Friday, December 27, 2013

Reunion na naman!

Pagka ganetong tapos na ang pasko, lahat ay parang bored na at di alam ang gagawin. yung iba nagkukulong nalang sa kwarto at inuubos ang atay nila sa kaka alak! kaya may matalinong naka isip na mag REUNION- eto yung magkita kita ult ang isang grupo ng kamag aral, kaibigan, kapamilya, ka tribu at ka-mukha na nagkahiwalay ng mahabang panahon.Pagkakataon na din eto upang magkamustahan chever at maka usap yung dati mo ng naging kaibigan, ka crush at ka inggitan. It's best time also to stay in touch with the person who was part of your life.

sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.

eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.

1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin  ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.

2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-

3. Huwag kang paranoid!-  dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.

To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.!
Reminders:
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.


that's all.


Keep shining,

Cliff the star!

at amadeo's pool lagao with the junior buyers

at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all.




Tuesday, December 17, 2013

Typhoon Yolanda Stories

Matapos ang mga nangyari sa bansa natin dahil sa Typhoon Yolanda- The greatest disaster on Earth this year(nagka record pa ang kumag)- eto ang Pilipinas ngayon, bumabangon!

Watching news about the typhoon really broke my heart, that's why i decided to help. Thanks to my friends for picking up all my packed clothes and deliver it to ABS-CBN Gensan. but there are  lot of stories that really amazed me and inspired me to be a better person.

1. Love Añover- Reporter ng GMA News- isang media personality na nasaksihan ang tunay na pangyayari doon sa Palo-Leyte habang nagcocover- madaming namatay, madami ang nasugatan pero si Love buong tapang na inihatid ang balita upang makatulong. Bilang ganti din niya sa mga taong tumulong sa kanya-binalikan niya ang mga eto at pinasalamatan ng personal-ang driver ng van, driver ng single motorcylce, ang mag asawang nagpa inum sa kanya ng tubig na kahit na halos ginto ang katumbas neto nung panahon na iyon at ang dalawang magkapatid na inalalayan siya.Mangiyakngiyak si Love habang nagpapasalamat sa mga eto- ako din umiiyak habang pinapanood ang programang Kapuso mo Jessica Soho.

2. Bianca Gonzales- Ginamit ang kanyang pagiging sikat sa Social Media upang maghatid ng tulong at mang engganyo ng iba upang tumulong na rin. Na touch din ako dat she featured a lot of Yolanda stories too in Instagram and twitter. like students creating greeting card to inpire other victims, the two old lovers na di nagpatinag sa sitwasyon bagkos mas lalo silang nagmahalan sa kabila ng katandaan.Sinulatan din ni Bianca ang bawat lata ng sardinas ng mga salitang magpapatibay sa mga nasalanta ng bagyo. She is really a Super Bianca!

Divine Lee- She is beautiful in and out. She is really a Queen to help others. She used her connections to be able to give to the victims the reliefs and needs. No make-up , No high heels but still i find her beautiful and stunning on her effort to volunteer. mabuhay ka Mother!

3. Anderson Cooper- di nmn dadagsa ang tulong sa bansa kung wala ang International Media that really magnified the situation of Philippines to the world. Pinakita niya ang sitwasyon at humingi na rin ng tulong sa iba para sa mga Pilipino.

4. Volunteers- mga Foriegner na iniwan ang trabaho at pamilya upang tumuolong, kahit ang iba sa kanila nabiktima ng bagyo at  pa ng mga pagnanakaw katulad nung cellphone na nagselfie pa ang salarin. Sila ang tunay na bayani na di na kailangan pang gawan ng istatwa at ilagay sa pedestal, isang I.D lang nakasabit sa leeg na may katagang VOLUNTEER- dama kong irespeto at mahalin kita. Salamat.

madami pang mga storyang naganap at nabuo sa Typhoong Yolanda, marami ang sad stories ngunit kinakailangan nating basahin at pahalagahan ang masasayang storya na nagmula sa isang masaklap na trahedya-habang buhay kung ikekuwento at di ako mapapagod na ikwento eto sa bawat taong magtatanongsa akin neto. Mga kwentong kapupulutan ng aral at leksyon and to inspire each of us to do good. Be a good karma will come closer to these people.


keep shining,

cliff



Wednesday, November 6, 2013

Custome/Halloween and Apple McBurney's Bday 2013

Cliff the star as  A Sea Princess, ahaha este Ship Captain pala, Thanks to my Bro for dressing me up and even suggesting best accessories for this look. I won as the Best Costume! yeheeyyy!

