Wednesday, February 22, 2012

i will always love you whitney!

late post eto- hayaan niyo na.

teary eyed ako ng i flash sa tv na dedu na si whitney houston-
tapos nag flash back lahat ng mga songs niya sa mind ko, yung mga memorize ko pa..

ang mga kanta niyang halos naging graduation song ng mga elementary schools "the greatest love of all"
aminin pinakanta din eto sa inyo ni maam at sir,
naging laman din ang kanta niya sa mga amateur singing contest " i will always love you" "all at once" at marami pang iba.
naging paborito din siyang character sa mga beauty contest ng mga bading..ikaw ang reyna!

the saddest part of whitney's death is we lost an icon,
the true songbird who sings from the heart and soul.
she will be missed by everybody.

sana kakanta pa rin siya sa langit at talunin lahat ng mga nagpapanggap na mga divang anghel dun,
bonggang production number din siguro yun nuh, lumilipad si whitney habang singing galore ang lowla.pati si yung bantay sa gate to heaven, join, duet pa sila!

salamat sa mga panahon na sinasamhan mo ko sa tuwing malapit na ang exam, idle kami ni marky at tomas sa bhaus noon, yosi lang ang sagot sa gutom at antok pero andiyan ka kumakanta parin.di man tayo close pero you're always there,i will always love you whitney!

push yourself into limits

kalowka ang demand sa work, ang daming kong headache.
paperworks dito, concerns and refers dun,
issue and reaction sa sulok, ahh basta..daghan kaayo!
sinusubok ang tibay ko, ang ganda ko.
pero di ako patitinag, kaya ko to! darna! loka!.

but still sana mabasa to ng boss ko na at mapagtanto niya na 
i am  working so hard for the welfare of our company,
that i strive hard to be the best and to handle my department well.
i am willing to extend my time and effort to ensure that everything is right,

pero parang ayaw niya yata maniwala,
wala akong paki alam,
basta gagawin ko nlang ang best ko..
gagawin ko ng tama ang trabaho with grace and composure!
isasa ayos ko ang lahat ayon sa nararapat,

kahit dun man lang makabawi ako sa pasweldo nila sa akin na di naman kakarampot, sapat lang!bwahah


basta bahala na, update nlang kita soon kung natanggal nako.bwahaha


Saturday, January 7, 2012

Sarimanok Pep Squad in Showtime

The NDDU Sarimanok Pep Squad represented  the General Santos City  in ABS-CBN Noontime show; Showtime with its new dance theme: The Campus Clash.

Cheerleading ang ganap ng grupo.With their unique look, they presented the routines and skills neatly and perfectly sa madlang people. Kakaiba sa ipinakita ng dalawang naunang Gensan group, ang XB Gensan and True colors, both are showtime grand champions.

Dream come true to sa grupo na gustong gusto ipakita ang wagas na tumbling, summer salt and kung ano pang anik anik na skills sa cheerleading. They have the talents but more importantly they are embodied with the values na nakuha nila sa alma mater namin at eto ang gagamitin nila to win.I'm proud to be Damean!

"Kinakabahan tlaga kami while doing the routine kasi Showtime na iyon eh, on National TV yun, so nakikita kami sa buong Pilipinas at buong mundo,and we did it on daily, at sana magtuloy tuloy na ito" text ni Meg Pontino, isa sa mga girls na tinapon tapon sa ere, also who happened to be my friend!

Showdown kung showdown si Oyang Cunanan at Philip "Pipay" Dolera during the sampol,sampol kulitan time ng mga hosts. With Mark dela Cruz as their Choreographer, the group will never do wrong, power talaga at super like ng mga hurado ang performance.

You made me believe that General Santos City is truly a Home of Champions!
I'm proud that I was once part of the squad, proud friend din kasi friendship ko yung iba
and thank you for letting me know that dreams do come true!
Go Dameans, Go Sarimanok Pep Squad!

Update: na-loss valdez ang Sarimanok sa weekly finals and the representative from UP(University of the Philippines) got the spot to compete in monthly finals, sayang!but its ok guys! may wild card pa!.experience is worth remembering, you are still winners in our hearts.

