sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.
eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.
1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.
2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-
3. Huwag kang paranoid!- dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.
To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.! |
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.
that's all.
Keep shining,
Cliff the star!
at amadeo's pool lagao with the junior buyers |
at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all. |
0 comments:
Post a Comment