yan-pagpahingahin niyo nmn ako.bwhaha  
Thank you @kccmalls for the pictures and for the sponsorship ng mga damit namin. salamat sa food at alaga ng mga taga EPA- although nagkaroon tayo ng problema carry lang,nwala nmn agad.hehe

My Stardom Day


Well, I feel I’m one of the stars in the universe and I’m the brightest of them all

God is so so good with me, He gave me bonuses of all the good things I’ve done and learn to love life.My life is full of surprises- I’m on my age now that I’m free to do things on my own- go to gym, running, trip abroad,to host an event, to dance, to blog,to be a judge in a beauty contest,throw a party,to do music videos,to be in a 30-minute limelight, and I’ll be having my tattoo soon.I’m bombarded with love from family, friends and since I’m single I’m happy and blessed that I’ve been to exciting relationships that taught me how to hold on, to be strong ,to cry and to cry again. I want to see more other places abroad, meet people and learn from them.Sex for me is not a problem – I’m still dating interesting people with deep sense of humor. I maybe not bless of material things in life(but my friends could provide) I have a lot of plans for myself- to go be a good purchaser, be back in academe, to impose medals to my scholars Chivaz, C2, Cerge. My parents are the best picture of a perfect love story,their teachings are inculcated in my heart- I will use these as my weapon in this challenging world. My family is the reason where I am now. I love them with all my heart.Everytime I realized that I’m so down- I thank God He gave me bed to sleep-food to eat and clothes to put on-
I’m not perfect but my imperfections let me realized the goodness of committing mistakes in life-to grasp experience that will teach me in a long run.

Some may say that it’s my birthday but allow me to call it “MY STARDOM DAY” because all eyes are in me, you let me feel I’m special.

Thank you family, friends, workmates,neighbor- You’re all the reason why I’m still shining.

Tuesday, July 24, 2012

State of d Vaklush Address- SOVA

napagod yata si PNOY sa SONA niya-kaya rest ka muna, and it's my turn
Eto ang sarili kong version ng SONA- ang SOVA!

State of d Vaklush Address-ang pananaw ng isang bading sa lipunang kinagagalawan.
Sa aking mga kababayan, kamukha ,kauri, kasambahay at kabecky- eto ang aking mensahe para sa lahat!

tigilan na po na natin ang mga kaplastikan at ka-orocan sa bawat isa-ito ay panahon para magsumikap tayong lahat-as in doblehin pa ang sikap-so,sikap2x- iwasan ang maiinggit sa kapwa-di sila deserve para kaiinggitan-kung anung meron ka ipagmayabang mo, at kung anung wla ka-well, makuntento ka gurl-

Gumising napo tayo sa mahaba at mahimbing na pagkatulog, Ihakbang napo natin ang ating mga paa with high heels patungo sa kaunlaran at kasaganahan.

 Iwasan na natin ang sisi sa nakaraang Pandak na kurakot na administrasyon ,bagkus ibaon sa limot nalang ang lahat-pero kapag ka naisip mo ulet ang galit at hinanakit,hukayin mo ulet-mababaw lang nmn ang pagkakalibing niyan eh.


Ang tunay na boss ay ang mamamayang Pilipino at hindi ang mga buayang politico na naka aircon sa opisina at nakasakay sa magarang sasakyan habang nagpapakabusog sa yaman na nanggaling naman sa kaban ng bayan,hulihin si Ka Tasyo-ang kurakot sa munisipyo!hehe, anyways,Pakinggan po natin ang hiling ng ating mga boss-ang taongbayan –Ang kailangan ng bawat Pilipino-becky man o hindi ay


1. maayos na trabaho na may sapat na sweldo at benepisyo-(may philheath kapag nagkasakit,SSS-para maka loan, PAG-IBIG para maka loan ulet). Nakakapagod din kung lahat ng beauty contest sa Pilipinas ay sasalihan ko na para umasenso- ngarag ang beauty ng lola mo.

2.Pagkain sa hapag kainan with matching dessert pa.di sana lahat ng Pilipino ay magdildil nlang ng asin para mabuhay-sana man lang kahit minsan makapag softdrinks sila-ika nga sa tagline ng coke- “it’s the real thing” -na may nagdildil na ng asin?anu?kaloka.

3.pabahay para sa mga homeless at restless nating mamamayan-dumadami napo ang mga taong natutulog sa kalsada at ginagawang kumot ang sako ng harina at ang kama ay ang isang kapirasong brown na karton ng Tanduay o Maggi.

4..Tubig na malinis na maiinum.pansaing, panshower, pantoothbrush at pangflush sa toilet bowl.

