Friday, January 30, 2015

Cebu- Sinulog Party 2015

I admit that it's my dream to travel in many places  here in Philippines, and I'm wishing to do it with friends and family.
Yung magbabakasyon lang kami ng walang iniisip na kahit na anu. Kain, tulog, lakwatsa at party as well.

Last Jan. 17, 2015 (alam kong late na tong blogpost kong eto)  Yajie, Thom and I decided to book a ticket to Cebu to meet our friends Pogak and Kath.Halos magkatabi lang kami ng seat sa eroplano ni Mommy Dionisia Pacquiao- may meeting daw siya regarding with her endorsement na Palawan Pawnshop- "walang kuskos balungos" ahahhaa

Ang daming ganap sa Cebu, di magkamayaw ang mga utaw sa kakaraampa at di ko naman alam kung saan papunta, fiestang -fiesta ang konsepto mga ateng mga makukulay na banderitas, banda,malakas na musika at kulang nlang ang mga handang pagkain na ilalatag sa daan. Cebuanos are warm and showed a welcoming aura, parang silang lahat ay miyembro ng tourism council ng Cebu.hahaha

Since naka booked ng hotel sa NS Royal Pension House sa may Juana Osmena sina Gaigai, eh dun din naman pala ang sentro ng party- eh di na kami lumayo pa.

The party in Cebu is incomparable,medyo nagwawala na nga yung iba pero ganun tlaga ang party eh!. Viva Pit Senyor Cebu. I'd like to come back again next year and i will invite friends to come with us!

Yajie, Thom and Star- di kami na-orient na hubaran at padungisan pla ang party dito! buti nlang i'm with the creative team. ahahha

DK- nyetah, nagpatatoo pako ng pangalan niya- lumandi din pala sa iba. sa ibang blogpost ko nlang ikekwento kung bakit.

with Jett Donguines- a nurse from Gensan,. nakiparty din siya dito! Nice seeing you Jett sa Sinulog! more than 5 years naya daw tlaga ginagawa at dinadayo ang party dito! hanep ka jett!

Bday ni Mamang Divine Lee- magbigay pugay! Happy Bday Divs close na tayo kahit ayaw mo pa. keber! thanks for inspiring me!
selfie sinulog!


More memories friends at sasaya ang buhay,

xoxo,

Cliff the star

Monday, January 5, 2015

Sarimanok Pep Squad Reunion

We dance for laughters, for hopes, for love. We're dancers and we create dreams.

I'm a proud member of Sarimanok Pep Squad of Notre Dame of Dadiangas University in General Santos City under with the International Head Coach Mark Dela Cruz.

I've experienced sleepless nights with the team, doing our make up on our own, fixing/sewing our costumes in last minutes and finalizing our routine with our dead tired bodies.- but It's okay, because of these unforgettable experiences, It made me who I am now. Fierce, Brave and Dancer.

I maybe not so active now in dancing- aside from going to bars and parties- but still it's in my heart. and I'm happy that i got an invitation from friends and Sarimanok Officers for a Party wearing my Cheerleading Team Outfit.

Nagflashback ang lahat!- ang tawanan at kulitan, iyakan at drama! isang napaka importanteng yugto ng buhay ko ang Sarimanok Pep Squad. Dito nakabuo ako ng pamilya na mahal ako at tanggap ako kung anu at sino ako- di naging hadlang ang preference ko upang matuto bagkus naging bukas ako sa iba upang mas lalong maniwala sa sarili na kaya ko!- dahil sa grupong ito, pantay-pantay kaming bumubuo ng isang sayaw para sa pangarap! sa bawat kumpetisyon na aming napagdaanan,alam kong di lang tibay ng loob ang naging puhunan namin kundi ang tiwala ko sa sarili ko na mahalaga ako! at ang tiwala ko sa iba na kapag nahulog o nadapa man ako, may isang tao sa likod na handang sumalo at tutulungan akong bumangon ulit.
( ang drama nuh?!)

Bongga at brainy ang pagkagawa ng Event na toh!.Theme kung theme! Na impress ako sa mga pakulo at iba pang kyeme upang talagang mas memorable ang party!

 Alumni vs Newbies!

Dahil sa mas magagaling kaming mga Alumni (I claimed it) hahaa ehh always naming natatalo sila.

Kidding aside, I really admire the new members of the squad.They are now scholars, the school is providing their tuition fees for them to study but they should maintain good grades.ang taray diba?!