Meg Gonzales as Bunny Playmate/Pornstar XXX, Janna Punzalan as Supergirl-she also won as Female Best Costume, and Poncia Glaiza Acharon as Thumbelina for the first outfit.

Philip Dolera as Army Bitch and Pinky Doyle as Sea Ferrer

Thomas Marlowe Nadera as Rockstar, Poncia Glaiza Acharon on her second outfit as Lucifer's Princess and the birthday celebrant Apple Joy McBurney as Lady Pirate

Jefrey Baguio as Rover Scout, Joze Mc cotap Abangan as Budoy and Aivonne as Flight Attendant.

 We spent our long vacation in Greenleaf Hotel, General Santos City, thanks to Apple who foolishly booked the two rooms because it's her birthday.ahhaa
Theme party is fun. It will let you think and brainstorm for the best dress or look you want to be.It was the  funniest costume party I attended ever.
I love to see a lot of  friends wearing different outfit and they are so experimental yet gorgeous.
It doesn't mean that it's Halloween you will stain your body with red liquids to appear as blood and be so ugly to become a manananggal or diablo. It's your time to be beautiful as well and to shine to this kind of theme party!
I promise to organize an event like this next year, of course I will invite a lot of people to come with us and to get to know more of party goer like me.Sana madaming sponsors!

See you next year Everyone.

Keep Shining,
Cliff the star

Smile Magazine October 2013 Issue

My Flight Attendant Friend ,Eunice Grace Sanchez of Cebu Pacific- Very proud of my pic on the mag. ahaha. thanks nice! mwahhh

mabuti nlang may flight ako nun pa gensan and i was so very happy na tingnan ang actual mag with my pic on it. ang saya! ang lakas maka artista! ahaha I represented Gensan pa talaga..Ako na ang bida!
Ever since kapag ka sumasakay ako ng plane, lageng Cebu Pacific yan. haha dahil sa it's a budget airline at nagtitipid ang kumpanya namin subok namn talaga ang serbisyo nila sa tao para dalhin ka in all destinations.
Minsan may mga bad record nga lang sila tulad ng

1. delayed flights- kelangan lang abesuhan ang mga pasahero para iwas gulo, di mo nmn din kasi mapigilan ang iba sa galit nila. OA nman kung minsan. Basta ako I received a text from them saying na madedelayed ang flight or cancel flights kc nagpaparlor ang pilot! ahaha

2.Nagkaproblema sila sa paglapag nila sa Davao City- ahhay sana di na maulit.yun. perwisyo yun. pati Gensan Airport, nagkagulo. dito kasi lahat ng pasahero pumunta.

3.Walang free food. ahhaa- dahil nga sa budget airline sya-naka cost cut din ang food sa knila-pero pwede ka namn omorder eh, yun nga lang ang mahal! ganun talaga. eh walang sari-sari store sa langit eh, eh kung meron lang sana dun nako bumili ng tubig at chippy, hahaha

Ako ang bida ng Gensan noong October Issue ng Smile Mag. I'm super proud. Salamat sa lahat ng nagpapicture kasama ang mukha ko sa mag. You're a fan!. charrrooot..

Shine bright,

Cliff the star



Wednesday, October 16, 2013

#PrayforVisayas

It was early in the morning of Oct. 15, 2013 when my mom prepared breakfast for us since they don't have classes because of it was Special Holiday.( ang English! ang arte arte ahah!)