Photo credit:Thank you to Roger Doronila, harbat na naman ako sa google.I will post pictures with captions later wa pa upload ang mga fab friends ko!

Tuesday, January 3, 2012

Bagong Taon, Bagong Ako

 2011 has ended gracefully for me.
may mga pagkakataon talagang di ko hawak ang oras at bawat pangyayari sa buhay ko.
masyadong masaya, maya't maya masyadong malungkot naman,magulo-ngunit nakakatuwa.

tumawa ako,umiyak,umibig,nabigo.
uminom,isinuka ang ininum,gumanda at sumuper ganda,
sadyang ganyan nga tlaga!echos!hehe

marami silang naging karakter sa kabanata ng buhay ko,
may mga dumating, nagpakilala,
umalis agad, ngunit iyong iba,parehong itsura pa rin ang ipinapakita.

may mga di ako tanggap, nanlaet,nangutya,nanglibak,
bad words are carried by haters,spread by fools and accepted by idiots,
di ako idiota kaya wala ko'y L (labot!) wala akong paki alam sa kanila,.

may mga humanga, uma-apreciate,sumaya,lumigaya,
i guess one of my purpose in this world is to make people happy
hala! tawa lang.
kung maka-clown ako,wagas!bwahaha

 eto ang mga highlights ng taong 2011 ko, ang mga nakakawindang na mga pangyayari,hehe..exag lang!

 1.naging junior buyer ako,
kajoin sina jayzel poncardas,maricel hernandez,
mayenne cagas,ace amoguis,vinice mae vista and dina sanchez
kasama kong mga junior buyer

2. ang multi tasking, trabaho jud neh!

si princess at ako nakaharap sa mundo,kinakailangang kumita para sa pamilya.






















3.mga undying friends na, all the times anjan!madami pa yan sila di na magkasya sa oktyur!

mag friends na kung makafashion till death!hehe














4. siya na na yung anu, yung xa nga!

siya na ang wapak ng taon ko!!!!
5. and lastly ang cliffthestar.blogspot.com
naging takbuhan ko eto sa mga sandaling nagdadrama ako sa buhay, i shared also my happiness here ng bonggang bongga! nakakabasa din ako ng mga comments na galing sa mga taong may malaking tiwala at pagmamahal sa kin, dont worry i will keep this fire burning, burn for me baby! bwahaha..
1 year and 2 months na xa,yehheey!!!!


I trust God of what He has in store for me for 2012,

padayon lang cliff,
ginhawa kung kaya,
piyong lang kung sakit na,
katawa kung ganahan ka.

As my life story was being written by God before my eyes and thoughts,
I commend Him everyday for the job well done!

Wednesday, December 28, 2011

merry christmas everyone!



pasko na naman, give love on christmas day, its the birth of our Lord, The Savior.
It's time also to share what we have to people who need more help and love.

Happy naman ako na cenelebrate ko ang christmas with my family and extended family(lola,tita and tito, cousins and inaanak from surigao who came to celebrate with us.
birthday din kasi ng loving mamang ko, so double party siya,

of course di ko kinalimutan na magshare because that's the true meaning of christmas,
me and my officemates shared some of our clothes to our dear brothers and sisters in remote area in saranggani province, they are b'laans.my tita imelda agreda who was the brain and the action of these good deeds.

we even extended our help to all the victims of typhoon sendong- we able to dole out some of our things to them.lets pray for all the souls  and they may rest in peace. and to all who are still surviving everyday and to all   who lost their love ones, may God Bless them and shower them blessings for the upcoming years.

we should give love on christmas day as the popular song goes! merry christmas everyone(kahit late na) and happy new year!

si mister right na sana

nakailang relasyon nako in my 24 years of existence, may
fling, may pang overnight lang, may umabot ng isang taon at
may sa text lang, ewan ko ba kung baket ang lahat ng eto ay di
umabot sa pangmatagalan, panghabang buhay ba.

hahay,may mga ibang lalake nga naman talaga, walang
konsiderasyon, manhid at puro sarili lamang ang iniintindi.
basta ang importante sila ang dapat mong
atupagin at wala ng iba.mga pakenshet tlaga.