Binubuo ng mga batang baguhang Manok ( we call ourselves Manok) sa pamamagitan ng pagsasayaw ang bawat pangarap nilang makapagtapos ng pag aaral at makapag trabaho upang matulungan ang pamilya. I salute you guys. Keep the fire burning!



Di pa nmn masikip yung costumes sa kanila- with Sarimanok Pep Squad Girls Jana, Tatat,Chiqui,Meg and Ma-e


One of the pamatay at lakas-maka-babae stunt ng newbie of Sarimanok Pep Squad
Kahit magka ibang batch forever friends pa din kami nuh?! with Pogak, Chiqui, Meg, Tatat, Ma-e and Star!

Monday, December 29, 2014

KATHNIEL in Marbel

This is my pinaka pasabog na event this year- ang Kathniel sa Koronadal City!

sikat na sikat na ngayon ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo at Teen King Daniel Padilla -na may bagong palabas sa sususnod na taon. Ang remake ng sikat na Asian Teleserye- "Pangako sa yo"

 I was given a chance na makapaghost at makasama sila sa onstage! sobrang saya na halos di ko na alam kung anung gagawin.

Siyempre, the crowd went wild and talagang di ko na marinig ang sarili ko- sa sobrang lakas ng sigaw, halos magiba ang Gym! hahaha kaloka.






selfie kasama ang Kathniel Fans sa Marbel - an old name of Koronadal City

Unang nagperform si Kathryn- magiliw siya at sobrang saya niya na first time niya pala sa Koronadal City

Teen King! Ang gwapo at ang kisig- siya di na daw niya first time.

Kathniel and the star!- dream come true mga ateng!

DJ!!pa bonus ko na sa inyo to ha! pang christmas ko na to! huwag ng humingi pa ng kahit anu..
I'm a Kathniel forever fan!
yung kilig, yung karisma pakkk!! sila na!

raketera,

Star

Junior Buyers- Christmas Party 2014

I really love to organize and to throw a party for friends and officemates.
Thanks sa trust.
This time ang theme ng party ay " Mabulaklak at Mahalimuyak Christmas Party"
so from the theme itself-they need to wear floral printed shirt, skirt, shorts, tank top at kahit anu pa.

I'd like to share my invitations sa kanila.

Good day Everybody!

The Junior Buyers Mabulaklak at Mahalimuyak Christmas Party will be on Dec21,2014 Sunday @ Mt. Sabrina Tambler, GSC

Here's the details(magbasa ka!)
1. Theme: Floral- so magsuot ng mga dahon-dahon. hahaa. joke. dapat mga printed flowers yung pants, shorts, shirts bra, brief, or panty nyo!
2. rendezvous- Jollibee Pioneer at exactly 8:00 am kay mag multicab lang ta atong pakyawon vice versa.. please lang ayaw na pag pa primadonna nga magpalate ka! -di ka gwapa!

ang mga usually ninyo ginarason pag ma late nga dili accepted sa PAMET!
2.a namalengke
2.b nagsimba
2.c. nakatulog
2.d nagsomething2x pa
2.e gihuman pa ang matanglawin
2.f nagbreakfast ug dugay naluto ang sud an
2.g struggle sa sakyanan padulong jollibee- please lang naa na sentro sa syudad.pakyawa na ang sakynan
2.h ug uban pa

3. Doon na tayo maglunch sa kanilang restaurant sa mt. sabrina-so please bring cash kay walay ATM ddto!
4. Bring pangswimming basi gusto ninyo maligo!-pls prepare ur entrance fee also sa swimming pool, yes! you heard it right. lahi pa ang entrance sa pool.- pera pera ang labanan diddto! hangin nlang ang libre! ug view pud diay!
5.Bring ur gifts na rin na intended for Dec 28- sa dec 21 na natin ipamigay! para datu na ta tan awon sa mga taga mt. sabrina.
6. Dont forget to bring chichirya, kay bawal maglanlan ug dahon didto, and pls bring ur sunblock as well and shades and comfortable outfit!
7. Wala tayong amutan, pero ddto nata mag bayad bayad tanan. para dili na sakit sa ulo- so more or less mga 400 ra na atong magasto inclusive na tanan.( (naay sweldo ug 13th month pay so di ka karason)
8. we will be having parlor games and pls volunteer namo hatag ug prizes.malipay namig candies!
9.Pls inform me ahead of time if di ka makasali-kay isumpa nako ang imong love life ug pamilya, minsan lang makumpleto ang casting sa G-MIK!
10 You can bring ur bf, gf, husband, wife, bff, lolo o lola pero ishoulder na ang tanang gastuhon.(sakit na sa ulo, palaag laaga nalang na sila sa veranza.

for more queries, please call me or reply sa email-t! ayaw pag langas langas- kung di ka gusto masakitan!

thanks

xoxo,
star

As what they are expecting- sobrang saya nga ng party namin.