So best in chika kami ni mader about buhay buhay, ng bigla akong nahilo-susme lumilindol pala!
withount any idea na sa kabilang kapuluan pala ng bansa specifically Bohol na 7.2 Magnitude na lindol pala ang suffering nila. di ko kaya!- alog pati utak ko nun! Nakakatakot.

ang resulta= mga bahay na nagiba, mga gusaling halos humalik na sa lupa sa pagkabagsak at ang mas masaklap, may mga buhay ang nawala. Totoo ngang wala tayong kawala sa kunting hagupit ng kalikasan.
Nakakapangilabot na makita sa telebisyon ang mga nagyari sa Bohol at Cebu.
photo by: Raymond Racaza shared to ABS-CBN.

Sa mga pagkakataong eto, aminado akong di ko rin alam kung anung gagawin. ngunit magsisilbing aral din eto sa lahat upang matoto at maging handa sa ganitong kalamidad.

1. Siguraduhing alam mo ang palabas ng building at establishments at gawin ang natutunan sa mga Earthquake Drill.-Huwag maging mangmang. Maaring ikakapahamak mo pa ang eto.

2.Huwag magtutumili-nakakadagdag stress ka sa iba kapag ka ganun. Grace under pressure ika nga.Huwag kang magpakita ng takot at kaba, but feeling ko obvious na yan sa mukha ko if ever andun ako. kunting deformities lang sa itsurako halata nang takot ako.!

3. Agad na ipagbigay alam sa pamilya at kamag anak ang iyong kalagayan. Magtext,Line, viber or wechat ka o tumawag sa kanila to inform them that your safe or your stuck somewhere. Malaking bagay na iyon para mapanatag sila.

Alam kong matibay tayong lahat na harapin ang hamon ng buhay, ngunit mas di tayo patatalo at babangon pa rin tayo upang suungin ang bagong bukas, tiwala lang sa Maykapal.

 Psalms 23 "Even though I walk through the darkest valley, I fear no evil for You are with me"

Before: Nakunan ko pala ang Loboc Church when I visited the Bohol. I admit na amaze talaga ako sa ganda niya, parang feeling ko everyday Linggo ng Wika dito bcoz of this old historical church.
May tsismis pa nga si kuya driver sa amin na kaya pala may unfinished bridge jan sa harap nang simbahan kc may yamashita chuchu treasures sa ilalim ng simbahan na ibinaon ng mga pari, so lalagayan ng tulay para may mas rason na gibain yung church! brilliant idea ni Marcos daw. chismis nga nuh!?




Ang Loboc Church pagkatapos ng Lindol. Nakakapanghinyang na di na makikita nila Chivaz (pamangkin ko) ang ganda ng simbahan na to. Oh see, tingnan nyo yung mga taong nagkukumpulan, curious din yan sila sa Treasure. Baka nabuwal ang lupa sa loob atd lumabas ang gintong statwa.Peace!


at Baclayon Church with Manila and Gensan Oracle Team, BIYAHENG bohol as get together namin. Ang saya tlaga!Ang ganda ng lighting namin dito, natural ang ganda.
Emotera! eto yung harap na part ng Baclayon Church na nasira,sayang!


 Tumulong sana tayo to share something to people who are suffering with these calamities. Maging inspirasyon sana tayo to help everyone.Let's pray for Visayas. God Bless Philippines!


Take care and Pray,

Cliff the star

Friday, September 27, 2013

Pinoy Big Brother 2013. Pwede na ba ako?

I'm an avid fan of Big Brother Show in the Philippines,the Pinoy Big Brother!
Para akong chismosang kapit bahay na pinagchichismisan lang ang mga housemates.
 Since nagpahinga ng ilang taon ang program na eto at kung anu anong singing contests ang pinalalabas nila-na nakakaumay na. at sa wakas magbubukas na ang bahay ni kuya.,
 ang tanong sino sino na namn ba ang magiging housemates.

