Wednesday, July 11, 2012

Paalam, Markova aka Dolphy

paalam markova,
dolphy with his sons eric and epi who played markova in a film  is a transvestite, 
he and his  his gay friends, entertains Japanese military officials as dancers in a cabaret. 

The discovery of their gender begins a torture and violation of homosexuals.

The opression during Japanese Occupation ended up but still the discrimination to Homosexuals continues.

ang pag ganap ni dolphy ng isang bakla sa pelikula ay kahanga hanga-True!naiyak ako at natawa-may isang  eksena pa nga dun kung paano pinagkaguluhan ng mga barkada niyang becky ang pares ng stockings- syempre sa panahon na yun ang stockings ang bubuo sa imahinasyon ng bawat bading na maging isang ganap na babae kahit panandaliang panahon lamang. 


-binigyang buhay ni dolphy ang isang bading na karakter na dumaan man sa isang masalimoot na karanasan na sinubok ang tatag at tibay ay patuloy na nanalig at nagtiwala sa diyos.


habang pinapanood ko ang pelikulang ito noong nasa grade six pa ako ,sa mura kong kaisipan
nasabi ko sa sarili na maswerte ako't di ganun ka graveh ang dinanas ko of coming out.that i should be thankful to all the people who never judged me  and accepted me for who really am.

di man kami close ni dolphy, di ko pa nga siya nakita sa personal eh at wala din kasi akong booking/raket na hosting sa mga shows niya  pero alam kong ang kanyang sining ang pumukaw sa kamalayan ko na ang lahat ng problema sa buhay malaki man o sobrang laki ay masosolusyan ng isang ngiti. 



namatay man si dolphy,patuloy na maglalaro si markova sa aking kaisipan, kung paano niya ipinaliwanag na ang pagiging bakla ay di isang kasalanan, ngunit isang karapatan na kailangang maranasan at gawin ang buhay na masaya at malaya.

have a safe trip way home to our Dear Lord, alam kong magiging masaya ang langit lalo na ang mga cute little angels kasi sila naman ang bibigyan mo ng ngiti at tawa.

Rodolfo Vera Quizon, Sr. aka Dolphy (July 25, 1928 – July 10, 2012)

0 comments:

Post a Comment