Tuesday, March 25, 2014

Ako at si John Lloyd Cruz in Gensan

STAR and John Lloyd Cruz, si POPOY!!!
Nasa Gensan si John Lloyd Cruz- dahil sa Biogesic at KCC Mall of Gensan.

Si John Lloyd na pinangarap ng lahat ng mga babae na maging asawa,
at maging jowa na din ng lahat ng mga bading na pa-men!haha

Iba naman talaga ang karisma ng aktor na eto.
Naalala ko pa sabi ng Nanay ko with feelings huh! " Wala na akong ibang crush si John Lloyd Cruz lang talaga" Hay naku, ang nanay ko lumalandi talaga!

Here comes the invitation from EPA (Events, Promotion and Advertising) Group of KCC Mall of Gensan and It's a BIOGESIC event too.

Wala ng hesitations, go agad akengkang! Si John Lloyd na yan oh! Cliff,huwag akong choosy!

On time siyang dumating sa backstage,
Nakita ko siya sa simpleng polo at pantalon lang,
di ako makahakbang, di ako makapagsalita.
Ang gwapo, ang kinis, ang tangkad, ang sarap!

So bilang host ng event, nagpakilala agad ako,
"Hi I'm Cliff" sabay ko siyang kinamayan.
ang lambot ng kamay, ang bango.
i'm now enjoying the advantage of being with celebrities, yung up close and personal ka sa knila.

Back to work,
"Ladies and Gentleman, Mr. John Lloyd Cruz!!!"
Nagsigawan ang lahat, pati si lola nahalata kong ini angat ang medyo nalaglag niyang panty nung nakita sa stage ang gwapong aktor!
Di sila magkamayaw. May natuwa, naiyak at nagtitili! OA ang iba- labas hasang at ngala- ngala!

Di ko din namn sila masisi, magaling nga din namn talaga siya.
Kaya tama na siya ang kinuha ng BIOGESIC bilang endorser ng kanilang produkto.

Biogesic is the most prescribed Headache and Fever brand that's Effective and Safe.
 Ingat na damang dama!

Thank you Unilab , KCC Mall of Gensan and Biogesic for this nakaka- star na moment with Popoy!



Front Act ang dating  Child Actress and now the Rock Diva Isabel De Leon in Gensan- ang galing! at ang bait. nagpakilala agad siya nung dumating. stay humble dear!



Shine bright,

Cliff the Star





Wednesday, March 5, 2014

Thom's Pink Birthday Party

(late post)

I helped to organized this bonggang event! Thom's Pink Birthday Bash
February 10 was my super friend Thomas Marlowe Nadera's Birthday Party.
As usual with his help, we've created a birthday-themed-party!

And Pink ang nagustuhan niya ( para di daw masyadong bading and theme) hahaha. baket nga ba hindi diba? Push na yan!!!

well kahit anu pa ang purpose, Pink is the perfect color for being happy and gay!

Thom and I were friends since college.
Naalala ko pa nung times na yun,He was there during my audition as a cheerleader for a squad, and he is a senior member- ang taray! sila ang peg!nakataas ang kilay nila at parang ayaw nila kaming maging part ng squad, well that's the trick. kaya ginalingan ko! chuk, tambling dito, sayaw dun, nganga at walang humpay na dance moves ang tinira ko! halos matanggal na nga ang upper body part ko sa pinag gagawa ko noon just to be part of their team! and Sarmianok Pep Squad ng Notre Dame Dadiangas College.
I made it to the cut! and the rest as they say is history. dun nagsimula ang tunay na friendship!

magulo at masaya kasama si thom.
when u say Thom- unang maalala mo tlaga si Anne Curtis, and he is proud Annebisyosa fan!
Minsan nagconcet nga si Anne Curtis sa Gensan- excited siya! at talagang na engganyo nya kaming manood at bumili ng tikets- support lang go!

Akala ko nga after graduation namin, that's the end of it pero mas tumibay at lumakas ang friendshippey namin. natuwa naman ako. at siguro wala na ring choice! ahahhaa

Our friendship became stronger and better , that we end up like siblings.
I love him and he's the one who will let me feel that I'm special.
tama na, ang drama ko na!
Thom Nadera, Janna Punzalan, Jover Asentista, Ian Chua, Meg Pontino, Pepay Dolera , Marlon Quizon and the Star!