My friends, workmates pati na nga tambay sa amin eh gusto akong mag audition for Kuya' housemates.
eto ang mga dahilan ko kung bakit ayaw ko.

1. I will be scrutinized by public- ayoko nman maging sawsawan ang buhay ko at huhusgahan lang ako base sa nakikita nila on tv.

2. I don't want to be a 24/7 stuff- Hello Philippines and Hello world, ang nanood ng palabas na eto- lahat ng galaw ko, kilos at salita ay may mga matang nakabantay- we are all judgmental in many ways.

3. I'm not a good follower- andaming task, kung anu-ano nalang ang pinapagawa ni Kuya or ng mga galamay niya- Mag iinarte lang ako, at maiinis ang taongbayan sa akin- and the bottom line- mamimisjudged ako ng tao at ng mga co-housemates. eh - maaga ma eevict ang lola niyo! ahahha

4. I hate asking favor to people- Textvotes ang pinakamatibay na sandata mo upang mas lalo kang tatagal sa loob ng bahay. Di nga kami mayaman diba?so paano ba ako magsta-stay dun? hanggang saan at kelan yung suporta ng mga friends ko sa kin? tapos habang buhay ba ko magpapasalamat sa kanila for the loads they invested for me? kakastress yun ahh. ahahha

5. And lastly, the life after being in the house. what's the program has in store for me after kong bibitawan ang trabaho ko. They could promise a house and lot for me even I am evicted at di mananalo? paano ako magsisimula ulit after trying to be the big winner. Magiging artista na ba ako? Parang di yata ahh.Mahirap  yun.

I know I should be a risk taker and don't think too much . Joining the contest is not only to earn money but to gain experiences inside that will teach me to be strong and determine
to attain my goals. I have a full respect to all housemates who gave up their jobs, left their families and loved ones just to be a housemate. It's a once in a lifetime opportunity. Pero parang di nga talaga pwede sa akin eh- ikaw baka pwede sa iyo!

Hayaan niyo, pasa saan bat diyan din tayo pupunta-to be a star! emote lang! hahaha
with melai cantiveros and jason francisco in gensan - the show that i hosted- hanggang host nlang ang kaya ko.hahaha

Love lots,

Cliff

Wednesday, September 25, 2013

I'm Back!!!

oh no, i lost this site for almost a year and it feels like a decade, mahal ko to eh. eto ang unang blogsite ko and it's so very important for me.mejo may pagka tanga talaga ako kaya di ko na alam at maalala ang password nito. Nganga talaga.buti nlang na retrieve ko pa siya. thank you talaga

hahay i will continue do all the things that i love, isa na itong blogging..
ang saya ko!
super talaga. ang dami ng nangyari sa buhay pero hyaan niyo ire-recap ko sa inyong lahat.
avid readers! (kung meron man) ahhaa. dis is it! dis is really is it, is it! ahhaha.

eto na ang umpisa ulet ng pagababalik ng star!
dito sa blog na eto- bida ako! artista! kontrabida!, kawawa, may masyang moment at minsan nmn may malungkot at paghihiganti-sabi ko na sa inyo na may pag ka Lavinia ako ehh.

well i will let you again discover the real me and enjoy my endless journey to reach the stars.
and included on that journey are the funny and dramatic stories that will surely meaningful.

It's me Cliff the Star!
mwahhh i love you cliffthestar@blogspot.com


Friday, February 22, 2013

FREE Show: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo in Gensan


A Post-Valentine's Day Show with Bea & Zanjoe


Bea Alonzo and Zanjoe Marudo will be in in Gensan. Yes,! The real life lovers will be having their Post Valentine's day Show in KCC Convention and Events Center on February 23, 2013 at exactly 7:00 pm.

kung kasing ganda ko si bea- wala lang! normal lang.hahha
Exchange your receipt (single or accumulated purchase worth P 1,000 from KCC Department Store ) for a FREE ticket.

So anu pa ang hinihintay niyo? go na! may nashopping ka na, may free tickets ka pa. 