Eto ang isa sa nakakalokang laro- ang Save the President! hahaa.pasan ko ang daigdig!

I dont know if i should thank Sheena- Jone's friend for bringng him sa party pero mag oopen up ako sa susunod na blog entry- mahaba habang chika to promise!

may mga bagay na huwag ng ipilit- kasi nga wala na papilit! shet! pinag absent pa namin si jones para lang makasama ako-este para mas mag enjoy! thanks guys- eto na ang noche buena ko!

the team moon vs team stars! masaya lang sa party- sila nananlo sa pinoy henyo game namin. magaling! halatang nakapag praktis! of course jones and i were the facilitators

may mga pa dance presentation pa with each team- at exchange gifts.bongga!
Thank you Junior Buyers- sabi ko na sa inyo nuh?! na magling ako mag set up ng party!
sa susunod na paparty ulet!


xoxox

star

Wednesday, November 26, 2014

#Trending Sweets Dessert Bar

The wedding month is fast approaching- the December.
For sure, there's one member of your group that will walk down the aisle or simply part of the entourage at ginugulo kayong tanungin if anu ba ang ireregalo nila sa friend nilang newly wed.

Here's my Star Tips:
1. Yourself- oo! ikaw, haha huwag mo namang ibalot ang sarili mo. I mean, volunteer yourself for preparing the event. Tumulong ka sa seat plan, mag wrap ng mga give aways, maging photographer,itxt at tumawag ng mga guests na sure ng dadalo at kahit anu pa, basta makatulong lang. Huwag ka naman pang-gulo dahil iibahin mo ang wedding plans, hindi ikaw ang ikakasal, ok?!

2. Couple thing ( shirt, mugs, slippers, or undies)- winner to teh, magiging kaaliw aliw ang ireregalo mong ito. kahit di masyadong mahal pero pinag isipan. haha. Tyak akong magiging favorite ito ng mag asawa.

3. Personalized materials- pwedeng painting, photo frame o ginansilyo mong table cover- mas magiging espesyal ito sa kanila ,kasi ito'y pinaghirapan mo at pinagtuonan mo ng pansin at oras. Huwag na puro baso o gamit sa kusina ang i-givesung mo nuh, aside sa common na ang mga ito, eh di namn sila magpapatayo ng karenderya!

Pero ang pinaka bet ko sa lahat ay pag suggest ng isang dessert bar during the event.
Last Sunday, I hosted at Greenleaf Hotel Basil hall the launching of online shop dito sa Gensan owned by my dear friends Liza Jane Calsis and Princess Pia- eto ang #TrendingSweetsDessertBar

Madaming choices ng desserts and cookies,oh my Happiness and Heaven in one! may truffles, butter cookies, cakes, cupcakes, mini cupcakes and candy corner pa sila. This #trendingsweetsdessertbar is for all occasions.. They can personalized all their desserts upon the request and demand of the clients. So talagang winner!

So sweet and it's trending now!

The owners- Liza Jane Calsis and Princess Pia busy answering questions from GMA Gensan.nag imaita pa ng Media!

#Trending SweetsDessertBar

Poncia Glaiza Acharon- the winner for most LIKES in facebook with fansign "#Trending Sweets I like" Ikaw na amg Mother Peymus!
For any queries you may contact Liza Jane Calsi @ 09332399456

Enjoy your TrendingSweets Experience !!!

Cliff the Star



Saturday, November 22, 2014

Star City with Cliff the Star

I am in charge of how I feel and today I choose HAPPINESS.

There are lot of reasons in this world that we need to be thankful with and be happy.
Unang-una na diyan ang pamilya, sa trabaho at sa mga masasayang taong nakikilala mo araw araw.
Alam kong ayaw mo ng nega, kahit ako naman din siguro nuh?! -No to bad vibes ako.