Thom, I thank you for the years of friendship.
You're always my cheerleader and superfriend!
I will always count the years that we will be together.
More party, more crying moents at higt sa lahat more laban pa together!
may mga tantrums ka sa buhay at kaartehan pero patuloy ko pa rin etong iiintindi
nakasuporta lang ako besh.


More birthdays to come! and next year- Yellow na naman ang theme- para Cory Aquino ang peg! hahaha

Love lots,

Cliff the star


Pink Ladies! Party Girls: Meg Pontino, Jana Punzalan, the Star, Poncia Glaiza Acharon and Jam Jimenez

Saturday, February 15, 2014

#Jones - 2

JOOOONNNEESSSS!!

"ang di ko alam kung baket akoy baliw na sa iyo.
sa bawat letra ng pangalan mo ay di ko halos mautal.
di kita masyadong kilala pero gusto kita.
wala ng hihigit pa sa nararamdaman ko para sa iyo."

the weird thing of being in love is that I became a poet.
totoo ngang nag iiba ang anyo ng nagmamahal.
iniiba ang bawat kilos at galaw ko
at si Jones ang may dahilan.

Maaring kay hirap tanggapin at unawain kung bakit ang isang taong di nmn masyadong pamilyar ang siyang tunay na magiiba ng buhay mo.
There are lot of stupid things in love na kapag ka iisa isahin koy mauubos ang oras ko.

sa wakas natapos na din ang kalbaryo ng mga single- ang Feb 14.

at paano ko napagtagumpayan etong masalimoot ng araw na eto para sa mga singles?
1. niyaya ko ang mga college friends ko na sina Liza Jane, Liza Jane at Gai gai para mag lunch.(GROUP DATE #1)
50% off ang pncake House Veranza simula Janu- March. Ina avail na nami. at sawing sawi sa mga love songs.. hahay buhay.

2. sinubsub ang sarili sa trabaho at pilit na nagpapaka bulag sa mga nakikitang bouquet of flowers na natatnggap ng mga ka officemates.- bawal ang mgaing bitter

3. niyaya ko na nmn na mag merienda ang aking mga ka -Junor Buyers (GROUP DATE # 2)
Bongga ang Razon's KCC Mall of Gensan well accomodated din kami ni Maam Grace ang Owner.

4. Dinner sa Yellow Cab and Teriyaki Boy with super friends (GROUP DATE #3)

5 PARTY! (GROUP DATE #4)

natapos din ang araw na iyon!

pero ang pinaka surpresa ay ang makita ang aking JONES.(pagmamay-ari ko na haha)
my friend told me he's in the same party club where we're in, and umandar ang gaga moments ko!
hinanap ko siya-di ko halos makita and when i saw him in the far corner of a room,
 he's shining brightly in the middle of d busy crowd.
di ako nkapagsalita- natulala at naging masaya.

nakuntento nlang ako na nakamasid sa kanya sa malayo.
di ko halos malapitan. di ko gusto kausapin.
ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kami.
 it ended up nothing. nganga. naduwag ako.
baliw na nga siguro ako.


baliw,

cliff the star

Tuesday, January 28, 2014

#JONES

nakahubad na si jones dito- ready na! hahaa. sa swimming! panget nya dito pero cutie to in person. give niyo na! push ko to huh!
eto na,

habang ang buong showbislandia ang gulong gulo na of who is telling the truth between Vhong Navarro and Deniece Cornejo and Cedric Lee, ehh eto ako ngayon in love..

kay Jones!

it was just a simple smile lang namn,kinilig na lang ako bigla at sumaya.
naging bisyo ko na halos balik balikan siya dun sa workstation niya- in other words lumalandi- pero sana naman di niya mahalata.
I know this post is so non sense pero hayaan niyo na blog ko nmn to ehh. personal blog ko to nuh.

nakapag praktis na nga ako ng mga lines para sa kanya- out of my gaga moments.

" ang akala kong isang bagay na tapos na ay unti-unting na palang bumabalik- at eto, ang magmahal,
sa bawat pagakakataong iniisip ko kung gaano ka kahalaga dun ko nararamdamang mahal kita,
di ko alam kung san ako magsisimula o kung paano nalang mawala bigla.

sa bawat pagkikita natin, iba ang nadarama-di ako makapagsalita-nililipad ako ng hangin."

ang landi nuh?!hahaha
but by the way, hanggang end of this month ko nalang eto feel. sana i'll be ok if i learn to unlike him.
ehh ganun talaga eh, may gusto kang di ka gusto!
sad moment ko na.

laban lang!

keep shining,

star

Wednesday, January 8, 2014

New Year, New Me!