For more information visit www.kccmalls.com

watch kayo ha, kahit na di na ako ang host!sad.

Everything's here at KCC, for you!

Wednesday, February 20, 2013

how i survived the valentines day

ang dami kong hearts sa damit ko haha para sabihin nilang in love.
top: surly from bangkok
pants by hilo from bangkok
shoes by native


valentines day is the hardest time of the year- this is the time that you will think and feel it to the bones that you are alone.no lovelife-no partner!masakit man pero tanggap ko!huwag mo namang ipamukha pa sa akin.

while everyone was busy holding hands with their lovers and kissing until there will  be no saliva left,- ako?, nag ngangangawa magisa-i dont know what's the reason why we should really emphasize this day-bakit may mga flowers, cakes and chocolates silang dala!?-pwede nman wala . 

araw araw nman pwede mong ipadama yung feelings mo sa minamahal mo!pero bakit kelangan may araw na valentines day talaga!? 

sino ba ang may gawa nito at isusumpa ko!hahaha (evil laugh)



kidding aside, eto ang mga ginawa ko upang malampasan at kunyaring di ko maalala ang araw ng mga puso.


una- kunyari nagpakaworkaholic ako-andami kong ginawa sa office, lahat na nga siguro 

na pwede kong gawin natapos ko na. at lahat ng tapos ko na, ginawa ko nmn ulit-napagod nga ako pero 
cge lang.laban lang.

pangalawa-nagtxt brigade ako sa mga friends na single din. di din pla sila lumalabas ng bahay kasi 

affected din sila sa araw na eto-para bang malulusaw sila na parang kandila kapag ka may nakitang masyang lover sa harap nila-hahay!

pangatlo-nilaro ko nlang ang mga pamangkin ko-sila 

kunyari ang dates ko-nakita ko din ang advantage ng ingay at harot nila sa kin-thanks at anjan sila-

bitter na kung bitter!

sana nextym huwag nmn 
masyadong i sensationalize 
ang valentines day-kawawa 
nmn kaming walang jowa.kaloka!

my mama and papa for thier walts haha.pina inggit ako ng dalawa. sweet nman tlaga ang tatay ko, ganyan niya kamahal si mamang, di siya nahihiya to show his love to her..i love you both!



thanks ralph aresgado for this cute blue rose. sinorpresa mo nmn kami-lalo na ako.
o cge nextym dapat meron na ko.cge na nga Belated Happy Valentines Everyone, sorry late post!

Monday, January 14, 2013

ideal vision kcc mall

Free eye check-up at ideal vision kcc mall of gensan 2nd floor.
bongga diba?! tapos eto pa naka clearance sale sila, up to 10 to 40% and discount of some items.
san kapa libre na yung check-up may discounts pa. ipamigay niyo nlang kaya?!

well, una may mga series of eye testing-
una nilagay ako sa parang machine na tinitingnan ang mga eyeballs ko-may muta yata! haha

sunod, pinapabasa ako ng letra, yung pang grade one tlaga-
then, colors naman- kulang nlang itanong ni ate kung anung kulay ang bet ko sa contact lens na ipapagawa ko.hahaha

next pinatayo niya nako-habang suot suot yung testing lens-
" nakakakita na ako! salamat po sa iyo!" haha-trip lang-

so ayun ang resulta- near sighted ang dyosa! kaya pala di ko makita yung mga cute-dapat pla closer!
lefet -20 yung right eye ko nman -50 so mas malandi si right kasi siya etong may mas malaking negative-

naghanap nako ng frame na bagay sakin at yung lens na prepare na dun,
after one hour! presto! may new reading eye glasses nako!


von voyage maria!

von voyage madam,she's maria susana corsit-my sister!

she's leaving far away from us,
this sweet lil girl really need to spread her wings to fly, to discover her potentials and be strong enough to be alone and away from us.

"laban besh, laban gurl!" said chivaz.
be a good girl.
denmark is just a skype away,
be strong.
of course, be pretty.

we'll see each other soon.
we love you!


love lots,
 cliff