Tuesday, July 24, 2012

State of d Vaklush Address- SOVA

napagod yata si PNOY sa SONA niya-kaya rest ka muna, and it's my turn
Eto ang sarili kong version ng SONA- ang SOVA!

State of d Vaklush Address-ang pananaw ng isang bading sa lipunang kinagagalawan.
Sa aking mga kababayan, kamukha ,kauri, kasambahay at kabecky- eto ang aking mensahe para sa lahat!

tigilan na po na natin ang mga kaplastikan at ka-orocan sa bawat isa-ito ay panahon para magsumikap tayong lahat-as in doblehin pa ang sikap-so,sikap2x- iwasan ang maiinggit sa kapwa-di sila deserve para kaiinggitan-kung anung meron ka ipagmayabang mo, at kung anung wla ka-well, makuntento ka gurl-

Gumising napo tayo sa mahaba at mahimbing na pagkatulog, Ihakbang napo natin ang ating mga paa with high heels patungo sa kaunlaran at kasaganahan.

 Iwasan na natin ang sisi sa nakaraang Pandak na kurakot na administrasyon ,bagkus ibaon sa limot nalang ang lahat-pero kapag ka naisip mo ulet ang galit at hinanakit,hukayin mo ulet-mababaw lang nmn ang pagkakalibing niyan eh.


Ang tunay na boss ay ang mamamayang Pilipino at hindi ang mga buayang politico na naka aircon sa opisina at nakasakay sa magarang sasakyan habang nagpapakabusog sa yaman na nanggaling naman sa kaban ng bayan,hulihin si Ka Tasyo-ang kurakot sa munisipyo!hehe, anyways,Pakinggan po natin ang hiling ng ating mga boss-ang taongbayan –Ang kailangan ng bawat Pilipino-becky man o hindi ay


1. maayos na trabaho na may sapat na sweldo at benepisyo-(may philheath kapag nagkasakit,SSS-para maka loan, PAG-IBIG para maka loan ulet). Nakakapagod din kung lahat ng beauty contest sa Pilipinas ay sasalihan ko na para umasenso- ngarag ang beauty ng lola mo.

2.Pagkain sa hapag kainan with matching dessert pa.di sana lahat ng Pilipino ay magdildil nlang ng asin para mabuhay-sana man lang kahit minsan makapag softdrinks sila-ika nga sa tagline ng coke- “it’s the real thing” -na may nagdildil na ng asin?anu?kaloka.

3.pabahay para sa mga homeless at restless nating mamamayan-dumadami napo ang mga taong natutulog sa kalsada at ginagawang kumot ang sako ng harina at ang kama ay ang isang kapirasong brown na karton ng Tanduay o Maggi.

4..Tubig na malinis na maiinum.pansaing, panshower, pantoothbrush at pangflush sa toilet bowl.

5.Maliwanag na ilaw sa bawat tahanan, murang bayarin sa kuryente pangcharge ng cellphoneat pangblower. Ilaw sa daan para maiwasan ang holdapan at matigil na  ang patayan tuwing gabi, di na rin kasi nakaka rampa ang mga becky sa runway este kalsada kasi nakakashokot na baka kami na nmn  ang tambangan- tapos headline na nmn kinabukasan sa teveyyyyyy patrol!- Bading na ka false eye lashes, pinatay!-soot na korona, tinangay!


6.Pagtibayin ang sistema ng edukasyon- maraming teachers, maraming aklat at maraming silid aralan-suggestion ko lang, sana ituro na  ang gay lingo sa skul-para lahat ng estudyante talented, determined, creative and productive to our society.
ang sabi nga nila lahat tumataas na- ang bilihin,presyo ng gasolina,pamasahe-isa nalang siguro ang bumababa-ang puri. Sana di na nila maging motto eto- “ang taong gipit sa bading kumakapit”.


Matagal nang naging problma eto ng ating komunidad- eh bago pa nga kami kinutya ng mapanghusgang lipunan at tinaguriang salot ang mga becky- eh nauna na ang kurapsyon, mandurugas na politico-kahirapan-kamangmangan, kawalan ng maayos na pamumuhay ng iilan-eh sila ang original salot ng bayan- na nilamon  tayong lahat sa kawalan.