My life last year was full of surprises, joy and defeats, but still i managed to overcome and ready to face wholeheartedly the 2014.

madaming bagay ang nais kong gawin ngayong taon.sana ma achieve ko sila ng bonggang bongga! kung hindi man, nganga nlang!

1. To strengthen my faith to our Dear Lord God- simba simba din full time.
2. To study hard for my graduate school studies-kelangan ko natoh, dagdag talino.
3. Have more quality time with family- dinner, breakfast, chika at laughing ng wagas.
4. Be a better person by sharing what i have learned and what i have to needy- ang lalim nuh?!
5. Productive- dapat every month may bongga akong pasabog na gagawin- akin na ang dinamita!haha
6. Do more on my job- FOCUS! para more travel this year! Baguio, tagaytay, Ilocos, Singapore, Pluto at Mars.haha
7. More hosting na ganap- dapat this time, big time na nuh, huwag nyo naman po akong tipirin o tawaran- ang hirap kayang magsalita at nakatayo ng ilang oras.naka hashtag alipin ng salapi!
8. Be more in social relevance- be active more in social networking site and spread good vibes always. Inspire others by humor kung meron man.
9. Good health- hinay hinay sa mga bagay bagay.(alak, sugal, babae haha joke lang)
10. Share happiness at all times- eto na siguro ang di ko mamimiss this year.

2014 Be good to me and God please guide me.

Shine bright,

Cliff the star!


Friday, December 27, 2013

Reunion na naman!

Pagka ganetong tapos na ang pasko, lahat ay parang bored na at di alam ang gagawin. yung iba nagkukulong nalang sa kwarto at inuubos ang atay nila sa kaka alak! kaya may matalinong naka isip na mag REUNION- eto yung magkita kita ult ang isang grupo ng kamag aral, kaibigan, kapamilya, ka tribu at ka-mukha na nagkahiwalay ng mahabang panahon.Pagkakataon na din eto upang magkamustahan chever at maka usap yung dati mo ng naging kaibigan, ka crush at ka inggitan. It's best time also to stay in touch with the person who was part of your life.

sa bawat pagtitipon na eto maraming bagay ang ngyayari- may nagiging masaya, malungkot, na bad trip at minsan naging umpisa eto ng gulo. Ganun pa man, the bottomline why we are doing this reunion is to be happy and to express our happiness to everyone we love.

eto ang mga bagay na gagawin at huwag mong gagawin sa reunion.

1. Pumayag ka sa lahat ng gusto ng committee, like sa food, sa place at pati na rin sa theme ng party- bulaklakin  ang suot if hawaiian ang theme at magmaskara ka if beauty contest ang ganap(di ka kc maganda eh) hahaha- if you want to change the theme or the plan, pwes gumawa ka ng sarili mong reunion. ikaw lang mag isa!.

2. Makihalubilo ka, beso beso-handshake-kaway at makipag usap- sa panahong eto para kang artista na lahat ng nandoon sa party eh gusto kang makita at makausap, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa iba. maaring ibalik nila ang nakaraan at magflashback sa kagagahang ginawa mo noong highschool or college pero wala na silang magagawa kundi pagtawanan nalang eto-walang cctv nun teh! kaya push lang-

3. Huwag kang paranoid!-  dahil naiintimidate ka sa mga naabot ng mga ka klase mo noon,huwag mong ikahiya kung anung meron ka ngayon.dahil pinaghirapan mo yan bagkus taas noo ka dapat na sumali at makipag usap sa kanila dahil lahat sila ay proud sa iyo. It's time also to look for connections and network, maaring ang isa sa iyong kamag anak ay Manager na isang kompanya at naghahanap ng tauhan at maari kang mag aplay, Think always the better side of this gathering.