Lately kasi, parang allergy ako sa mga problema at mga dramang yan.
A psychology student from NDDU skype me,
Imagine, nasa Uhaw lang ang bahay nila at ako nasa Bula, pero dinaig pa namin ang nasa abroad kung makipag usap gamit ang skype.hahah
Nung una masaya pa siya, siya lahat ng kwento, so parang ang dating is, ako nlang yung taga absorb ng lahat ng mga storya niya. medyo boring na ang topic, kasi ba naman, siguro lahat ng problema niya sa buhay ay na ishare na niya,( kung paano makahanap ng pera pang tuition fee, paano magkakaroon ng work ang kapatid niya, problema niya sa ex niya na di pa yata siya maka move-on, problema niya sa volleyball team niya, problema dahil sa kalandian niya at ang problema sa pagfile niya ng kaso laban sa dati niyang friend)
complicated nuh?! oo, ako din, medyo naguluhan at talagang na off sa lahat ng sinabi niya- na stress ako at nanghina. See? kahit na ako naloka bigla sa isang problema ng 19 years old. hahay. Di yata jowa ang kailangan ng batang ito, kundi Superhero-tagapagligtas niya! hahaha

kasi iniisip ko, bakit kaya may mahilig magshare ng problema at bad vibes sa ibang tao?! hindi ba pwedeng happiness lang ang ishare at makahanap ng solusyon sa problema ng di ka nandadamay ng kapwa mo?!

It's glad to be with people na addict sa kaligayahan, yung kunting bagay lang ay napapatawa mo na at na fe-feel nila yung excitement at happiness araw araw.
Sila ang mga tunay na kaibigan. When visiting Manila last week, naisipan naming mag Star City! pangarap ko yun!

Star City is Love! Kaloka ang mga rides. di ko malilimutan ang walang humpay na kasiyahan.

TSUBIBO with Jayzel Poncardas and Quenit Florida

Cliff the Star!

The Bula Kitty Girls- Si Donna, Ej Alonzo and Madam Ex. Ej left na papuntang Japan, I'm missing him badly na.

Junior buyers- power team with Jayzel Poncardas, Quenit Florida and Ian Bert Rafal.
 Sa lahat ng mga tanong nyo sa presyo at kung anu ano pang keme sa Star City, o heto!!

Admission Fee Php 65.00
Entrance inside Star City only. EXCEPT Mid-way games, coin operated machines, rides, attractions, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue and Walk on Water.
3 Cheers Ticket Php 360.00
Three rides of your choice (Ride restrictions apply), EXCEPT mid-way games, coin operated machines, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue and Walk on Water. Entrance fee included. (Ride restrictions apply)
Ride-All-You-Can (RAYC) Php 420.00
Unlimited access to
KIDDIE RIDES: Quack-Quack, Kiddie Wheel, Little Tykes, Tea Cup, Kiddie Bumper Car, Rodeo, and Ball Pool.
FAMILY RIDES: Grand Carousel, Happy Swing, Magic Forest Ride, Red Baron, Super TeleCombat, Dragon Express, Wacky Worm and Giant Star Wheel.
OLDER KID, TEEN AND ADULT RIDES: Bumper boat, Bumper Cars 1 and 2, Jumping Star, Tornado and Blizzard
EXTREME RIDES: Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Star Flyer and Viking Ship
ATTRACTIONS: Toy Chest (Coming Soon), Peter Pan, Time Tunnel, Pirate Adventure, Dungeon and Gabi ng Lagim
(Ride restrictions apply). EXCEPT Mid-way games, coin operated machines, Snow World, Lazer Blaster, Scream Avenue, and Walk on Water. Entrance fee included.
Snow World Php 150.00
Unlimited same day entrance. (Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Lazer Blaster Php 100.00
Good for 1 (one) game only. (Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Scream Avenue Php 120.00
Good for 1 (one) film showing only.(Ride restrictions apply) Entrance fee excluded.
Senior Citizens are given 20% Discount on RAYC
Please bring any VALID identification Card
PROMO PACKAGES
RIDE-ALL-YOU-CAN VALUE COMBO
A. plus Snow World Add P100.00
B. plus Lazer Blaster Add P60.00
C. plus Scream Avenue Add P60.00
Tickets and Ride All You Can Pop Tags are non-refundable. Ride All You Can Pop Tags are non-transferable and void if altered.
*Rates may be changed without prior notice*

For more details visit their website http://www.starcity.com.ph/

Have fun guys!

Love lots,

Cliff the star

Wednesday, October 1, 2014

Wake Up! September has ended.

Wake Up! It's October.
Andaming dapat ipagpasalamat sa Kanya- unang una ay ang  dahil nagising ka pa.
at pangalawa, eto ay dahil sa humihinga ka!
I'm still waiting and hoping that October will be one of the best.
sana madaming raket na events at kung anu-ano pang gathering.

