Wednesday, June 4, 2014

Here comes the June este Bride pala!


June is the famous month to get married. It's the best time because it's post summer so its warm and perfect for garden or outdoor wedding. The flowers starting to fully bloom and the garden is so green, in short ang daming arte! idadamay mo pa ang mga halaman at bulaklak sa kagustuhan mong gumanda ang wedding mo. di nga din naman kita masisi eh kung bakit you really wanted it to be perfect, yung gusto mo lahat parang fairy tale.yung parang pang happily ever after- namulat nga naman talaga tayo sa mga prinsesa sa alamat at kwento, kaya ganun ang ideal na kasal ng iilan.

As a host, most of the time i got emotional when i saw everyone smiling and sometimes crying  during wedding day,especially the bride and groom. Kumaka-crayola din ako nuh- ewan ko nga ba kung bakit?! di ko madescribe yung feeling na sobrang saya ko para sa bagong mag asawa.daig ko pa ang ninang at ninong nila.hahaha

Here's my tips para sa mga wedding attendees: sila ang mga bisita, part ng entourage at mga kamag anak ng mga bagong ikinasal.

1.Be the early bird- the early bird catches the lechon! ahahha. kaloka!- Dapat maging maaga kayo sa simbahan or sa event's place- Huwag niyong paghintayin ang Pari at  huwag mong bigyan ng stress ang mga matatandang staffs ng simbahan- Lalo na't part ka ng entourage, hay naku, huwag mong sirain ang show- parang awa mo na. And please occupy the first row ng upuan, huwag kang matakot sa pastor o pari na sesermonan ka about Pre-marital sex, pakapalan na ng mukha yan.

2.The many-ier not the better- di ibig sabihin kapag invited ka eh invited na din ang buong angkan mo sa kasal- naka head count po ang pagkain sa reception at naka budget ang souveniers- huwag mong dalhin ang mga barkada mo at family members mo kapag ka di naman talaga sila invited-di po ito clan o batch reunion.

3.Brides MAID ka! MAID! as in KA-TU-LONG! huwag kang umupo lang at minu-minuto ay nag reretouch na parang isa ka sa mga bisita- You received that role on wedding kaya dapat gampanan mo ng maayos- you should lead the guest to their seats, mamigay ng corsage at flowers sa godparents, encourage the crowd to participate and attend the needs of visitors, - huwag kang maarte! maganda ka lang at huwag mong ipagsabay ang dalawang yan.ok?! Tips para sa mga Bride- you should inform your bride's maids on what to do and please make it sure na kilala ka nila at close talaga kayo! Sila ang mga dahilan kung bakit successful o palpak ang show.

4. Eat and Run- May mga tao talagang ganito- kapag tapos na silang kumain ay aalis na bitbit ang supot ng take out!- ang kakapal! You committed your time para sa wedding ,dapat mainitindihan mong part ka ng kasalang ito, from the start until the end of the program.. Di po ito Jollibee na kapag ka tapos kana sa lafang eh maglalaho ka nlang bigla. Kabastusan po yan para sa aming part ng organizing team at lalo na rin sa newly wed couple.

5.Calling all the Single Ladies- eto yung pinaka madugong part ng wedding reception- ang "Throwing of Bouquet"-Push and Pull to! pipilitin mo pa ang mga babaeng single na tumayo sa gitna at saluhin lang naman ang bulaklak ng bride- Bisita ka, kaya magparticipate ka! yung iba, tinatawag na nga ang pangalan- eh, di pa tatayo! cause ka ng delay ate! di kanaman masyado kagandahan pero pinapa init mo ang ulo ng Bride at ng Organizers. Tapos kapag ka tinapon na ang maganda at mahal na bouquet- eh walang sasalo! nasa sahig nalang ang kumpol ng bulaklak na lamog! kung di pa naman kayo tanga! ang linaw ng instruction na mag uunahan lang naman kayong saluhin yan.Sinasabotahe niyo ang ganda ng flow ng program.Nakakainis na!

Galit na ako huh! hahaha kidding.
Irespeto naman sana ang oras at kagustuhan ng newly wed couple-
huwag mong balahurain ang palabas.
This is their winning and priceless moment and let them shine. Don't be a scene stealer!
Kasal nila ito at di mo wedding! maghintay ka! gaga!
Mr. and Mr.s Talaid and the KCC Family
Lumalaban na talaga kami! puro kasal na. Mr. and Mrs. Insular and the KCC Family

Sherry Paderna-the beautiful Bride from Koronadal City - Garden wedding ang peg! lovely and bongga-



Keep shining,

Cliff the star!

2 comments:

  1. ayos kaayo ni mads...! tinood jud na tanan nimo na gi blog :)

    love it..

    ReplyDelete
  2. ikaw na ang official organizer nako madam. final na ni.hehehe

    ReplyDelete