To see someone who's part of your life before is a very touching moment. Cherish it and treasure each single laughter and talk because that's for lifetime.
at Veranza Mall with my bio class super friends- si jailyn constantino, ray nichols dinero, ian pastera and donna javier with kid- sila etong mga naksama ko on my first year in college.nakakamiss.!
Reminders:
1. Huwag lumandi sa ex bf o crush lalo na't taken na sya.
2. Magbayad ng maayos sa reunion fee, hangin nlang po ang libre!
3. Huwag muna magtake out if di pa tapos ang program.mahiya ka naman!
4. Bring always your camera for precious moments! huwag uma asa sa tagging
5. Huwag magbenta at ilako ang products ng avon,natasha at magoofer ng pyramid scam sa gathering.,panira ka lang!
6. Be Participative-jo-moin sa mga pacontest, sayang din ang paremyong sabon at kabo nuh?!
7. Huwag dalhin ang buong angkan pati kapitbahay if class/batch reunion eto-di sila kasali sa budget!
8. Huwag gumawa ng eksena- maaring nalunod na ng alcohol ang mapurol mong utak kaya naisip mong eto ang pinaka perfect timing upang awayin ang iyong kalaban!gawin bang UFC fight arena tong reunion?
9. Huwag kang masyadong halata na pinag uusapan nyo lang buhay ng dati nyong classmate- huwag maging chismosa!
10 and lastly, Be happy.


that's all.


Keep shining,

Cliff the star!

at amadeo's pool lagao with the junior buyers

at Starbucks Gensan with friends from other places Dino Lapiz from Singapore, Jam Jimenez from Denmark, Joan Bansiloy from Manila and Mimoza from Davao- mini reunion din eto eh. miss them all.




Tuesday, December 17, 2013

Typhoon Yolanda Stories

Matapos ang mga nangyari sa bansa natin dahil sa Typhoon Yolanda- The greatest disaster on Earth this year(nagka record pa ang kumag)- eto ang Pilipinas ngayon, bumabangon!

Watching news about the typhoon really broke my heart, that's why i decided to help. Thanks to my friends for picking up all my packed clothes and deliver it to ABS-CBN Gensan. but there are  lot of stories that really amazed me and inspired me to be a better person.

1. Love Añover- Reporter ng GMA News- isang media personality na nasaksihan ang tunay na pangyayari doon sa Palo-Leyte habang nagcocover- madaming namatay, madami ang nasugatan pero si Love buong tapang na inihatid ang balita upang makatulong. Bilang ganti din niya sa mga taong tumulong sa kanya-binalikan niya ang mga eto at pinasalamatan ng personal-ang driver ng van, driver ng single motorcylce, ang mag asawang nagpa inum sa kanya ng tubig na kahit na halos ginto ang katumbas neto nung panahon na iyon at ang dalawang magkapatid na inalalayan siya.Mangiyakngiyak si Love habang nagpapasalamat sa mga eto- ako din umiiyak habang pinapanood ang programang Kapuso mo Jessica Soho.

2. Bianca Gonzales- Ginamit ang kanyang pagiging sikat sa Social Media upang maghatid ng tulong at mang engganyo ng iba upang tumulong na rin. Na touch din ako dat she featured a lot of Yolanda stories too in Instagram and twitter. like students creating greeting card to inpire other victims, the two old lovers na di nagpatinag sa sitwasyon bagkos mas lalo silang nagmahalan sa kabila ng katandaan.Sinulatan din ni Bianca ang bawat lata ng sardinas ng mga salitang magpapatibay sa mga nasalanta ng bagyo. She is really a Super Bianca!

Divine Lee- She is beautiful in and out. She is really a Queen to help others. She used her connections to be able to give to the victims the reliefs and needs. No make-up , No high heels but still i find her beautiful and stunning on her effort to volunteer. mabuhay ka Mother!

3. Anderson Cooper- di nmn dadagsa ang tulong sa bansa kung wala ang International Media that really magnified the situation of Philippines to the world. Pinakita niya ang sitwasyon at humingi na rin ng tulong sa iba para sa mga Pilipino.

4. Volunteers- mga Foriegner na iniwan ang trabaho at pamilya upang tumuolong, kahit ang iba sa kanila nabiktima ng bagyo at  pa ng mga pagnanakaw katulad nung cellphone na nagselfie pa ang salarin. Sila ang tunay na bayani na di na kailangan pang gawan ng istatwa at ilagay sa pedestal, isang I.D lang nakasabit sa leeg na may katagang VOLUNTEER- dama kong irespeto at mahalin kita. Salamat.

madami pang mga storyang naganap at nabuo sa Typhoong Yolanda, marami ang sad stories ngunit kinakailangan nating basahin at pahalagahan ang masasayang storya na nagmula sa isang masaklap na trahedya-habang buhay kung ikekuwento at di ako mapapagod na ikwento eto sa bawat taong magtatanongsa akin neto. Mga kwentong kapupulutan ng aral at leksyon and to inspire each of us to do good. Be a good karma will come closer to these people.


keep shining,

cliff