Tuesday, December 17, 2013

Typhoon Yolanda Stories

Matapos ang mga nangyari sa bansa natin dahil sa Typhoon Yolanda- The greatest disaster on Earth this year(nagka record pa ang kumag)- eto ang Pilipinas ngayon, bumabangon!

Watching news about the typhoon really broke my heart, that's why i decided to help. Thanks to my friends for picking up all my packed clothes and deliver it to ABS-CBN Gensan. but there are  lot of stories that really amazed me and inspired me to be a better person.

1. Love Añover- Reporter ng GMA News- isang media personality na nasaksihan ang tunay na pangyayari doon sa Palo-Leyte habang nagcocover- madaming namatay, madami ang nasugatan pero si Love buong tapang na inihatid ang balita upang makatulong. Bilang ganti din niya sa mga taong tumulong sa kanya-binalikan niya ang mga eto at pinasalamatan ng personal-ang driver ng van, driver ng single motorcylce, ang mag asawang nagpa inum sa kanya ng tubig na kahit na halos ginto ang katumbas neto nung panahon na iyon at ang dalawang magkapatid na inalalayan siya.Mangiyakngiyak si Love habang nagpapasalamat sa mga eto- ako din umiiyak habang pinapanood ang programang Kapuso mo Jessica Soho.

2. Bianca Gonzales- Ginamit ang kanyang pagiging sikat sa Social Media upang maghatid ng tulong at mang engganyo ng iba upang tumulong na rin. Na touch din ako dat she featured a lot of Yolanda stories too in Instagram and twitter. like students creating greeting card to inpire other victims, the two old lovers na di nagpatinag sa sitwasyon bagkos mas lalo silang nagmahalan sa kabila ng katandaan.Sinulatan din ni Bianca ang bawat lata ng sardinas ng mga salitang magpapatibay sa mga nasalanta ng bagyo. She is really a Super Bianca!

Divine Lee- She is beautiful in and out. She is really a Queen to help others. She used her connections to be able to give to the victims the reliefs and needs. No make-up , No high heels but still i find her beautiful and stunning on her effort to volunteer. mabuhay ka Mother!

3. Anderson Cooper- di nmn dadagsa ang tulong sa bansa kung wala ang International Media that really magnified the situation of Philippines to the world. Pinakita niya ang sitwasyon at humingi na rin ng tulong sa iba para sa mga Pilipino.

4. Volunteers- mga Foriegner na iniwan ang trabaho at pamilya upang tumuolong, kahit ang iba sa kanila nabiktima ng bagyo at  pa ng mga pagnanakaw katulad nung cellphone na nagselfie pa ang salarin. Sila ang tunay na bayani na di na kailangan pang gawan ng istatwa at ilagay sa pedestal, isang I.D lang nakasabit sa leeg na may katagang VOLUNTEER- dama kong irespeto at mahalin kita. Salamat.

madami pang mga storyang naganap at nabuo sa Typhoong Yolanda, marami ang sad stories ngunit kinakailangan nating basahin at pahalagahan ang masasayang storya na nagmula sa isang masaklap na trahedya-habang buhay kung ikekuwento at di ako mapapagod na ikwento eto sa bawat taong magtatanongsa akin neto. Mga kwentong kapupulutan ng aral at leksyon and to inspire each of us to do good. Be a good karma will come closer to these people.


keep shining,

cliff



0 comments:

Post a Comment