5.Maliwanag na ilaw sa bawat tahanan, murang bayarin sa kuryente pangcharge ng cellphoneat pangblower. Ilaw sa daan para maiwasan ang holdapan at matigil na  ang patayan tuwing gabi, di na rin kasi nakaka rampa ang mga becky sa runway este kalsada kasi nakakashokot na baka kami na nmn  ang tambangan- tapos headline na nmn kinabukasan sa teveyyyyyy patrol!- Bading na ka false eye lashes, pinatay!-soot na korona, tinangay!


6.Pagtibayin ang sistema ng edukasyon- maraming teachers, maraming aklat at maraming silid aralan-suggestion ko lang, sana ituro na  ang gay lingo sa skul-para lahat ng estudyante talented, determined, creative and productive to our society.
ang sabi nga nila lahat tumataas na- ang bilihin,presyo ng gasolina,pamasahe-isa nalang siguro ang bumababa-ang puri. Sana di na nila maging motto eto- “ang taong gipit sa bading kumakapit”.


Matagal nang naging problma eto ng ating komunidad- eh bago pa nga kami kinutya ng mapanghusgang lipunan at tinaguriang salot ang mga becky- eh nauna na ang kurapsyon, mandurugas na politico-kahirapan-kamangmangan, kawalan ng maayos na pamumuhay ng iilan-eh sila ang original salot ng bayan- na nilamon  tayong lahat sa kawalan.


Huwag po sana nating hayaang sabay sabay tayong malunod lahat sa kumonoy ng kahirapan-at huwag iasa sa gobyerno ang iyong masaklap na kapalaran-di ho sila fairy godmothers-May magagawa ka pa upang umunlad- mag home service ka-manicure ,pedicure at kulutin lahat ng buhok ng buong barangay.
-maging barangay tanod ka-community service din yan nuh-makakaronda at rampa kana sa gabi- o di kaya’y maging enterpreneur- oh db sosyal na work yan! Entrepreneur!- magbenta ng halu halo-puto,bibingka at yema sa labas ng bhay niyo,maglako ng saging, bawang, camote, papaya at kamatis-income din yan nuh, ang tawag jan-Enterpreneur!


Paulit ulit nlang ang paksang eto na nababasa mo, naririnig sa diaryo,napapag usapan sa parlor at napapanuod sa tv na nka dokumentaryo.nakakasawa na.nakakabagot-ngunit ito’y magsisilbing pa alala sa ating lahat na ang buhay ay di pwedeng ka echusan lang-seryoso tayong haharapin ang bukas na Masaya at payapa- hindi sana mangyari sa ating lahat na nakadilat ang mata sa gutom at talunan sa contest ng buhay.

flowers after my speech.bwhahahaa

wow! si OBAMA for loving d LGBT.thanks

Wednesday, July 11, 2012

Paalam, Markova aka Dolphy

paalam markova,
dolphy with his sons eric and epi who played markova in a film  is a transvestite, 
he and his  his gay friends, entertains Japanese military officials as dancers in a cabaret. 

The discovery of their gender begins a torture and violation of homosexuals.

The opression during Japanese Occupation ended up but still the discrimination to Homosexuals continues.

ang pag ganap ni dolphy ng isang bakla sa pelikula ay kahanga hanga-True!naiyak ako at natawa-may isang  eksena pa nga dun kung paano pinagkaguluhan ng mga barkada niyang becky ang pares ng stockings- syempre sa panahon na yun ang stockings ang bubuo sa imahinasyon ng bawat bading na maging isang ganap na babae kahit panandaliang panahon lamang. 


-binigyang buhay ni dolphy ang isang bading na karakter na dumaan man sa isang masalimoot na karanasan na sinubok ang tatag at tibay ay patuloy na nanalig at nagtiwala sa diyos.


habang pinapanood ko ang pelikulang ito noong nasa grade six pa ako ,sa mura kong kaisipan
nasabi ko sa sarili na maswerte ako't di ganun ka graveh ang dinanas ko of coming out.that i should be thankful to all the people who never judged me  and accepted me for who really am.

di man kami close ni dolphy, di ko pa nga siya nakita sa personal eh at wala din kasi akong booking/raket na hosting sa mga shows niya  pero alam kong ang kanyang sining ang pumukaw sa kamalayan ko na ang lahat ng problema sa buhay malaki man o sobrang laki ay masosolusyan ng isang ngiti. 



namatay man si dolphy,patuloy na maglalaro si markova sa aking kaisipan, kung paano niya ipinaliwanag na ang pagiging bakla ay di isang kasalanan, ngunit isang karapatan na kailangang maranasan at gawin ang buhay na masaya at malaya.

have a safe trip way home to our Dear Lord, alam kong magiging masaya ang langit lalo na ang mga cute little angels kasi sila naman ang bibigyan mo ng ngiti at tawa.

Rodolfo Vera Quizon, Sr. aka Dolphy (July 25, 1928 – July 10, 2012)