I received an email from the boss asking me to host an event,
Ang bilis ni God na ibigay ang prayers ko.
 I will be hosting Pinoy Big Brother All-in Big Four in Gensan.
They are Jane, Vickie, Maris and the PBB Big Winner Daniel Matsunaga!
Yes!Si Daniel Matsunaga-ang dating nakikita ko lang sa magazine at sa tv ay makikita ko na sa personal,bonus na if mayayakap ko pa.
Hayaaan mo, para-paraan lang yan. makakalusot din ako.
For details click here: http://kccmalls.com/




I really wanted to be healthy and fit,
At this point sleep is luxury for me and exhaustion is common because of stress and unhealthful habits na pilit ko namang tinatapos at agad ko na namang binabalikan.
sakitin na ang bida this time because of this runny nose and cough-

Me and my beshy(both of us are hopeless romantic) were discussing anything under the sun and dumating kami sa point that we wished to have someone on this coming christmas season.

Right now I'm dating this lean + dark + athletic guy who's a Psychology Major graduating student  from the university where I graduated.
Ramdam ko na may something ako sa kanya. pero di pa rin ako sure- di nako katulad ng dati na lahat ay instant- (instant noodles, instant coffee, instant jowa at instant break up)
Natauhan nako sa pabigla biglang pagsunod ko sa kagagahang nararamdaman.
Kaya nasa "dating" stage ako sa knaya ngayon. ang arte diba?! ahaha

What are the things na dapat alamin mo sa ka-date mo na siya na, na talagang gusto mo siya, or mag po-progress pa ba kayo!?

Here are some tips, makinig ka!
1. Can I have the bill?!- masarap na bagay yung makikipag date ka ng di ka pababayarin sa lahat ng ininum at kinain ninyo-at masarap ding bayaran lahat ng iyon kung ok naman ang resulta ng "date" niyo- naging tradisyun na kung sino ang nag imbita ay siya ang taya-pero iba pa rin if mag split ng bills-yung sana paghahatian natin ang gastos- dun ko nakikita yung mga qualities na understanding, respectful at responsible.

2.I like this, I like that! - kung ikaw na ang dineyt, huwag kang choosy sa place at huwag kang maarte sa food- di po piyesta ang pinuntahan niyo at magcoconcentrate ka lang sa pagkain.
Dating is knowing someone deeper, maguusap ho kayo ng madalas at aalamin ang mga bagay bagay na meron kayong dalawa- kung ano ang ipinagkaiba ninyo sa isa't isa at kung ano yung mga bagay na pareho kayong gusto.

3.Huwag kang abusado!- Huwag kang magtext sa isang tao na sabihin sa kanya na i-date ka niya. Ka-cheapan yun.Maghintay ka-kasi kung type ka niya eh gagawa siya ng paraan upang makausap ka in any means.
Kapag nasa bar kayo at libre nya ang alak- eh huwag ka ng magpalibre ng yosi! huwag mo na ding imbitahan ang buo mong basketball team, ka-dance group mo at member ng fraternity. di sila lahat kakayanin ng budget ng ka-date mo "marry me and friends"tactics ay nakaka turn off!!

4. Silent it please- If you are invited to a date, please turn your cellphone off or put it on a silent mode. Huwag kang text ng text at mag facebook habang magkausap kayo- mawawala kayo sa focus!
Set aside first ang pagiging peymus mo sa social media ilaan mo ang ilang minuto mo para sa kanya-

5.Delia Rason- if di mo gusto ang ka date mo. well you can leave naman agad.
Dapat maging tama ka sa mga rason mo para maintindihan ka niya ng maayos.Di yung sasabihin mong antok kana at kailangan mo nang umuwi, tapos makikita ka ng ka date mo sa ibang venue at iba na naman ang kasama. Huwag mong ipilit if wala tlaga. at Huwag paglaruan ang feelings ng iba.

Iba-iba nga talaga ang  ugali ng tao-pilit nilang iniisip ang mga bagay kung saan sila makakalamang at makaka abuso. Ginagamit ang charm upang makapang gago- heto naman tayo nagpaka tanga na nga- gagaguhin pa.. Iba sigurong alapaap ng kaligayahan ang nararamdaman nila habang they are fooling us- marupok kami, maganda (di mawawala yun) at mahina, huwag niyo naman sana kaming pagsamantalahan..hahahaa.

sa lahat ng mga nalokong katulad ko- You will be rewarded not maybe in love but in some other things, Trust me! God is watching us ( Music start playing) hahaha.

xoxo,

Cliff the star