di ako BITTER, ang gusto ko lang yung matinong relasyon at
hindi huwad, yung totoo ba. kasi kahit ganito ako kakengkoy, 
I deserve to be loved by someone,yung rerespetuhin at
mamahalin naman ako,yung ako lang at wala ng number two.di
po ako stuff toy na kung kelangan mo ng ka-hug anjan na, di
din ako stand up commedianne para pasayahin ka sa mga
oras na malungkot ka dahil binalewala ka ng iilan at higit sa
lahat di po ako taga PCSO dat if you need a help or
assitance in some of your life problems/crises anjan agad
ready to serve you! wala na nga tlagang matinong lalake sa
mundo.

eto ang mga iilang di matinong lalake na alam ko siguro lover
mo.




1. si mr.problematic- siya yung lahat na ng problema sa
mundo pasan niya- away sa pamilya,pano gumawa ng
resume,walang pangbayad sa traysikel, palpak sa trabaho,
nwalang gamit ng kapitbahay at di maubos ubos na buto ng
aso, and worst sinabi niya lang yung problema sa iyo na wala
man lang update na aksyon on how to solve d problem.ikaw
naman,sensitive ka to help him, lahat gagawin mo hanggang sa
ikaw na ang dakilang jowang lukaret dahil sa problema niya.

2. si mr. katrina halili- ang lalakeng di makuntento sa isa, gusto
pakyawan.yung lahat ng barkada mo jinowa na niya, at may
jowa din siyang iba.plus kapag dinapuan na ng kati- ayan na
parang higad na kakantot sa iba.hahay.magkasakit sana ang
mga katulad niya!

3.si mr. controller- siya dapat ang masusunod sa lahat ng
bagay, sa anung kakainin, saan pupunta pag nagdate, ang
susuotin mo, ang movie na panonoorin na ikaw naman ang
nagbayad ng movie ticket,  ikaw na lover ay parang aso na
susunod nalang sa knya, para wala ng gulo.

4.si mr. wala - mabuti pang wala ka nlang jowa kasi parang wla
lang din,boyfriend mo siya kapag ka anjan siya pero kapag
 wala nman wala lang din. kayo kapag nagkikita kayo-no text,
no call, no talk, no pressure! as in wala. wala tlaga!hehe




5. and lastly si mr. scheduler-he has all the right to maneuver
the relationship-yung hawak niya lahat ng oras, kung kekelan
uuwi after the date at kung kelan ulet magkikita, wais na siya
sa alibis and reasons na sasabihin niya sa iyo,kesyo may work siya,
family gathering and batch reunion, in the end, di mo na
namalayan na kaya pla siya schedule ng schedule kasi para
alam niya kung kelan at saan ipapasok si  number two, three,
four,sixteen-ang mga kabet ng poohtah!

ewan ko ba kung baket di ako swerte sa relasyon, bilang
siguro nga di pa siya handa para makilala ako. di ako
mapapagod to go out and get to know more someone and
mag imagine na baka siya na  ang nakalaan para sa akin. try
lang try! dibah?madedepress lang din ako kapagka nasaktan
na.bangon ulet, meet someone ulet tapos imagine
ulet!hehehe,,paulet ulet!.


photos: di tlaga sila yan, representation lang yan..hehehe,ayaw'g kakulba.

Tuesday, December 6, 2011

rey valera

it was unexpected, it's rey valera!
THE LEGEND yan!,
halos magtatalon ako sa tuwa, when my friend arthur fermo introduced me to my idol sa suncity complex,gensan, gma event xa ehh actually.
 salamat ferm huh! thanks sa VIP treatment!

sobrang saya ko,
ang kanta niyang halos naging theme song na ng buhay ko,
i admire the sincerity ng mga kanta niya, tagos sa puso at diwa ko.
naging winning piece ko xa sa inuman, videokehan, sa kadramhan at pati na rin sa mga malulungkot na araw ng buhay ko,

 (di nga lang nice pic but still i cheerished!)


salamat idol !