Huwag po sana nating hayaang sabay sabay tayong malunod lahat sa kumonoy ng kahirapan-at huwag iasa sa gobyerno ang iyong masaklap na kapalaran-di ho sila fairy godmothers-May magagawa ka pa upang umunlad- mag home service ka-manicure ,pedicure at kulutin lahat ng buhok ng buong barangay.
-maging barangay tanod ka-community service din yan nuh-makakaronda at rampa kana sa gabi- o di kaya’y maging enterpreneur- oh db sosyal na work yan! Entrepreneur!- magbenta ng halu halo-puto,bibingka at yema sa labas ng bhay niyo,maglako ng saging, bawang, camote, papaya at kamatis-income din yan nuh, ang tawag jan-Enterpreneur!


Paulit ulit nlang ang paksang eto na nababasa mo, naririnig sa diaryo,napapag usapan sa parlor at napapanuod sa tv na nka dokumentaryo.nakakasawa na.nakakabagot-ngunit ito’y magsisilbing pa alala sa ating lahat na ang buhay ay di pwedeng ka echusan lang-seryoso tayong haharapin ang bukas na Masaya at payapa- hindi sana mangyari sa ating lahat na nakadilat ang mata sa gutom at talunan sa contest ng buhay.

flowers after my speech.bwhahahaa

wow! si OBAMA for loving d LGBT.thanks

Wednesday, July 11, 2012

Paalam, Markova aka Dolphy

paalam markova,
dolphy with his sons eric and epi who played markova in a film  is a transvestite, 
he and his  his gay friends, entertains Japanese military officials as dancers in a cabaret. 

The discovery of their gender begins a torture and violation of homosexuals.

The opression during Japanese Occupation ended up but still the discrimination to Homosexuals continues.

ang pag ganap ni dolphy ng isang bakla sa pelikula ay kahanga hanga-True!naiyak ako at natawa-may isang  eksena pa nga dun kung paano pinagkaguluhan ng mga barkada niyang becky ang pares ng stockings- syempre sa panahon na yun ang stockings ang bubuo sa imahinasyon ng bawat bading na maging isang ganap na babae kahit panandaliang panahon lamang. 


-binigyang buhay ni dolphy ang isang bading na karakter na dumaan man sa isang masalimoot na karanasan na sinubok ang tatag at tibay ay patuloy na nanalig at nagtiwala sa diyos.


habang pinapanood ko ang pelikulang ito noong nasa grade six pa ako ,sa mura kong kaisipan
nasabi ko sa sarili na maswerte ako't di ganun ka graveh ang dinanas ko of coming out.that i should be thankful to all the people who never judged me  and accepted me for who really am.

di man kami close ni dolphy, di ko pa nga siya nakita sa personal eh at wala din kasi akong booking/raket na hosting sa mga shows niya  pero alam kong ang kanyang sining ang pumukaw sa kamalayan ko na ang lahat ng problema sa buhay malaki man o sobrang laki ay masosolusyan ng isang ngiti. 



namatay man si dolphy,patuloy na maglalaro si markova sa aking kaisipan, kung paano niya ipinaliwanag na ang pagiging bakla ay di isang kasalanan, ngunit isang karapatan na kailangang maranasan at gawin ang buhay na masaya at malaya.

have a safe trip way home to our Dear Lord, alam kong magiging masaya ang langit lalo na ang mga cute little angels kasi sila naman ang bibigyan mo ng ngiti at tawa.

Rodolfo Vera Quizon, Sr. aka Dolphy (July 25, 1928 – July 10, 2012)

kathryn bernardo and kiray in gensan

kakaibang raket na namn to kc c kathryn bernardo at kiray ang mga bisita so tomodo na kami sa get up-baget kung bagets.c kiray yung unang lumabas- ayan sabi niya wacky post daw-infairness nmn di na xa umefort pa.hehe.nakakatawa kc mashare ko lang yung suot niya eh yan din yung suot niya sa Will time big time-di na daw sila nagpalit.bwahaha
si kathryn bernardo habang iniinterview ko-wow talk show ang peg ko! halatang kabado ako pero go pa rin ako mama-salamat naman at nairaos ko rin ang exena namin-parang siya si mara at ako not clara but si susan ang nanay niya!bwahahaha
gandang bata! ang lakas makaganda! as in super ganda-sa backstage super sweet pa rin siya-mabait at machika din-kaya super love ko na din siya! princesa talga.
princess my co host,kathryn bernardo,STAR, kiray @KCC Events and Convention Center Gensan City